CHAPTER 39: Mga pangiyamot!!!
=============
VINCENT'S POV
=============
''D-Dad?'' nabigla talaga ako. Si Dad? Anong ginagawa niya dito?
'' I'm home! How I missed this house. Ohh... Vincent. I missed you my son. Nga pala si Lucas your brother.'' sabi niya. He's home? After all those years? Nakuha pa niyang tawagin ang bahay NAMIN as his home? The heck! At brother?! Ibig sabihin. Matagal na niyang niloko si Mom.
'' What are you doing here, @ssh#le?!'' sabi ko.
'' Be careful with your words, son. I'm here because this is my house.'' sabi niya. Kapal ng mukha oh!
'' Your house? You must be mistaken. This is MOM'S house'' sabi ko.
'' Eh nasan ba siya ngayon? Di ba wala?! So that means, this is my house now.'' sabi niya.
'' Lolo! What's the meaning of this?!'' tanong ko kay Lolo nung napansin kong tahimik siya.
'' Ayan yung balak kong sabihin sa iyo. From now on, he'll be living with us pati yung..errr... step brother mo.'' sabi ni Lolo.
'' This is unbelievable.'' sabi ko sabay akyat sa kwarto ko. Bakit niya inaccept si Dad ng ganun ganun lang. After what he did to me? TO MY MOM? Geeez!
==========
JIJEY'S POV
==========
''Vincent...'' hinabol ko siya. Pero as i said, malaki ang bahay na ito kaya naligaw ako. Luckily, may nakasalubong akong maid.
'' Ahhh ate... nakita niyo po ba si Vincent?'' tanong ko.
'' Si Sir Vincent po ba? Ay pumasok po sa kwarto niya.'' sabi nung maid.
'' Pwede niyo po bang ituro kung saan ang kwarto niya?'' tanong ko. Tumango naman yung maid. Sinundan ko nalang siya. Tumigil kami sa tapat ng isang pinto.
'' Ayan po ang kwarto niya. Mauna na po ako.'' sabi nung maid.
'' Salamat po.'' sabi ko. Umalis na yung maid. Kumatok ako.
'' ANO BA?! PWEDE BANG LUBAYAN NIYO MUNA AKO?!'' sigaw niya.
'' Vincent... si Jijey ito.'' sabi ko. Narinig ko naman na parang in-unlock niya ang door. At binuksan niya ito. Pumasok naman ako. Nganga ako sa kwarto! Ang laki! Pero talagang pinagbuksan lang ako ng pinto tapos humiga siya sa kama niya. Kaya naman naiwan ako na nakatayo lang sa isang tabi.
'' Vincent... uhm... ano... siya ba yung... dad mo? Yung... kinwento mo da--'' di niya ako pinatapos.
'' Pwede bang wag na natin siyang pag usapan.'' cold niyang sabi.
'' O-Okay... Yung... Yung kapatid mo... mukhang ayos naman. Mukhang magkakasun--'' di niya ulit ako pinatapos. Napabangon siya sa pagkakahiga.
''PWEDE BA?! KUNG WALA KANG MATINONG MASASABI, UMALIS KA NALANG DITO!!'' sigaw niya. Awww ha. Mga ilang segundo akong nakatayo lamang at gulat na gulat.
'' Ano.... J-Jijey.... I'm sorry... Hindi ko sinasa--'' di ko siya pinatapos.
'' Hinde... aalis nalang ako. Thanks sa flowers. Uuwi na ako.'' sabi ko sabay labas. I just can't believe na sinigawan niya ako. Bumaba na ako and I'm ready to go.
'' You must be Jijey. What a lovely girl.. bagay kayo ni Lucas. Eto nga pala siya. Lucas si Jijey. Jijey si Lucas.'' sabi nung dad ni Vincent pagkababa ko. Iniabot naman ni Lucas yung kamay niya sa akin. Di ko ito tinanggap.

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Fiksi RemajaAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)