Chapter 5 . . . Nagpakita na ang Triplets

223 8 0
                                    


"Nagpakita na ang Triplets"

---------

Nasa ibaba ng talampas sina Inspector Valle. Kumalat ang grupo niya sa pampang ng maliit na batis. Dimilim na at hinihintay nila ang dalawang asong bumalik. Napansin niyang tahimik ang paligid maliban sa lagaslas ng agos ng tubig sa batis. Tumayo siya sa ibabaw ng isang malaking batong nakausli sa gilid ng batis at tinitignan ang kabila ng batis.

"Sir tatawid ba tayo sa batis. Madilim na ho!" Sabi ng katabi niyang pulis na umakyat na rin sa ibabaw ng malaking bato. Hindi na niya marinig ang tahol ng mga aso. Naisip niyang malayo na ang tinakbuhan nila.

"Hindi na tayo tatawid. Delikado ang talampas sa kabila. Bukas ay maaga na lang tayo rito. Pagbalik ng mga aso ay uuwi na muna tayo! Sabihan mo ang mga kasama natin!"

"Yes sir!"

Pinasisinagan niya ng flashlight ang kabilang talampas. Naghintay sila hanggang kalahating oras. Wala pa rin ang mga aso.

"Let's go home! Two by two kayo sa pag-akyat dito sa talampas!" Sigaw niya.

Umatras sila at nagsimulang umakyat sa talampas na may katarikan. Madali ang bumaba. Ang paakyat ang mahirap.

"Pre sana inagahan natin ang pag-akyat dito sa bundok. Inabot tuloy tayo ng dilim.," sabi ng isa sa kasama niya. Nangungunyapit sila sa mga malililiit na halaman para maka-akyat. May kadulasan ang lupang kanilang tinatapakan.

"Swaaaaaashhh!" Malakas na tunog ng tubig na parang may tumalon sa batis.

"Pre ang laking isda namang tumalon doon sa batis. Narinig mo?" Sabi ng nangunguna sa dalawang pulis na umaakyat sa talampas.

"Pre baka buwaya iyun! Hahaha!"

"Kraakkk! Kraakk! Kraaaakk!"

Narinig nila ang maraming sangang nababali. Inilawan ng isang nasa ibaba ang likod niya pababa sa talampas.

"Ayyeeiiiii!" Sigaw niya at nanlaki ang kanyang mga mata.

Tatlong ulong malalaki ang nailawan niya. Nanginig ang mga tuhod niya sa takot. Gusto man niyang umakyat ng mabilis ay hindi niya magawa. Nakangisi ang tatlong ulong pinandidilatan siya. Pulang-pulang ang buong mata ng ulong nasa kanan at itim na itim naman ang buong mata ng kaliwang ulo. Nakanganga ang ulong nasa gitna na naglalaway at labas ang mga malalaki at matutulis na ngiping itim. Nakataas ang kanyang kamay na nakatikom ang kamao halos kasing laki ng ulo ng pulis.

"Swiissshh Pak!" "Arkkhh!"

Binigwasan siya ng triplets. Tumalsik ang kanyang ulo. Naiwan ang katawan at sumisirit ang dugo mula sa putol na leeg. Gumulong katawan nito pababa sa talampas.

"Aaahhhhhhhh!"

Sigaw ng ikalawa. Nagmamadali siyang maka-akyat. Hinablot ang kanyang isang paa ng triplets. Dumausdos ang katawan niya pababa sa talampas. Dinakma ng triplets ang kanyang ulo at idiniin sa lupa.

"Kraakk!" "Ughhh!"

Pumutok ang kanyang ulo at lumuwa ang mga mata. Nangisay siyang bigla.

"Sir sigaw iyun!" Sabi ng katabi ni inspector.

"Galing kanan natin!" Sagot ni inspector.

Inilawan nila ang ang kanang bahagi ng talampas. Wala silang makita dahil sa natatabingan ng mga halaman.

"Ayyyyyeee!" Aaaiihhhhh!"

Sunod-sunod ang mga sigaw. Binilisan nina inspector ang pag-akyat sa talampas. Malalaki na ang mga puno at wala silang makita. Pagdating sa itaas ay naghintay sila sa kanilang mga kasama.

Triplets (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon