CHAPTER 11: I HAAAAAAAATEE HIIIIIIIIIIIM!!!
===============
ELOUISE'S POV
===============
Weeee... It's MONDAY!! Di ko na ikwekwento kung anong nangyari nung kahapon. Puro pang-aasar, pangungulit, pagyayabang, at paninira ng araw lang naman ang ginawa sa akin ng hinayupak na Kenneth Torres na yun! Infairness, nakakayot talaga siya. Wala siyang pinagbago! Panget padin siya! De joke lang. Gwapo naman siya. Kaso ang UGALI nako BAGSAK! Kaya naman nagmumukha siyang panget sa paningin ko.
On the way to school na ako. Pinagmamadali nga ako ni Jijey eh kasi madami daw siyang ikwekwento. Pero hayy, parang ayaw kong makinig sa kanya. Siguradong si Vincent nanaman at kung paano sila kasweet ang ikwekwento niya sa akin. Ayy, di lang pala sa akin. Pati narin pala sa kawawang torpe naming best friend na si Shack. Ayan kasi, naunahan ni Vincent.
Sabihin niyo na assuming ako, pero mahal pa talaga ako nung si Vincent at alam kong ginagamit niya lang si Jijey para pagselosin ako. Wag kayong maniwala sa sweetness ni Vincent kay Jijey. He's an actor, right? Kaya kayang-kaya niyang umarte sa harap ni Jijey. Poor Jijey, di niya alam na niloloko lang siya. Alah, bahala sila!
Haven't I told you nga pala, naiinis na ako kay Jijey? Why? Kasi lagi nalang kaming icocompare. Ayos sana kung ako ang mas lamang. Pero hindi eh. Siya't siya padin. Mas maganda nga ako sa kanya pero halos lahat nalang ng taong na sa paligid namin ang tingin ay mas maganda padin si Jijey. Hayy naku, mabait lang yan kaya madaming admirers. Pero bakit daw ganun? Mas weak daw ako sa kanya. Mas Iyakin daw ako sa kanya. Mas palangiti daw siya. Mas cute daw siya. At kung anu-ano pa. Naiirita na ako! Lahat na ng naging admirers ko naagaw na niya. Tapos ngayon si Vincent? A-AH! Sumosobra na!
Gusto ko sanang iwasan na siya eh. Kaso, wala naman akong mapapala kung iiwasan ko siya. Popular siya sa boys. Ako din. Dun nga lang ako lamang. Mas popular ako sa kanya. Pero bakit ganun? halos lahat ng nagmamahal sa kanya, minamahal siya ng totoo. Tulad nalang ni Shack. Wagas ang pagmamahal niyan para kay Jijey. Yun pang si Rubin from high school. Kung di sila naghiwalay ng landas siguradong sila na ngayon eh. Tapos marami pang iba. Yung mga friends kong varsity players, gusto nilang pumorma kay Jijey. Pero ang sabi ko, may nagmamay-ari na ng puso non. Pero siyempre di ko pa sinasabi kay Jijey na madaming gustong pumorma sa kanya. kaya ayun, hanggang tingin nalang ang mga varsity players na yun.
Madami ding nagagalit na babae diyan kay Jijey. Kasi nga mga inggit sila. Ang dami kayang nagkakandarapa kay Jijey kaso manhid nga lang siya! Wala na kasing ibang bukambibig kundi si VINCENT na para sa akin lamang. :P. Sabihin niyo nang bad ako, pero yun talaga ang nararamdaman ko eh. Kahit best friend ko siya. Wala. Yun talaga ang nararamdaman ko.
--------------------------------
Andito na ako sa school. At ayun, si Vincent. As usual, parang may concert nanaman ang school namin. Di na ba sila nasanay? Halos lahat ng artista, dito pumapasok sa Wattpad University. Mga shunga ang mga ito eh! Dati nung kami pa at di pa niya kilala si Jijey, nakikiganyan lang kami ni Jijey. Kaso ako nga lang ang hinahalikan niya sa cheeks. Hehe. Si Jijey naman, bubugbugin ako. Tatanungin kung bakit ako lang ang hinalikan? Ay ako ang girlfriend eh. Sinabi ko yan pero sa isip ko lamang.
Dumeretcho na ako sa classroom. Pagkadating ko sa classroom, may bagong pinagkakaguluhan ang mga babae. Si Vincent? Wait, nasa baba pa iyon. Eh sino ito? Transferee? Sinarado ko ng malakas ang pintuan dahilan para mapatingin silang lahat. At ayun nakita ko na kung sinong pinagkakaguluhan! Ay pucha! Anong ginagawa niya dito?
'' IKAW NANAMAN?!'' sigaw ko. Lahat ng kaklase sa paligid namin may confused na expression.
'' Hi there!'' sabi niya. Anak ng-- wag niyong sabihing dito siya papasok?
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Fiksi RemajaAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)