CHAPTER 25: PAGHIWALAYIN ANG VJ COUPLE OPERATION: Day 4
==============
ELOUISE'S POV
==============
Simula nang hinawakan niya ang kamay ko. Parang may naramdaman ako. Pero gosh di ito pwede!!! Yung feeling na several weeks ago simula nang bumalik siya ay galit at inis ang naramdaman ko pero yesterday, ewan parang napalitan iyon ng..... ALA IWWWWW!!! YOKO NANG SABIHIN! SANTISIMANG MALALAPAD, DI NA AKO NANGILABOT SA SINABI KO!!
Hayy anyways, pupunta kami ni Kenneth ngayon sa practice hall ng VJ Infinity dahil pupunta din dun si Jijey at tatambay daw ang VJ Infinity doon. Bale, papahiyain namin si Jijey in front of them. Pero syempre sa OPPA GANGNAM STYLE! Deh Joke lang, sa Kenneth and Elouise's Style yung pagistalk. At patagong pagsira sa image ni Jijey. On the way na nga kami ngayon eh. Monday, Failed! Nung Tuesday, failed ulit! Kahapon, failed nanaman! Nakakainis.
'' Woi! Ang lalim ng iniisip mo jan.'' nabigla ako sa biglang sabi ni Kenneth habang nagdadrive. Napatingin ako sa kanya. Lumingon din siya sa akin. Ay puteekk! Bakit slow motion pa?
''A-Ah? H-Ha? A-Ano.. Di n-naman noh.'' sabi ko sabay iwas ng tingin. Shett! Nauutal ako!
'' Bakit ka nauutal?'' tanong niya sabay tingin sa kalsada.
'' W-Wala! Wala ka na dun.'' sabi ko.
'' Suus.'' sabi niya.
'' Wag ka nga!'' sabi ko. Kainis ito! Maya maya nakadating na kami sa practice hall ng VJ Infinity. Syempre nagtago kami. Nandun nadin si Jijey kasama ang VJ Infinity. Hmmm, how can they be so close agad? Ganyan ba kagaan ang loob nila kay Jijey?
'' Okay, Plan A. Kuhanin natin yung iPod ni Aaron tapos itago natin sa bag ni Jijey.'' sabi ni kenneth.
'' Huh? Paano yun? Eh lagi namang hawak ni Aaron ang iPod niya.'' sabi ko.
'' Engot mo talaga. Ehdi palalabasin natin sila. Sure naman akong may makakakuha diyan ng atensyon.'' sabi ni Kenneth. Okay, ehdi kailangan pa naming tawagin si tadhana para may makakuha ng atensyon nila. Hayy naku! Ala yae na nga! Mga ilang minuto kaming naghintay.
''BALOOOOOOOOOT! BALOOOOOOOOOOOOT PENOOOOOOOOOOOOOOOY!'' may biglang tumawag ng ganung pagkain mula sa labas ng practice hall nila.
'' Oi! Bili tayo ng balot tagal na nating di nakakabili nun.'' sabi ni Lloyd. At ayun naglabasan na sila.
'' Jijey, tara na.'' yakad ni Vincent.
'' Sige. Kuhanin ko lang cellphone at wallet ko.'' sabi ni Jijey. Yes! Pahuling lumabas si Jijey. At iniwan ni Aaron ang iPod niya sa ibabaw ng bag niya. Pagkalabas ni Jijey agad kaming pumasok at kinuha ang iPod ni Aaron at itinago sa loob ng bag ni Jijey. Pagkatapos nun nagtago agad kami. Maya-maya bumalik na sila.
'' Woo! Namiss ko ito!'' sabi ni Lloyd. Si Aaron naman dumeretso sa bag niya at mukhang napansin na nawawala ang iPod niya.
'' Guys, may kumuha ba ng iPod ko dito?'' tanong ni Aaron.
'' Wala naman ata tol. Ikaw lang ang nangengelam ng gamit mo.'' sabi ni Renz
'' Sure kayo? Sinong huling lumabas?'' tanong ni Aaron.
'' Ako.'' sabi ni Jijey.
'' Wala kang kinuha o nakita dito?'' tanong ni Aaron. Ooooh! This is fun!
'' Wala akong kinuha jan. At kita ko namang nasa may bag mo yung iPod mo.'' sabi ni Jijey.
'' Guys, baka naman tinago niyo ah! Pacheck naman sa mga bag niyo.'' sabi ni Aaron. Ayan na! Naghalungkat sila ng mga gamit nila.
'' Teka, kanino ito?'' tanong ni Jijey sabay pakita nung iPod.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Teen FictionAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)