CHAPTER 27: PAGHIWALAYIN ANG VJ COUPLE OPERATION: Day 6
==============
ELOUISE'S POV
==============
Hayy naku! Ang bilis ng araw. Eto ako ngayon, hatching ng hatching, ubo ng ubo. Pero kailangan pang may puntahan. Nasa kotse ako ngayon ni Kenneth. On the way to school kami ngayon. Oops, walang pasok ah. Nandun lang daw sina Vincent at Jijey. Nasa gymnasium daw. May nakakita daw sa kanila doon.
''HATCHOO!'' napahatching ako. Sinisipon at inuubo ako ngayon. Buti pa itong kasama ko, hindi man lang inuubo o sinisipon.
'' Anu ba?! Kindly cover your nose and mouth whenever you're going to sneeze and cough.'' sabi niya. Arte naman nito.
'' Oo na! Arte naman nito.'' sabi ko.
'' Baka lang naman mahawaan ako. Air conditioned kaya ang kotse ko!'' sabi niya.
'' Aysus... ayaw mo nun para fair. Nagpabasa ka din naman sa ulan kahapon ah.'' sabi ko.
'' Hayy, pero hindi ako tumagal. Sumakay ako sa kotse noh.'' sabi niya. Ala! bayae na nga siya. Walang mapupuntahan ang discussion namin.
===========
JIJEY'S POV
===========
Here sa gym ng school namin. Ok lang namang tumambay dito basta wala kaming gagawing masama. Tinuturuan ako ni Vincent magbasketball. Haha. Kanina niya pa ngang nahahawakan ang kamay ko. At kinikilig naman ako! :">
'' Para makathree points shoot ka, dapat magaling ka din sa math at science.'' sabi niya.
'' Paano naman nasama ang Math at Science sa paglalaro ng basketball?'' sabi ko.
'' Kailangan mo kasing makuha ang tamang posture, agility, at power para makaperfect shoot.'' sabi niya. Ha? Di ko gets.
'' In short, kinacalculator yun sa utak.'' sabi niya. Ahhh. Di ko parin gets. Oh sige na ako na ang slow! =_=
'' Ganito.'' sabi niya. Pumwesto siya sa likod ko. Hawak ko kasi ang bola. Iniangat niya ang kamay ko. Bale sa braso ko siya nakahawak. Waaah! Ang lapit nanaman niya sa akin. Ramdam ko ang hininga niya sa may shoulder ko. Kinikilig akong ewan. *O*
'' Ayan, maalam ka namang magshoot. So, shoot na.'' sabi niya. Napabitaw siya sa akin at lumayo ng konti. Bumwelo ako sa pagshoot. Ako kasi pagnagshushoot ng bola kailangang may kasamang talon. Haha. Di ko kasi keri kung mga braso lang ang gagamitin. Ishinoot ko na. At yess! Nagshoot siya.
'' YESS!'' napatalon ako sa tuwa.
'' Nice! Very good. Pwede na tayong maglaro. No rules, no score.'' sabi niya. Okay, bakit kinilig ako? May nararamdaman akong may gagawin nanaman siya ikakikilig ko eh. Maya maya naglaro na kami. Nasa akin ang bola kaya... DRIBBLE DRIBBLE DRIBBLE... TAKBO TAKBO TAKBO... tapos, DRIBBLE ulit. Tapos nung ishushoot ko na biglang naharangan ako ni Vincent dahilan na maagaw niya sa akin yung bola. Syempre hinabol ko siya. At naagaw ko sa kanya ang bola. Tumakbo ako at nahabol niya ako. Yakap yakap ko na yung bola para di niya maagaw. Nasa likod ko siya. Tinatry niyang kuhanin ang bola. Pero di niya makuha. Haha. Maya maya, niyakap niya ako at binuhat. Yun bang nakayakap siya sa iyo mula sa likod tapos iniangat ka lang.
'' Ayaw mong ipaagaw ang bola ah.'' natatawa niyang sabi. Ishinoot ko yung bola at nagshoot naman ito.
'' YESS! WHOO! PANALO AKO!!'' sabi ko habang nagpapapalakpak. Ganun padin ang position namin. Hanggang naout of balance kami. Tawa kami ng tawa kahit nakahiga na kami sa sahig. Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin. Kinuha ko naman ito para makatayo nadin. Hayy, nakakapagod din. Hanggang nakaramdam ako ng uhaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/1650866-288-k872801.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Genç KurguAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)