CHAPTER 30: Ang aking SUPERMAN at BATMAN!!!

1.1K 18 0
                                    

CHAPTER 30: Ang aking SUPERMAN at BATMAN!!!

=============

JIJEY'S POV

=============

Hinatid ako ni Shack papunta sa classroom. Si Vincent kaya? Well, nakaupo na ako sa upuan ko. Nag-aalala na ako kay Vincent? Paano kung natrap siya ng mga fans niya? Tanga ko kasi, iniwan ko pa! Ayyt, ang tanga tanga ko!

'' Ang tanga tanga ko!!'' paulit ulit kong binubulong habang pinupukpok ang ulo ko. Maya-maya may humawak sa kamay ko. Napatingin ako dito.

'' Bakit mo punupukpok ang ulo mo? Shaka baka masaktan ka.'' pagbabanta niya. Sino? Ehdi ang kanina pang tumatakbo sa isip ko na si Vincent. Umupo na siya sa tabi ko.

'' Sorry kung naiwan kita kanina.'' sabi ko. Nginitian niya ako.

'' Okay lang. Naiintindihan ko namang na kailangan mo that time si Shack.'' sabi niya. Aww, ang understanding niya. Nginitian ko nalang siya. Maya-maya dumating na ang prof namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Natapos nadin ang klase namin. Uuwi na ako. Hindi na nga ako maihahatid ni Vincent kasi si Shack nalang daw muna. Baka daw kasi nagtatampo na sa akin yung si Shack. Hinihintay ko nalang si Shack sa labas ng uilding nila. Umuwi na kasi si Vincent. Makapagheadset na nga lang muna. Tagal naman eh. 

A Thousand Years ang kanta ngayon cover by Emmanuelle Vera and Mica Caldito. Ang galing nilang kumanta. Mas gusto ko nga version nila kesa dun sa original. Mas maganda kasing pakinggan. Try niyo pakinggan niyo tapos icompare ninyo. Maya-maya may biglang nagtakip ng mga mata ko.

'' Shack?'' tanong ko. Tinanggal niyo ang kamay niya.

'' Hi, Jij.'' sabi niya habang nakangiti.

'' Hello. Tagal mo.'' sabi ko.

'' Sorry naman. ANg tagal magpalabas ni prof eh. Tara na? Lakad na tayo. Di ko dala sasakyan ko eh.'' sabi niya.

'' Gehgeh! Miss ko nang maglakad!!'' sabi ko. 

'' Halika nga dito!!! Namiss kitaaaa!!'' sabi niya. Inakbayan niya ako pero binigatan niya yung weight niya. Ayyt!! Ang bigat!!

'' SHACK!! ANG BIGAT MO GA!!'' sabi ko.

'' Hmp. Naglalambing lang naman.'' sabi niya. Tapos nakapout pa siya. Sinuntok ko siya sa braso!

'' Aray!'' napa-aray siya! Weeh? Ang hina kaya ng suntok ko.

'' Tampo tampo pa diyan eh. At oy di kaya malakas ang suntok ko! Ambisyoso ng peg?'' sabi ko.

'' Masakit kaya! Nakow! Ang lakas mo na kayang sumuntok.'' sabi niya.

''Alahuy. Ang hina kaya!'' sabi ko. At pinagdiskusyon pa namin yun ng pinagdiskusyon. Hayy, namiss ko ito. Ganitong ganito kami ni Shack nung hindi pa namin kaclose si Vincent. Pero si Elouise talaga ang kulang sa amin.

'' Si Elouise oh.'' biglang sabi ni Shack at tumuro somewhere. Tumingin ako sa tinuro niya. At ayun nga, kasama sina Charie. Nakatingin siya sa amin ng masama. The she rolled her eyes heavenwards.

'' Tara na nga.'' sabi ni Shack. Sinunod ko siya.

'' Ano bang nangyari sa inyo ni Elouise? Bakit nagbago ata ang trato niya sa iyo?’’ tanong niya.

‘’ Di ko din alam eh. Isang araw, naging ganun nalang siya sa akin. Wala nga akong natatandaang araw na nagaway kami. Basta, naging ganun nalang siya.’’ sabi ko. Di na siya sumagot.

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon