CHAPTER 32: Trying to find this Cinderella

944 16 0
                                    

CHAPTER 32: Trying to find this Cinderella

=============

SHACK'S POV

=============

Andito ako ngayon sa tambayan namin nina Jijey. Si Kenneth at ako lang ang nandito. Si Jijey at Vincent naman nakauwi na. Ganun din ATA si Yumi. Kanina ko pang hawak hawak yung kwintas. Kanina ko pading tinititigan ito.

'' Tol, tunaw na yang kwintas na iyan. Kanino ba yan?'' tanong ni Kenneth.

'' Kay Yuka.'' sabi ko habang nakangiti.

'' Yung seret admirer mo? Nakipagkita sa iyo? Teka, anong hitsura? Chix ba yan? Maganda ba? Sexy ba? Ano?'' sunud-sunod na tanong ni Kenneth.

'' Teka, hinay hinay lang. Oo =, yung secret admirer ko. Oo, nakipagkita siya sa akin. Hindi ko nakita ang hitsura kasi naakataklob ang mukha niya ng hoodie ng jacket pati ng kanyang mahabang buhok. Chix? Hindi ko alam. Maganda? Maganda ang buhok, yun ang nakita ko eh. Sexy? Pwede nadin. Ayan nasagot ko na ang mga tanong mo.'' sabi ko.

'' Ang labo naman. Nakipagkita siya sa iyo pero hindi niya pinakita ang mukha niya. '' napakamot nalng ng ulo si kenneth.

'' Pero narinig ko boses niya.'' sabi ko.

'' Eh? Anong tingin mo sa boses niya? Maganda ba? Sweet ba? Ano?'' tanong ulit ni Kenneth.

'' Ang hirap idescribe. Parang kay Yumi.'' sabi ko.

'' Owwww.... ehdi mahinhin.'' sabi niya. Tama, yun nga. Mahinin.

'' Tol, tulungan mo akong hanapin si Yuka.'' sabi ko.

'' Ha? Pano? Eh kwintas lang naman yang nakuha mo sa kanya.'' sabi ni Kenneth.

'' Narinig ko ang boses niya. Kumanta kasi siya.' sabi ko.

'' Eh ano yun? Pakakantahin natin lahat ng babaeng nagkakandarapa sa iyo dito? Eh sa dami kaya ng mga yun.'' sabi ni Kenneth.

'' kaya yun. Hihiramin lang natin ang stage sa gym.'' sabi ko.

'' tsss... pasalamat ka kaibigan kita. Kailan ba tayo magsisimula?'' tanong ni Kenneth.

'' Ngayon.'' sabi ko. Halos masamid naman si Kenneth. Nakain kasi siya ng chips. 

'' Ngayon?'' sabi ni Kenneth.

'' oo. Ngayon.'' sabi ko.

'' Grabe talaga itong hinayupak na ito. Sha oo na!'' sabi ni Kenneth.

'' Salamat tol.'' sabi ko. Sinaman lang ako ng tingin ni Kenneth. Dumeretcho na kami si gym. Humanap kami ng ilang mga kaibigan namin para tulungan kami. Syempre, tinawag nila lahat ng mga babae. Marami-rami din. Tinitingnan ko na din ang mga buhok. Yun kasi ang nakita ko kay Yuka. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siyang makita. 

'' Uhm, Hi girls. Tinawag namin kayo kasi itong kaibigan kong si Shack ay may hinahanap.'' sabi ni Kenneth.

'' Ahh.. yeah. I need to know who she is. I need to know who Yuka is.'' sabi ko.

'' Bale, tatawagin lang namin kayo para umakyat sa stage. Tatanungin namin kayo ng ilang questions. At kung mapalad kayo, pakakantahin kayo ng Prince Shack niyo.'' sabi ni Kenneth. Agad namang nagbulungan ang mga babae.

'' So, shall we start? First girl please.'' sabi ni Shack.

'' Hi, Shack. Hi, Kenneth.'' sabi nung isang babaeng nasa stage. Hindi siya yun alam ko na. 

'' Ah... hello.'' sabi namin ni Kenneth.Nagtanong kami ng ilang questions. At hindi talaga siya si Yuka. 

'' NEXT!'' sigaw ni Kenneth. Umakyat naman ang isa pang babae. Yung buhok, kaparehas ng kay Yuka. Maganda siya ah.

'' Hi Shack, Hi Kenneth.'' bati niya sa amin. Ay hindi din siya.

'' Anong pangalan mo?'' tanong ni Kenneth. Ehem! May nangchichicks dito oh!

'' Ahhhmmm.... Patricia.'' sabi ni Patricia.

'' Hi, Patricia!'' sabi ni Kenneth sabay kindat. Halata namang kinilig itong si Patricia. Nagtanong na kami ng ilang tanong este... si Kenneth lang pala. 

'' Ehem... sige thank you. NEXT!'' sigaw ko. Delikado na si Kenneth eh.

===========

YUMI'S POV

===========

Naggagala lang ako sa school. Nagiisip isip lang ako kung tama ba ang ginawa ko. Hayy! Lechugas na ito oh. Tapos nawawala pa yung kwintas ko. Ayyyt! Mahalaga yun sa akin eh. Nawala pa. 

'' Eh? Talaga? Sino daw si Yuka?'' weeeeeyt! Screen name ko yun ah. Lumapit lapit ako ng konti sa mga naguusap.

'' Di ko nga alam eh. Malalaman pa dun sa gym. Hinahanap kasi siya ni Prince Shack. Sabi ni Prince Shack, kailangan daw niyang malaman at makilala si Yuka. Kaya ayun, pinapapila niya lahat ng babae sa gym para mas madaling mahanap yung si Yuka.'' sabi nung isang babae. Hinahanap ako ni Shack. Waaah! I'm so flattered!

'' Grabe, swerte naman nun kung sino man yung Yuka na iyon. Talagang hinahanap pa siya ni Prince Shack.'' sabi nung isa. Agad akong tumakbo papunta sa gym para malaman kung totoo. Pagkapasok ko dito, ang daming babaeng nakapila. Ay, mga YUKA WANNA BE? Tsssss.... Natutuwa naman ako at hinahanap pala ako ni Shack. 

'' Pipila ka din?'' napalingon ako sa nagsalita. Si Rafael pala. 

'' Ha? Hindi ah. Tinitingnan ko lang kung anong nangyayari.'' sabi ko.

'' Ahh ganun ba? Sige.'' sabi niya. Alam niyo, hindi ko pa nakikitang ngumiti yang si Rafael. Kala mo laging problemado. Lagi kasing seryoso. Parang araw araw may malalim na iniisip. Lumapit ako kina Shack at Kenneth.

'' Ui Shack.'' bati ko dito.

'' Oh Yumi.'' bati sa akin ni Shack.

'' What's happening here?'' tanong ko.

'' Ahh... he's trying to find that Yuka girl.'' singit ni Kenneth. Napangiti ako. Hinahanap niya nga ako.

'' So, this Yuka girl. May feelings ka ba para sa kanya?'' tanong ko kay Shack.

'' I don't know. I'm not quite sure.'' sabi niya. igla naman akong nalungkot.

'' Ahhhh... ganun ba? Sige alis na ako. Bye.'' sabi ko. 

'' Sure ka Yumi? Don't you wanna hang for a bit?'' tanong ni Shack.

'' I would love to but I'm so tired. I need to go home.'' sabi ko.

'' Sige. Ingat ka.'' sabi ni Shack. I waved him goodbye saka lumabas ng gym. Hayy, natutuwa na ako na nalaman ko na kahit papano ay hinahanap pala ako ni Shack. Ayos nadin yun. At least tumatak ako sa idip niya.

---------------s----------------o-----------------o--------------------n-------------------------

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon