CHAPTER 24: PAGHIWALAYIN ANG VJ COUPLE OPERATION: Day 3

1K 17 1
                                    

CHAPTER 24: PAGHIWALAYIN ANG VJ COUPLE OPERATION: Day 3

==============

ELOUISE'S POV

==============

Andito kami ngayon sa Laurel Park. Ayos na kami ni Kenneth about last night. Para talagang nagkaroon ng World War III sa banyo ko. Pero ngayon, let's try to not talk about it. Anyways, magjajogging daw together sina Vincent at Jijey. Kaya naman eto kami kunwari magjajogging din pero hindi may sinusundan lang na mga taong nagliligawan. 

'' Hoist. Ayun sila oh.'' siniko ako ni Kenneth. Napatingin ako sa tinuro niya. At ayun nga ang dalawa nagjajogging habang masayang nagkwekwentuhan. Sinundan namin sila. Nagjogging din kami hanggang sa maupo sila. Bigla akong tinawag ni Kenneth.

'' Elouise oh.'' sabi niya sabay luwa sa kamay nung bubblegum na kanina pa niyang nginunguya. Tiningnan ko iyon with disgust.

'' Errr, anong gagawin ko jan?'' tanong ko sabay turo sa bubblegum.

'' Ehdi ilagay mo sa uupuan mamaya ni Jijey.'' sabi niya.

'' Eh kung ikaw nalang kaya.'' sabi ko still looking at the bubblegum WITH DISGUST! Anong ibig niyang sabihin? Hahawakan ko yung bubblegum na yun? Ewwww! May laway na niya yun noh!

'' Bakit ako? Ikaw na.'' sabi niya. Yuck ga! PRAMIS! Nakakadiri kaya!

'' Eeeeeehhh... ikaw na! Kadiri naman yang pinagagawa mo sa akin. Like hello!!! May laway mo na yan!!'' sabi ko.Tiningnan niya ako.

'' Oh eh ano naman?'' tanong niya. Hayy naku! Wala talaga siyang alam na nakakadiri yung ginagawa niya. 

'' Kadiri nga!'' sabi ko.

'' Hayaan mo na! For the sake of your love. Shaka! Baka sagutin na ni Jijey si Vincent.'' sabi niya sabay wink. 

'' Ehhh kasii....UGH! Sige na nga.'' sabi ko. Tapos kinuha ko na yung bubblegum with my index finger and thumb AND with a nasusuka expression in the face. Nakita kong tumayo sina Vincent at Jijey at pumunta sa may palamigan. Dali dali akong tumakbo sa inupan nila tapos saka idinikit yung bubblegum tapos nagtago sa likod ng puno kasama si Kenneth. Nung nakalapit na ako kay Kenneth, tinitigan ko ang index at thumb ko sabay punas sa damit ni Kenneth.

'' Ano ga ito?!'' sabi niya.

'' Hayaan mo na! Laway mo naman ang ipinunas ko.'' sabi ko. Huminga nalang siya ng malalim na malalim. Tapos sumilip na kami. Ayan pabalik na sila at uupo na sila. Ayan na.

'' Ayan naaaa....'' sabay naming bulong ni Kenneth habangnakacross ang fingers namin. Hanggang sa...

DEYM!

May umupo na iba! Napanganga kami ni Kenneth. Sina Vincent at Jijey naman ay lumipat nalang sa kabila. Napapalo kami ni Kenneth sa mga noo namin. Plan A namin, FAILED nanaman!

'' Proceed tayo sa Plan B. Good thing, may dala akong spice extract dito. lagyan mo ang iniinum ni Jijey, doon malalaman ni Vincent na basta basta nakuha si Jijey ng inumin ng di nagpapaalam.'' sabi ni Kenneth. Oo nga noh.

''Waaaah!! Galing mo din noh! Sha akin na!'' sabi ko. Binigay niya sa akin at tumakbo na ako sa likod nina Vincent at Jijey. Nakapatong lang sa tabi ni Jijey ang iniinum niya. Nagkwekwentuhan sila ni Vincent. Dali dali kong binuksan yung binigay ni Kenneth at ibinuhos sa inumin ni Jijey. Pagkatapos noon, tumakbo na ako pabalik ay Kenneth.

''Inumin mo naaaa.'' paulit-ulit kong binabanggit habang nakacross ang fingers. Maya-maya kinuha na ni Jijey yung palamig at ininum niya. YES! Maya-maya, naghysterical na si Jijey. Mwahahahaha. Lumapit kami ng konti para marinig ang sinasabi nila. 

'' Hoo! Hoo! Ang anghang.'' sabi ni Jijey habang pinapaypayan ang dila niya. Nung iinum na si Vincent, bigla niya iyong kinuha at ininum. Nagpigil kami ng tawa ni Kenneth.

''Oh, anong nagyari?'' tanong ni Vincent. Nung matapos na si Jijey, nagpapaypay parin siya ng dila.

'' Hoo! Ang anghang!! Waaaah!'' sabi ni Jijey. Haha, di siya mapakali.

''Haha. Kuya pabili nga hong tubig.'' sabi ni Vincent sa dumaang tindero. Binigyan naman siya ng tubig. Binuksan iyon ni Vincent at binigay kay Jijey na nagpapaypay padin ng dila. Agad naman yung ininum ni Jijey. Kuh, halos maubos na yung mineral water. Matapos nun, medyo nahimasmasan na si Jijey. 

'' *sigh*'' napabuntong hininga si Jijey.

'' Ano bang nangyari?'' natatawang tanong ni Vincent kay Jijey.

'' Biglang umanghang yung palamig.'' naiiyak na sabi ni Jijey. Napatawa lang si Vincent. Kinurot nalang ni Vincent ang pisngi ni Jijey.

'' Ang cute mooooo!'' sabi ni Vincent. At ulit, napanganga nalang ako! Napahawak nalang si Jijey sa pisngi niya. Ok, wag niyo namang sabihing failed nanaman kami. Napatingin sa direksyon namin si Jijey.

'' Teka, si Elouise ba yun?'' sabi ni Jijey.

''Elouise, tara na.'' biglang hinawakan ni Kenneth ang kamay ko at tumakbo kami. Hawak ni Kenneth ang kamay ko ngayon. What the-- Ano itong nararamdaman ko?

*DUGDUG DUGDUG DUGDUG 

Umaygash!!! O_O

===========

JIJEY'S POV

===========

Si Elouise ba yun? TIningnan ko pero wala namang tao. Ehh? 

'' Oh Jijey.'' sabi ni Vincent.

'' Parang nakita ko si Elouise eh.'' sabi ko

''Huh? Wala naman eh. Baka naman namamalik mata ka lang. Baka naman namimiss mo lang ang best friend mo.'' sabi niya. Oo nga, baka nga. Hayy, di ko na kasi nakakatext si Elouise. Si Shack lang ang nakakatext ko at si Yumi. Pag naman kasi itetext ko di nareply pag tatawagan ko pinapatay. Namimiss ko na best friend ko.  T_T

Mayamaya, umuwi na kami. Medyo nakakapagod din. Nagsalumpak ako sa kama at nagtype sa cellphone ko.

To: Elouise

Woi! Miss na kita bespren! Magparamdam ka naman.

SEND! Hayy, sana naman magreply siya. Miss na miss ko na kasi siya.

2 minutes

5 minutes

10 minutes

15 minutes

30 minutes

45 minutes

1 hour

Hayy, di na naman siya nagreply. Hay talaga! Bakit ba naman kasi di ako pinapansin nito. Hayy, wag ngang nega baka walang load. 

------------------------------s-------o--------o------n-------------------------------------

A/N: Late update nanaman. Hayy, sorry malapit na ang monthly namin. Huhu. Puyatan nanaman dito. 

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon