"Search Party"
--------
Papasikat na ang araw ng bumalik ang mga naghahanap. Nagreport ang isang pulis kay Inspector Valle.
"Sir negative ang paghahanap namin. Nawala ang mga bakas malapit sa bundok."
"Bundok? Yung bundok na iyon?" Itinuro ni inspector.
"Yes sir.!
" Sige. Bubuo ako ng search party. Papasukin natin ang bundok na iyan mamaya. Pahinga na muna kayo at mag-almusal. "
"Yes sir!"
Tinitignan ni inspector ang kabundukan. May kataasan at mahaba ang kabundukan ng Sierra Madre. Naalala niya ang mga kabundukan sa Mindanao. Ang pakikipaglaban niya sa mga Abu Badaf
Pasakay na siya sa mobile car ng dumating ang mga sasakyan ng mga taga news networks. Umalis siya kaagad. Ayaw niya ng interviews.
-------
Nagising si Estong. Nakiramdam siya sa loob ng barong-barong. Tahimik sa loob. Hindi niya alam kung anong oras ng umuwi ang triplets. Pumasok siya sa loob ng barong-barong. Tulog ang triplets. Nakalampas na sa papag ang kanilang mga paa. Napakalaki na nila. Hindi na sila kasya sa barong-barong.
Nakakasuka na rin ang amoy sa loob. Napansin niya ang mga buto at dalawang bungo sa lupa sa tabi ng papag.
"May biktima na naman ang mga halimaw." Bulong niya.
Palabas na siya ng....
"Estong! Ikuha mo kami ng pagkain!"
"Hindi pa kayo nabusog sa mga kinain ninyo kagabi?"
Umupo ang triplets sa papag.
"Gutumin kami! Kaya ikuha mo kami ng pagkain."
Tumayo sila at nauntog sa bubong kaya napayuko. Lumabas si Estong at kasunod ang triplets. Nakayuko silang naglakad sa loob ng barong barong. Paglabas ay naghikab pa ng sabay-sabay. Halos pitong piye na ang tangkad nila.
Nakatingala si Estong habang kaharap sila.
"Hindi na kayo magkakasya sa bahay. Kailangan na nating umalis dito at maghanap ng malilipatan."
Tinignan siya ni Itim.
"Saan naman kami pwedeng lumipat?" Sabi ni Itim.
"Sa kabila ng talampasyun ay maraming guwang na malalaki. Pwede kayong pumili ng isa."
Tinignan ni Pula ang itinuro ni Estong. Malayo at masukal. Malalayo sila sa barangay na kuhanan ng kanilang pagkain.
"Sige tignan natin." Sabi ni Itim.
"Kukunin ko muna ang ilang mga gamit ko." Sabi ni Estong at pumasok siya sa barong-barong.
Kinuha niya ang malaking bayong na nakasabit. Binuksan niya ang isang karton at kumuha ng mga damit. Ubos na ang kanyang mga pantalon sa kasusuot ng triplets na laging nawawarak dahil nakakalakihan nila. Ngayon ay nakahubad na lang sila at wala namang pakialam sa kanilang hitsura. Inilagay niya sa bayong ang mga damit. Iniisip niyang babalikan na lang ang ibang gamit.
Lumabas siya. Nakita niyang nauna ng lumakad ang triplets. Mabagal silang maglakad pero malalaki ang mga hakbang. Pababa sila sa talampas na may maraming punong kahoy. Isang maliit na batis ang kanilang tinawid at muling umakyat sa kabilang talampas.
Madawag ang gubat at may kadiliman dahil hindi nasisikatan ng araw ang ilalim ng mga malalaking punong kahoy.
Tumigil ang triplets sa bukana ng isang malaking guwang. Hinintay nila si Estong.
BINABASA MO ANG
Triplets (Completed)
HorrorSa kadiliman ng gabi ay maraming kakaibang nilalang na nagmamasid sa atin at handang maghasik ng lagim ng hindi natin inaasahan. Mga nilalang na kahit sa ating guniguni ay ating katatakutan. Isang maligno ang nagkagusto kay Gilda at kanyang ginahas...