Part 22 . . . Ang Puting Taong Lobo

219 12 2
                                    

"Ang Puting Taong Lobo"

--------

Matagal ang katahimikan sa buong arena ng mapatay si Ngipin. Nakatayo pa rin si Inspectior Valle sa tabi ng pool. Tumingala siya at  pinagmasdan ang mga maligmo na lahat ay sa kanya nakatingin.

"Ito na ba ang bago kong mundo ang mapabilang sa mga malignong ito? Isa na rin ba ako sa kanila? " iniisip niya habang umiikot siya at tinignan ang mga maligno sa itaas ng mataas na pader.

Isang malaking salamin ang biglang lumitaw sa tabi niya.Napatingin siya.

"Ahhhhh! Ano itong ginawa ko sa aking sarili? Diyos ko paano pa ako manunumbalik sa dati kong anyong tao?" bulong niya sa sarili.

Hinubad niya ang kanyang pang-itaas na uniporme. Nagitla siya. Buong katawan niya ay puno ng mahahabang balahibong puti. Lumapit siya sa salamin at pinagmasdang maigi ang kanyang mukha. Kulay asul ang kanyang mga mata. Walang pinagbago sa hugis maliban sa mga balahibong puti sa buo niyang mukha. Tumulis ang dalawa niyang mga tenga na may maliit na balahibo. Ngumanga siya. Tumulis ang kanyang apat na mga ngipin. Dalawang maliit na pangil sa ibaba at dalawang malaking pangil sa itaas. Ngipin ng isang aso ang mga ngipin  niya.

"Anong klaseng halimaw ba ako?" bulong niya.

Isang malakas na palakpak ang kanyang narinig. Tinignan niya kung sino ang pumapalakpak. Ang matandang dwendeng puti na nakatayo ang nakangiting pumapalakpak. Nagsunuran ang mga maligno at pumalakpak na rin silang lahat. Nagsimula na ang mga sigawan at hiyawan. Umingay ang buong arena. Lahat ay natutuwa sa napanood nilang laban. Itinaas ng matandang dwendeng puti ang isa niyang kamay at tumahimik ang buoung arena.

"Binabati kita Emmanuel! Manalo ka lang ay isinakripisyo mo ang buo mong pagkatao bilang tao. Hindi ka natakot sa mangyayari sayo at ininom mo ang aming banal na tubig. Ang iyong bagong anyo ay anyo ng isang magiting na mandirigma na malaon ng nawala rito sa aming mundo. Nasa mundo na sila ng mga tao na naghahasik ng lagim. Sila ang mga mandirigmang itinakwil namin dito sa aming mundo." Sabi ng matandang  puting dwende.

"Manunumbalik pa ho ba ako sa dati kong anyo? Makababalik pa ba ako sa aming mundo? Paano ang natitira pang dalawang halimaw sa aming mundo?"

"Lahat ng mga tanong mo ay ikaw lang ang makasasagot Emmanuel. Bilang pinuno ng mundong ito ay hindi ako makikialam sayo. Binigyan ka ng paraan ni  Okdor ang nuno sa punso na makarating dito pero ikaw pa rin ang may kusang  pumarito. Natuwa sayo si Okdor na aking anak. Kaya siya lang ang maaaring makialam sayo. Ang tadhana mo ay naitakda na ng inumin mo ang aming banal na tubig. Habang buhay ka nang magiging taong lobo sa gusto mo o sa ayaw. Ikaw pa lang ang kauna-unahang taong nakarating dito sa aming mundo at uminom ng aming banal na tubig. Ang mga kauri mo na namumuhay sa mundo ng mga tao ay aming isinumpa at pinarusahan hindi kagaya mo. Okdor! Ikaw na ang bahala sa kaibigan mo!" huling sabi ng matandang dwendeng puti.

"Poof" lumitaw si Okdor sa tabi ni Emmanuel.

"Ho ho ho! Kumusta ka na kaibigan? Ho ho ho! Ang gwapo mo pala sa ganyang anyo."

"Okdor hindi mo sinabi na magiging taong lobo ako kung iinumin ko ang inyong  tubig. Paano ako manunumbalik sa dating ako?"

"Ang babala ko sayo ay sapat na upang hindi mo iinumin ang aming tubig. Ninais mo pa ring ininom kahit alam mong mananatili ka  rito sa habang buhay. Dahil diyan ay makababalik ka pa rin sa dati mong anyo pero pag-isipan mo kung paano?"

"Huh! Napakahirap ng ipinagagawa mo Okdor. Magulo pa ang aking isip."

"E di palinawin mo ang iyong isip!"

Tumahimik si Emmanuel. Kumalma siya. Muli siyang nauhaw at nagutom. Pinuntahan niya ang kanyang backpack. Binuksan. Nanlumo siya nang makitang wala ng lamang tubig ang mga bote. Nabasag lahat sa loob ng kanyang backpack. Kinuha na lang niya ang sampung bars na tsokolate na hindi pa nababasa sa loob ng isang plastik na supot. Ayaw niyang lalong mauhaw kaya ibinigay niya ang mga tsokolate kay Okdor na natuwa.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon