Chapter 1: Embarrassing Meeting

2.7K 39 4
                                    

chapter 1: Embarrassing Meeting

''''''''''''''''''''''''

VINCENT'S POV

'''''''''''''''''''''''''

Ugh! Bakit ba kailangan pa akong pumasok sa school? Pwede namang magaral nalang dito sa bahay ah. Hayy naku ang arte arte pa kasi ng lolo kong abno! Wala kasing nagaalaga sa akin dito. Wala si Papa iniwan na kami ni Mama. Tapos si mama patay na. Si Lolo nalang ang natitira kong pamilya. Yess, nagnumber one nanaman ang kanta namin sa myx daily top ten.

'' VINCE-- ANAK NG... DI KA PA NAKAKAPAGBIHIS?! MAGBIHIS KA NA AT MAY PASOK KA PA!!'' biglang nagbukas yung pinto ng kwarto ko at sumilip si Lolo.

'' Did you know how to knock?!'' aa... hindi ako ang dapat mag aral dito eh. Dapat yang matandang hukluban na yan ang nagaaral. Mukhang di natutunan ang GMRC o ang Values Education. Tsssk..

'' Whatever! Pagbilang ko ng sampu at di ka pa magbibihis kukuhanin ko lahat ng pera mo sa banko.'' pagbabanta ng matanda.

'' What?! That's unfair!!'' unfair talaga. Ako naman ang nagtrabaho para dun ah. Well, most of it. Pero unfair padin. Hayy no choice.

'' ISA!!!'' hala nagbibilang na ang matanda.

'' Oo na! Oo na! Just get out of my room!'' sabi ko habang tinutulak siya palabas ng kwarto ko. Ayy ang grabe!! Tinatamad akong pumasok, wait, correction, AYOKONG pumasok! Pero no choice, geh bihis muna ako.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

JIJEY'S POV

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

WOOSH!! ZOOM!! WOOSH!! Ang mga damit ko ay nagkalat na sa kwarto ko. Hinagis ko nalang ng hinagis kung saan man lalanding ang damit ko. Wala kasing maisuot. Ngayon pa naman ang first day ni Vincent maloves.

'' I have to wear something perfect, unique, and elegant.'' sabi ko habang chinecheck ko at hinahagis ang damit ko.

'' Ayy, perfect? unique? elegant? Magevening gown ka nalang. Perfect yun, unique pa sa school, tapos elegant pang tingnan sa babae diba?'' nice suggestion -____-

*BOINKS!

'' Arouch! Masakit yun ah!'' tama lang sa kanya yung pagkabatuk ko sa kanya nuh. Akalain nyo yun. Magevening gown daw ako. Pagtatawanan lang ako ng mga studyante doon!

'' Eh anluka mo kasi eh!'' 

'' Hayy, naku jinojoke lang naman kita eh. Bagay sa iyo yung skinny jeans mo at yung favorite blouse mo. Tapos magbraids ka. TAPOS!'' oo nga nuh. Bakit di ko naisip yun? Kinuha ko agad yung skinny jeans ko at yung favorite blouse ko at nagbihis na ako. Nagbraid din ako ng buhok. Syempre pinlantsa ko muna yung bangs ko na kulot haha.. Kulot kasi buhok ko. Oh atleast yung bangs straight diba. Tapos make up make up. Cologne. Then sinuot ko na yung doll shoes ko at isinakbit ko na din bag ko at charan! I'm prepared for school na.

Bumaba na kami at nagpaalam na ako sa yaya namin. Wala sina mommy at daddy eh nasa Korea sila for some business reasons. Nilakad nanamin ni Elouise papuntang school since walking distance lang naman.

'' Ano kayang course ni Vincent, nuh!'' kinausap ko si Elouise

''Siguro magmamajor yun sa music.'' sabi niya

''Malay mo he loves cooking.'' 

''No he don't.'' 

'' Weeehhh??!! Paano mo nalaman??!'' ang weird din minsan nitong si Elouise. Minsan parang kilalang kilala na niya si Vincent. Ewan ko ba. Di man siya fan.

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon