- Sana di ko kayo mainip sa First Story ko. Kathang isip lang. :)) Feel free po to comment or vote. ;)
Rome, Italy. July 2010.
Nakatanggap ako ng friend request mula kay Carl. May 143 mutual friends kami.
Nacurious ako.. Tiningnan ko ang mga picture nya.. di naman sya ganon kagwapo pero di ko alam kung bakit, nacrushan ko agad sya.. tiningnan ko din ang info, taga Florence lang sya,malapit lang sa Roma, mas matanda lang sya sakin ng 2 years.. so inaccept ko ang request nya.. :">
Nung una, di naman talaga kami nagpapansinan,
naisip ko.. bakit kaya ako iniadd nito kung dededmahin lang pala ako? ano yon? pampadagdag friends lang? cheap mo naman dre. -.-
Simula nun, di na ako umasa na magppm or magpopost sya sa wall ko.
Since mahilig ako sa quotes, karamihan sa status ko sa facebook ay mga quotes.. Minsan naglalike sya, pero wala pa rin kaming nagiging conversations or commentan man lang.
Pero one day, nag status sya na nabobored sya, eh nabobored din ako nun e di nag comment ako.. tanungan, kulitan.. tapos biglang may umeksenang magandang girl, si Veronica.. nagcomment din sya. Parang close sila, sa totoo lang, medyo naOP at nagselos ako.. pero yun, nakisakay na lang din ako sa conversation nila.
Kunyari kinikilig ako sa kanila, binibiro ko sila, tapos yun nagkameron kaming tatlo ng tawagan.. si Carl daw si PA, si Veronica si MA at ako??
well ako si BUNSO.
Happy family look a like noh?
Pero deep inside, unti unti akong pinapatay ng selos...
Bakit ako nagseselos? Hindi naman kami. Hindi ko naman din sya ganon kakilala..
Sa totoo lang, di ko alam kung bakit ang bilis ko nagkagusto kay Carl, pakipot ako, HTG na nga ang tawag sakin ng mga kaibigan ko eh, HARD TO GET kasi.. ang hilig ko daw mambasted..
at di naman ako yung tipo ng babae na nauuna makipag usap sa mga lalake, may pagkasuplada kasi ako.. Hindi din ako basta basta nagbibigay ng number ko kung kani-kanino lang...
Pero simula nung conversation with Carl, madalas na kami nagkakacommentan or wall to wall, tapos hiningi nya din number ko, agad ko namang ibinigay.
Comment-an hanggang sa magsawa sa facebook habang magkatext.
Sa totoo lang, nakontento na lang ako sa ganon, siguro nga eh hanggang dun na lang kami: sya ang aking PA at ako ang BUNSO nya.
One day, nagkacommentan kami ni MA, pabiro nyang sinabi na selos daw sya kasi mas close ko daw si PA kesa sa kanya. Mas lalo ako napaisip, affected sya... Baka nga may something sila? Feel ko tuloy nagiging kontrabida ako sa kanilang 2.. :(
binawasan ko na pangungulit kay PA.
Makalipas ilang araw, nalaman ko friends lang pala talaga si MA at si PA.. as in, tawagan lang talaga yun kasi si MA ay happily at matagal ng commited kay Jake.. nagpost kasi si MA sa wall ko. Sabi nya
"No more Pa & Ma .."
sabi ko "Bakit?"
nagseselos daw kasi si Jake, ayaw nya na may ibang lalaki tumatawag sa kanya ng Ma, pero sabi nya pede parin daw akong tumawag ng Ma sa kanya.
Pagkatapos nun, mas komportable na ako makipagbiruan kay PA.. actually mas close na kami at minsan naging topic namin ang lovelife. Sya parang broken, parang di pa din sya nakakamove on sa minahal nya dati, si PAMELA.. Sakin naman that time, may nanliligaw, si JEROME, isang schoolmate ko sa Pinas.
BINABASA MO ANG
Relationship Status: M.U.
RomanceAko si Hershey Tamii Guttierez.. also known as H.T.G. hindi dahil abbreviation ng full name ko yun, kundi dahil sa Hard To Get ako. Never pa akong nagkaboyfriend.. Never pa akong nainlove... hanggang sa may natanggap akong Special Friend Request...