"Special Police Inspector Emmanuel Valle"---------
Ang kinakatakutan ni Estong ay ang sa tuwing nagigising ang triplets lalo kapag siya ay kanilang tinititigan. Lagi silang nagugutom at walang kabusugan. Ibinaon niya ang natira sa labi ng bangkay ng kanyang asawa. Ngayon siya ay nagsisisi sa kanilang pagiging gahaman sa pera. Huli na ang lahat. Wala na ang mag-ina niya. Kung hindi naman siya susunod sa gusto ng triplets ay tiyak sa tiyan nila ang kanyang bagsak.
Magulo ang kanyang isip. Dumidilim na. Takot na takot na siya. Pumasok siya sa loob ng barongbarong. Tulog pa rin ang triplets. Nagsumiksik siya sa sulok kung saan siya ay laging lumulugar. Natutulog siyang naka -upo sa sulok mula ng isilang ang triplets. Dahil sa pagod ay pumipikit na ang kanyang mga mata. Antok na antok na siya.
"ESTOONNGG! Ang pagkain namin!" Malakas na sigaw ng triplets.
Nagitla siya at napadilat. Kumatog ang kanyang mga tuhod. Nakatayo na ang triplets at tinititigan siya. Nakakiling ang ulo ni Pula at pinandidilatan siya.
"NASAAANNN NAAAAA!" sigaw ni Pula.
Napa-iyak si Estong sa takot. Tumulo pati ang kanyang sipon. Hindi siya makatingin sa triplets. Yumuko siya at nanginginig ang kanyang buong katawan.
"Hu hu hu! Hihihindididi kokoko kakakaya ang ipipipinagagagawa ninininyo!"
Pautal na sagot ni Estong sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
Lumapit ang triplets sa kanya. Sinabunutan ang kanyang buhok at iniangat ang kanyang mukha. Dilat na dilat ang mga mata ni Itim sa kanya.
"Gusto mong ikaw ang maging hapunan namin ngayon ha Estong?"
"Uuhuwag po! Hu hu hu hu!"
Humagulgol siya ng iyak at ipinikit na lang ang kanyang mga mata. Naghalo ang kanyang mga luha at sipon.
Ngumanga si Ngipin at tumulo ang laway na akmang kakagatin si Estong.
"Huwag Ngipin. Kailangan pa natin si Estong." Sabi ni Pula.
"Anong kakainin natin. Gutom na ako!"
"Tayo ang maghahanap!" Sabi ni Pula.
"Hark! Hark! Hark! Gusto ko ang sinabi mo Pula. Makalalabas na tayo. Sabik na rin akong makita ang labas." Sabi ni Itim.
"Payag na ako. Estong huwag kang aalis dito!" Patulak na sinabunutan ni Ngipin ang buhok ni Estong.
"Hu hu hu hu! Opo! Hu hu hu hu!"
Binitawan ni Itim ang buhok ni Estong. Iniwan ng triplets ang matanda na namamaluktot sa sulok. Lumabas sila ng bahay.
"Ahhhh! Ang sarap ng hangin. Tayo na!" Atas ni Pula.
Kahit mabagal silang maglakad ay malalaki naman ang kanilang hakbang. Bumabaon ang kanilang mga paa sa lupa dahil sa bigat nila. Nakarating sila sa bukana ng nayon. Walang ilaw ang daan. May ilang mga bahay na may ilaw sa harapan. Tahimik at maagang natutulog ang mga tao.
"Pula dito tayo sa isang bahay na ito!"
Pumasok sila sa loob ng bakuran ng ikalawang bahay. May aso sa harapan ng bahay. Natakot itong tumahol ng maamoy at makita ang triplets. Tumakbo ang aso na bahag ang buntot. Sumisilip ang triplets sa mga bintana. Madilim sa loob pero nakikita nila. Walang tao sa sala ng bahay. Naglakad ang triplets at nagpunta sa likod ng bahay. Nakita nila ang pintuan sa kusina. Itinulak ni Itim. Nawasak ang door knob. Bumukas ang pinto at pumasok sila sa kusina.
Nabuksan ang pintuan ng isang silid at lumabas ang isang lalake na nakasando at short. Nagising siya dahil sa ingay na likha ng nasirang pintuan. Nagmadali itong pumunta ng kusina ng hindi binubuksan ang ilaw.
BINABASA MO ANG
Triplets (Completed)
HorrorSa kadiliman ng gabi ay maraming kakaibang nilalang na nagmamasid sa atin at handang maghasik ng lagim ng hindi natin inaasahan. Mga nilalang na kahit sa ating guniguni ay ating katatakutan. Isang maligno ang nagkagusto kay Gilda at kanyang ginahas...