"Ayok ang Tikbalang"--------
Nauuna sa pagpalakad si Estong ng pasukin ng dalawa ang kagubatan. Naalala ni Inspector Villa ng habulin nila ang mga halimaw sa kagubatang ito. Kay bilis nilang lumaki ang naisip niya. Tinignan niya ang kanyang relo. Mag-aalauna pa lang ng hapon. Pinagpapawisan na siya. Wala pang hangin kaya mahumid. Isang oras na silang naglalakad ng tumigil si Estong.
"Sir ayun po ang higanteng balite!" Sabi ni Estong at itinuro ang puno.
Malaki nga at matanda na ang higanteng puno ng balete. May limang metro ang diyametro ng katawan ng puno. Maraming naglalakihang parang baging ang nakabitin mula sa mga sanga ng puno na ang iba ay nakatusok na sa lupa. Mga ugat ito ng puno mula sa mga sanga. May malaking punso na kinain na rin ng mga ugat. Mataas pa kay inspector ang punso.
Tumingin sa paligid si inspector. Nakita niya ang mga wild na punong saging. Binunot niya ang kanyang hunting knife at pumutol ng dalawang dahon. Bumalik siya kay Estong.
"Mang Estong akina na ang mga bayong."
Inilatag niya ang dalawang dahon ng saging sa paanan ng punso. Inlagay niya sa isang dahon ang lahat ng mga prutas sa bayong at sa isang dahon naman ang buhay ga puting manok na nakatali ang mga paa at pakpak.
"Apo pagdamutan po ninyo itong aking mga alay. Sana ay magustuhan po ninyo!" Bulong niya sa harap ng punso. Tumayo siya at lumayo sa punso.
Umupo sila ni Estong at naghintay. Malamok ang lugar kahit may araw pa. Panay ang tapik ni Estong sa kanyang mga kamay at batok.
"Sir maitanong ko lang. Para saan ba yung mga prutas at manok?"
"Para sa isang tutulong sa atin Mang Estong kung paano natin mapapatay ang mga apo ninyong mga halimaw." Tugon niya sa matanda na hindi na kumibo.
Inabot sila ng tatlong oras sa paghihintay. Nakatulog na si Estong ng naka-upo. Wala pa ring nangyayari sa mga alay. Kumuha ng dalawang bote ng mineral water si inspector sa backpack at ibinigay ang isa kay Estong. Kumuha siya ng dalawang bar na tsokolate. Nagtig-isa sila ng matanda.
Lumipas ang isang oras. Inaantok na rin si inspector dahil sa pagka-inip sa paghihintay. Nakadukmo sa sariling mga tuhod si Estong at tulog. Sumasara na ang mga mata ni inspector ng may kumagat na lamok sa kanyang batok. Tinapik niya. Tumingin siya sa kanyang mga alay. Nabawasan ang mga prutas.
"Ha? May nabawas na? Nawala ang dalawang mansanas!" Bulong niya. pero hindi pa rin siya lumapit sa punso. Naghintay pa rin siya.
Hindi umaalis ang tingin niya sa mga alay. Nangangawit na ang kanyang batok at nangangalay na ang kanyang mga paa. Biglang nawala ang isang tangkay ng mga ubas. Napatayo at lumapit sa punso.
"Maraming salamat apo at nagustuhan ninyo ang mga alay ko." bulong niya.
"POOOF!"
Lumitaw ang nuno sa ibabaw ng punso. Naka-upo ito at may nginunguyang ubas.
"Gusto ko ang amoy ng kinain mo kanina!" Sabi ng nuno.
Nag-isip si inspector kung ano ang kinain niya. Naisip niya ang tsokolate. Nagmadali siyang bumalik sa kanyang backpack at kinuha ang limang bars na tsokolate. Lumapit siya sa punso.
"Ito po ba ang naamoy ninyo? Heto ho at kunin ninyo!" Tumingkayad siya at ipinatong ang mga tsokolate sa ibabaw ng punso.
Kumuha ng isa ang nuno. Tinanggalan niya ng balot at kinagat ang tsokolate. Nasarapan siya. Tuwangtuwa at nagsasayaw sa ibabaw ng punso ang nuno na isang puting dwende. Lahat ng kasuotan niya ay kulay puti. Puti ang kanyang buhok na may puting bigote at mahabang balbas. Asul ang kulay ng kanyang mga mata. Matutulis at mahaba ang kanyang mga tenga.
BINABASA MO ANG
Triplets (Completed)
HorrorSa kadiliman ng gabi ay maraming kakaibang nilalang na nagmamasid sa atin at handang maghasik ng lagim ng hindi natin inaasahan. Mga nilalang na kahit sa ating guniguni ay ating katatakutan. Isang maligno ang nagkagusto kay Gilda at kanyang ginahas...