Part 14 . . . Nabuhay Muli si Ngipin

225 10 1
                                    


"Nabuhay Muli si Ngipin"

------

Nakarating ang triplets sa kabila ng bundok. Mula sa itaas ay nakita nila ang mga ilaw sa siyudad ng Caloocan na malapit sa paanan ng bundok. Madaling araw na at tulog pa ang mga tao. May ilang maagang gumising na naglalakad sa daan. Mga nagtatrabaho at hinahabol ang mga unang biyahe para hindi malate sa kanilang pinapasukan dahil sa matraffic kapag tinanghali sila. Bumilis ang pagbaba ng mga halimaw. Sa laki ng kanilang mga hakbang at tulin ng kanilang pagtakbo ay ilang minuto lang ay narating nila ang isang subdivision.

"EEEEEEEEE! AYYYIIIIII!"

Sigawan ang mga nasa kalsada. Isang lalakeng nagjojogging ang unang nadampot ni Pula. Hindi na nakasigaw dahil sa nashocked.

"Craakkkk!" Lumagutok ang mga buto ng nguyain ni Pula.

Nasalubong nila ang isang tricycle na puno ng pasahero. Nagulat  ang drayber na binilisan pa para makalusot lang sa mga halimaw pero tinabig ni Itim. Natumba ito at nagroll. Talsikan ang ibang nakasakay. Dinampot sila ni Itim at isa- isang isinubo. Hindi na pinansin ang dalawang naipit sa loob ng tricycle at tumakbo na sila. Lumiliwanag na. Dumami na ang mga tao sa daan.

Sa kalsada na tumatakbo ang triplets. Nagsisigawan ang mga tao. Bumilis ang takbo ng mga sasakyan ng makita ang mga halimaw. May nagbabanggaan na. Napadaan ang triplets sa isang maliit na police detachment. Nagulat ang isang pulis na kalalabas lang na nag-night duty. Bumunot siya ng kanyang baril at pinaputukan ang triplets.

"Bang! Bang!"

"Graaahh!"

Sa galit ni Pula ay binayo niya ng kanyang kamao ang pobreng pulis. Para itong pakong pinukpok sa ulo. Hindi lang bumaon sa semento ang katawan kundi napisak ang buong katawan. Walang natirang buong parte kundi ang uniporme nito. Durog lahat na parang dumaan sa gilingan ang pulis.

Mabilis silang naglakad sa gitna ng kalsada. Isang paparating na pampasaherong jeep na may ilang mga sakay ang hindi naka-iwas.

"Yaaaaaahhhhhh!" Sigaw ng drayber at bumangga ang jeep sa isang paa ng triplets. Umangat ang unahan nito ng bumangga sa hinlalaking daliri ng paa at bumangga sa binti. Warak ang unahan na umurong ng makina. Naipit ang mga paa ng drayber na nakalabas ang kalahating katawan. Nawalan siya ng malay tao. Yumuko si Pula at dinampot niya ang nakalabas na katawan. Naputol ang mga paa hanggang hita ng itaas siya at isinubo ni Pula. Inapakan ni Itim ang bubong ng jeep at nayupi ito. Naipit ang mga sakay sa loob. Iniwan sila ng mga halimaw na tumakbo na.

Nanginginig ang katawan ng triplets habang tumatakbo. Tumatangkad sila matapos makakain ng mga tao. Mahigit na silang dose piye. Nagkukulay tsokolate na ang kanilang balat. Naghilom ang sugat nila sa  nawakwak na leeg ni Ngipin. Bumukol ito at tinutubuan ng maitim na balahibo.

-------

"Sir nasa may Caloocan na ang mga halimaw. Mabilis ang takbo nila patungo sa kabundukan ng Mount Bagabag. May hawak silang apat na sibilyan. Marami ang mga namatay na sibilyan sa kanilang dinaanan at marami rin ang kanilang nakain na mga tao!" Tawag ng isang field officer ni heneral.

"ANO? PAANO SILA MABILIS NA NAKATAWID NG BUNDOK?"  Napatingin ang heneral sa mapa. Papunta ang mga halimaw sa bulubundukin ng Angat Dam ang naisip niya.

Nag-ring ang isang telepono ng
heneral. Dinampot niya.

"GENERAL WHAT ARE YOU DOING? WE HAVE MANY CIVILIAN CASUALTIES AS OF THIS MOMENTS! TELL ME IF YOU CAN'T DO YOUR JOB I WILL RELIEVE YOU! " Sigaw ng Sec. Of National Defense. Namutla si heneral. Naisip niya ang suggestion ni Inspector Villa pero huli na kung susundin niya.

"Sir i can catch them. I need more men and air support." Nangangatal niyang tugon.

"I will give what you want general but this is your last chance. You have 24 hours to desttoy the monters!"

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon