"Nahuli ang Triplets"---------
Nakarating na sa Maynila ang helicopter ni Roger Stan. Nakatingin siya sa ibaba at pinagmamasdan niya ang mga dinadaanan ng helicopter.
"Vince umikot tayo ng tatlong beses at medyo ibaba mo ng kaunti." Atas niya sa kanyang piloto.
"Yes sir!"
"Kung ako ikaw! Saan kaya ako magtatago? Malaki akong tao at punahin? Wala namang underground dito. Kung abandonadong gusali ay may mga security guards! Lalo na ang mga lumang factories o bodega!" Sa isip niya habang nakatingin siya sa ibaba.
Makalipas ang isang oras ay wala siyang nakitang kakaiba sa mga gusali. Walang nagkakagulong mga tao. Nanonood siya ng mga balita sa kanyang cellphone. Nagbabakasakaling lumabas ang triplets. Sa isang news page ay ibinabalita ang interview kay Inspector Villa noong nasa labas siya ng isang kwebang pinagtaguan ng triplets. May napansin siya sa mga kuha sa loob ng kweba. May ilang damit na nakasabit sa isang gilid ng kweba. Maayos ang pagkakasabit. May kasamang tao ang mga halimaw.
"May kasama silang protektor. Kung ganoon ang taong iyon ang nagmaneho ng nasakyan nila papuntang Maynila. Hindi siya basta't pwedeng maglakad sa kalsada o sa mga bukid kahit na gabi pa. Hmmmm!" Iniisip niya.
"Vince baybaying mo ang ilog Pasig. Gusto kong makita ang bawat gusaling nasa tabi ng ilog."
Sumunod ang piloto sa kanyang utos. Bumaba ang lipad ng helicopter. Nagsimula ito sa pagbaybay sa ilog mula sa Manila Bay. Kaliwa't kanan ng ilog kung tumingin si Roger. Wala siyang makitang kahina-hinala sa mga gusali. Papadaan sila sa isang saradong lumang factory ng bakal. Napansin ni Roger na bukas ang gate pero walang bantay o ibang taong gumagalaw sa loob ng compound.
"Vince ibalik ko doon sa lumang factory. Ikutan mo."
Sumunod ang piloto. Bumalik sila. Wala siyang makitang tao sa loob. Nakita niya ang kariton ng basura.
"Vince steady ka lang sa itaas ng tatlong bodega." Tinitignan niya ang paligid ng tatlong bodega. Nakita niya ang tangke ng oxygen na nakakalat. Kinuha niya ang kanyang largabista. May sinilip siya sa semento.
"Tama nga ang hinala ko. Dugo ng tao ang nasa semento katabi ng tangke ng oxygen. Gawa ba kaya ito ng halimaw o ng tao? " Bulong niya.
"Vince tayo na. Umuwi na tayo sa penthouse." Tumaas ng lipad ang helicopter at lumiko ito patungong Makati.
---------
Sa loob ng bodega ay nakahilata ang triplets sa katreng higaan ng bantay. Bumagsak ang katre sa sementong sahig. Nabusog sila. Halos walang natirang buto sa tatlong binatilyo. Malaki pa sila sa katre kaya nawarak ito ng daganan nila. Narinig nila ang tunog ng maingay na makina. Nakita nila na umaalimbukay ang alikabok at ibang maliliit na dumi at kalat sa labas ng bodega. Umupo sila.
"Pula ano ang ingay na iyan?"
"Hindi ko alam Ngipin. Tignan natin!"
Tatayo na sana sila ng sumigaw si Estong.
"Huwag kayong lumabas. Ingay yan ng lumilipad na sasakyan. Makikita kayo!"
"Mamayang madilim tayo lumabas!" Sabi ni Itim. Muli silang humiga.
"Delikado na ako rito. Madadamay ako kapag nakita sila. Paano ko kaya sila matatakasan?" Iniisip ni Estong. Tumayo siya sa kina-uupuan niya sa isang sulok. Wala na ang helicopter. Sumilip muna siya sa pintuan bago lumabas.
"Estonggg! Saan ka pupunta?"
"Titignan ko lang ang sasakyan. Baka wala ng gasolina!" Sigaw niya.
Humiga ulit ang triplets. Naghikab pa ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Triplets (Completed)
HorrorSa kadiliman ng gabi ay maraming kakaibang nilalang na nagmamasid sa atin at handang maghasik ng lagim ng hindi natin inaasahan. Mga nilalang na kahit sa ating guniguni ay ating katatakutan. Isang maligno ang nagkagusto kay Gilda at kanyang ginahas...