Chapter 3 . . . Estong

259 8 1
                                    


"Estong"

---------

Kumalat ang balita sa karumaldumal na pagpatay sa biktima. Usap-usapan sa palengke at umabot na sa buong bayan. May kumalat na litrato ng bangkay sa social media. May nakakuha ng litrato ng hindi pa dumarating ang mga pulis sa lugar ng krimen. Dagsaan ang mga reporters ng iba't ibang networks sa barangay at kumalat ang balita sa mga radio at TV stations.

Sa loob ng barongbarong  sa bundok ay maingay. Maynagsisigawan. Nagtatalo ang mga triplets.

"Gusto ko talagang kumain ngayon!" Sigaw ni Ngipin at hinihimas ang tiyan.

"Tumigil ka! Maliwanag pa!" Sigaw din ni Pula. "Nasaan ba si Estong?" Tanong niya.

"Ibinabaon ang mga buto Pula!"

"Bakit ang tagal niya?"

"Pula siya na lang kaya ang kainin ko!" Sabi ni Ngipin.

"Pak!" "Ugh!"

"Bakit ba nanampal ka?"

"Wala kang isip Ngipin! Sino ang mauutusan natin kung kakainin mo si Estong!"

"At hindi na siya masarap!  Sobra na ang tanda niya! " Singit ni Itim.

"E di lumabas tayo. Maghanap tayo ng bata!" Sigaw ni Ngipin.

"Pak!" "Ugh!"

"Bakit ba Pula? Kanina ka pa sampal ng sampal!"

"Bingi ka kasi! Sinabi ko na sayo maliwanag pa kanina!"

"Matanda ako sayo Pula tandaan mo!"

"Ako ang matanda hindi ikaw Ngipin."

"Tumigil kayo! Ako ang pinakamatanda kaya pareho kayong tumigil at ikaw Pula huwag ka ngang sampal ng sampal kay Ngipin. Nasasaktan din ako!"

"Nasasaktan ka rin Itim?"

"Oo Pula!"

"Eh nasasaktan din ako pag sinasampal ko si Ngipin?"

"Gago ka pala Pula! Nasasaktan ka na pala eh bakit sinampal mo ko ulit!"

"Sinong Gago?"

"Tumigil kayo! Ako ang sasampal sa inyong dalawa!"

"Anong gagawin natin Itim? Gutom ako!"

"Maghintay tayo. Ikaw lang ba ang gutom?"

"EESSTTOOONNGGG!" Sigaw ni Ngipin.

Pumasok ang matanda sa loob na may hawak na pala. Isinandal niya ang pala sa gilid ng dingding.

"Estong ikuha mo kami ng pagkain."

"Pero wala na akong alagang hayop. Naubos na ninyong lahat."

"GUMAWA KA NG PARAAAANNN!" Sigaw ni Ngipin.

Nanginig ang matanda. Kinuha niya ang malaking bayong na nakasabit. Isang shoulder bag na pambabae  ang kanyang inilabas. Binuksan niya. May mga perang papel na ipon ni Gilda. Kumuha siya ng sampung tig isang libo. Ibinalik niya ang bag sa loob ng bayong at muling isinabit ito.

"Bababa ako ng barangay. Susubukan kong bumili ng baboy."

"Sige. Bilisan mo."

Kinuha ni Estong ang kanyang sombrero at nagmadaling lumabas. Lakad takbo ang ginawa niya makalayo lang kaagad sa barongbarong. Tumigil lang siya ng nasa bukana na siya ng barangay. Hapong-hapo at naglakad ng mabagal.

May nakita siyang tricycle na nakaparada na naghihintay ng sasakay. Umupo siya sa likod ng drayber.

"Dadaan ba ito sa palengke."

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon