CHAPTER 38: Ang pagbabalik
===========
JIJEY’S POV
===========
3 months na ang nakakalipas. Masaya parin kami. Nagkukulitan, naglalambingan, at oy may improvement... Nagbubugbugan. Di naman actually yung bugbog. Yung naghahampasan, nagkukurutan, nagsusuntukan, nagaasaran, pero in a playful way. Lumalabas nadin ang tunay na kulay ni Vincent. Haha. May pagkabata ang isip. Mayabang? OO! As in! Masungit? Naman! Sinabi niyo pa! Lalo na pag wala sa kanya ang attensyon ko. Maya-maya siya na ang nagsusungit. May pinagaawayan din kami. Pero maya-maya, konting lambing lang niya bati na kami! O’diba bonggacious.
Nga pala! It’s almost Christmas! O’yeah! December na ngayon. At naka-enroll na ako sa 2nd sem! Konting tiis nalang, 3rd year college na ang atii niyo. At ang saya saya ko. This Pasko, magcecelebrate kaming magkakaibigan sa house ko. Buti nga pinayagan sila na magcelebrate sa house ko. Eto kami ngayong magkakaibigan tamay tambay sa bahay ko. Habit na nilang tumambay dito ngayong bakasyon. Si Kenneth naglalaro ng play station at kalaban niya si Shack. Si Yumi, as always nagbabasa. Si Vincent, naggigitara. Ako? Naglalaptop. Nga pala, nakatanggap ng award ang VJ Infinity as MA Best Rock Ballad Band. Oh’diba! Galing ng babes ko nuh. Si Bin-bin? Umalis na. 1 month lang siya dito diba? Kaya ayun, bago siya umalis sinabi niya sa akin na he’ll always be my Bin-Bin and my best friend. Balang araw daw, babalik siya. We’ll try everything para magkaroon kami ng communication.
‘’JIJEEEEEEY!’’ napatingin ako sa pinto. Elouise? Pero unti-unti din siyang naglaho. Haay, nagiimagine nanaman ako. Miss ko na best friend ko. T^T Umalis daw kasi ang pamilya ni Elouise. Nagdrop na daw. Hmmmm.... bakit kaya? 3 months na siyang wala. Sabi ni Kenneth. Wala din daw siya sa bahay nila. Haaaayyyyst!
‘’ Oh mga bata.... I bake you some cookies.’’ sabi ni Eomma. Agad naman kaming napatigil sa mga ginagawa namin. Syempre, dahil sa laging nakatambay sa bahay ko ang mga kaibigan ko nakasanayan na nila ang cookies ni Eomma. Lagi na nila itong hinahanap. At as always, lagi kaming agawan na para bang mauubusan kami. Abah tiyak na mauubusan AKO! Kay Kenneth at Shack pa nga laang. At nakoo! Pati itong si Vincent. Pagsatakaw!
Back to business na kami habang kain lang ng kain. Ganito naman kami. Ang maingay lang dito. Hiyawan nina Kenneth at Shack. At ang gitara ni Vincent. Wala nga ang ibang VJ Infinity ngayon. May sarili silang bakasyon. Mas maingay siguro dito kung nandito ang mga yun. Dadampot pa sana ako ng cookie nung magkasabay kami ng dampot ni Vincent at parehas pa kami ng dadamputin. Eh iisa nalang yun. Kaya napatingin ako kay Vincent ng ‘let-go-or-i’ll-break-your-spinal-cord’ but in a sweet way.
‘’ Babes... akin nalang pleaaaase.’’ sabi niya sabay beautiful eyes. Ay nako Vincent Chua! Wala nang epek sa akin yan.
‘’ Babes... akin nalang. Dali na, pogi ka naman babes.’’ sabi ko sabay kurot sa pisngi niya using my free hand.
‘’ Babes...thank you for the compliment pero ipaubaya mo na sa akin yung cookie. Dali na. Papayag na ang maganda at mabait kong babes.’’ sabi niya sa kurot sa pisngi ko. AAAAHHH! Masakit yun ah!
‘’ Babes... thank you din. Pero matagal ko nang alam yan. No need to repeat. Pero gutom na ang alaga ko eh. I need to feed it.’’ sabi ko sabay kurot sa pisngi niya ng malakas.
‘’ AAAAH! Babes naman.. Ang sakit nun ah. Akin nalang kasi.’’ sabi niya.
‘’ Ako naman ang nauna kaya akin ito!’’ sabi ko.
‘’ Oy anong ikaw. Ako ang nauna noh!’’ sabi niya.
‘’ LET GO! IT’S MIIIIINE!’’ sigaw na ako.

BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Genç KurguAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)