CHAPTER 5: RUNAWAY with me?

1.5K 23 7
                                    

CHAPTER 5: RUNAWAY with me?

===========

JIJEY'S POV

===========

TOOTOOTOOTOOT


Anubeyyy!!! Ang ingay!! Can't you see natutulog yung tao oh? Naman!!!

TOOTOOTOOTOOT

Pwede bang mamaya ka nalang magingay? Pakakasalan ko na si Vincent eh. Maga-I Do na ako oh.

TOOTOOTOOTOOT

''Aaaaahhh!!! ANO BA?!!!!! KEEP QUIET!!! PLEASEE!!! '' 

BOOGSH! 


'' Awww... ano bang nangyari? *yawn*'' sabi ko habang hinahaplos haplos ang pwet ko ang sakit kaya ng pagkakahulog ko. Nagpagulong gulog ata ako. Ano bang oras na? 7:00 am na pala. Kaya naman pala ang ingay ng lecheng alarm clock na ito. Hayy naku, panira talaga yung alarm clock na yun. Pakakasalan ko na si Vincent eh.

KNOCK! KNOCK!

'' Jijey, kain na ikaw. May pasok ka pa. Bumaba ka na!'' sabi ni Yaya Ising. Hayy, dumeretcho ako sa banyo. 

'' AAAAAHHHH!!! MULTO!!!!!!'' ay weyt. Kung multo ang nasa harapan ko, bakit nasunod ng galaw sa akin? Ayy shunga! Nasa tapat pala ako ng salamin. Palibhasa gulo gulo pa ang buhok ko tapos may panis na laway pa sa gilid ng labi ko tapos may muta pa ako. Eeew. Makapaghilamos na nga at makapanligo.

After many many many many procedures ng panliligo, natapos din ako. Ngayon nakatube na blouse ako ngayon at skinny jeans tapos stilettos. Sayang naman kasi ang mga stilettos na ito bigay ito sa akin ni Mama eh. Since mahaba naman ang buhok ko. Hinayaan ko nalang siyang nakalugay. Tapos nagmake up ako ng konti at nagpabango. Then naglagay ng accessories. Malay niyo magkagusto na sa akin si Vincent kasi napapansin na niya ako. Actually pinapansin niya ako, mali lang talaga yung preview ni author. Isinakbit ko na ang bag ko at bumaba na para kumain.

Pagkatapos kong kumain ng sandamukal ng fried rice. Nagtoothbrush ako, syempre. Tapos lumabas na. Pero pagkalabas ko may nakita akong nakaparadang kotse. AT mukhang pamilyar sa akin ang magandang kotse na ito. Biglang may lumabas na lalaking nakashades at leather jacket. S-Si Vincent ito. Anong ginagawa niya dito?

''Vincent, anong ginagawa mo dito?'' pero nginitian niya lang ako. Binuksan niya ang pinto malapit sa passenger's seat.

'' Sabay na tayo pumasok.'' sabi niya. Wala naman akong choice kasi gusto ko rin naman. Hehe. Pumasok na ako. Sinarhan niya ang pinto at pumasok na din siya sa kotse. Nakatungo lang ako. Kinikilig kasi ako eh baka mahalata niya. 

'' Jijey...'' napalingon ako sa kanya pero laking gulat ko nung nakita kong papalapit na ang mukha niya sa akin. I-Is he going to kiss me? Nyay.. siya ba ang magiging first kiss ko sa lips? Anong gagawin ko? Pipikit ba ako o ano? Tinitigan niya ako mata sa mata hanggang sa tumingin siya sa side ko at parang may kinuha.

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon