CHAPTER 22: PAGHIWALAYIN ANG VJ COUPLE OPERATION: Day 1

1.2K 19 0
                                    

==============

ELOUISE'S POV

==============

Andito kami ni Kenneth ngayon sa tapat ng bahay ni Jijey. Actually, we are planning to stalk Jijey and Vincent. Tapos may plano kami. Sigurado namang magdedate ngayon ang dalawa. Nagtatago kami sa isang puno sa tapat ng bahay ni Jijey. Hanggang sa may kotseng nagpark sa tapat ng bahay ni Jijey. At si Vincent ang nagdadrive nito.

''Ayan na! Ayan na!'' sabi ko kay Kenneth.

'' Kita ko nga!'' sabi niya. Hmp. Sungit. Nagdoorbell siya at syempre binuksan nung isang katulong ang gate. At mukhang naamaze pa ata ang katulong kasi ganito expression niya oh, *O*. Ay ate! Katulong ka lang! Back off, akin si Vincent. Pinapasok na nung katulong si Vincent. 

===========

JIJEY'S POV

===========

Hayy, ang boring naman. Di pa natawag si Vincent. Eh kung tawagan ko kaya. Naaah, nakakahiya! Tsaka siya ang nanliligaw hindi ako. Kaya bakit ako ang tatawag? Kaya naman eto ako ngayon, nakahiga sa kama ko. Tinutunaw sa titig ang ceiling. Hayy.

*KNOCK KNOCK

'' Ahm.. Jijey. May bisita po kayo.'' sabi nung isang katulong namin pagkabukas ng pinto. Agad naman akong napatayo. Hayy, finally! Someone to talk to.

'' Ah sige. Bababa na ako.'' sabi ko. Sinarado na ng katulong namin ang pinto. Nanalamin muna ako bago bumaba. Pagkatapos nun bumaba na ako. Pagkadating ko sa sala kausap ni Eomma ang bisita ko.

'' Vincent?'' sabi ko. HUMAYGAD! Kausap niya si Eomma. 

'' Jijey...'' napatayo naman si Vincent.

'' Darling, kinakausap ko lang ang suitor mo. I told him not to hurt you or else you'll come with me to Korea.'' sabi ni Eomma.

'' Eh? Ganun ba?'' napakamot nalang ako ng ulo.

'' And oh, i think you need to get dressed. Mukhang may pupuntahan pa ata kayo. Anyways, maiwan ko muna kayo. I'll just go to a dry goods store, kailangan ko ng tela.'' sabi ni Eomma sabay labas ng bahay. 

''Hayy, si Eomma talaga.'' sabi ko. 

'' So... pwede ba tayong pumunta sa park dito sa inyong subdivision?'' tanong niya. Tumango ako. Umakyat muna ako para kuhanin ang cellphone ko at para nadin magsapatos. Ok nanaman ang outfit ko kasi sa park lang naman. Nakasimpleng green sando ako at shorts tapos converse shoes. Mainit naman ang panahon eh. Si Vincent? Nakasimpleng t-shirt at pants syempre with sapatos. Ang gwapo niya nga eh *O* . Bumaba na ako. 

'' Let's go?'' tanong niya. Tumango ako at ayun, lumabas na kami ng bahay at naglakad papunta sa park ng subdivision namin.

==============

ELOUISE'S POV

==============

Ayun! Lumabas na sila. Teka, bakit naglalakad sila. Sinundan namin sila ni Kenneth. Pinapakinggan namin ang mga sinasabi nila.

'' So, bakit ka napadalaw sa subdivision namin?'' tanong ni Jijey.

'' Uhmm.... wala lang. I just wanted to see you. Namiss kita eh.'' sabi ni Vincent. Aray ha! Nandito ako, Vincent! Nasasaktan ako! :\

'' Ganun? Hahaha. Parang kahapon lang kausap mo lang ako. Nakita mo pa nga ako.'' sabi ni Jijey. Sus, halata namang kinikilig. Hayy naku! Wag mo lang talagang sasagutin yang si Vincent. Tamo, paglalamayan ka ng mga magulang mo. Deh joke lang. Paglalamayan mo lang pala ang buhok mo dahil sasabunutan kita ng todo todo.

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon