CHAPTER 17: Sports Fest!!!!!

1.4K 24 6
                                    

CHAPTER 17: Sports Fest!!!!!

=============

SHACK'S POV

=============

SPORTS FEST NAAAA!!!! Laban nadin namin ngayon ng basketball. Nandito ako ngayon sa gym para magpractice. Maaga pa nga. Wala pa ang mga audience at wala padin ang kalaban namin.  Sina Elouise nagprapractice din sa kabilang side ng gym. 

'' OKAY. WATER BREAK MUNA GUYS!'' sabi ni Coach. Kinuha ko na yung tubigan ko sa bag kong kasalukuyang nakapatong sa bleachers at ininum na ang tubig. Aaaah! So refreshing.

'' SHACK!!'' may tumawag sa akin. At parang kilala ko ang mahinhing boses na yun. Nilingon ko kung sino at BOOM! Siya nga! Hehe. Pero kasama niya si Vincent at isang magandang babae. Ughhh.. kailangan bang laging magkasama ang dalawa? Nakakasakit ka na Ms. Author ah! (A/N: Sorry naman. Yan ang gusto kong mangyari eh. Bakit ga?! Tsaka ako ang author noh! Wag kang maarte! Ako ang masusunod!) Hayy, bahala ka nga!

'' Ui. Jij! Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko.

'' Ahmm. andito ako para yakapin at igood luck ang best friend ko.'' sabi niya sabay yakap sa akin. Ayshush, kinikilig ako. Namula ata ako. Pagtingin ko kay Vincent, ang sama ng tingin niya sa amin. Napangiti nalang ako at niyakap ko na din si Jijey. Lumuwag ang pagkakayakap namin sa isa't isa. Nakapalibot ang mga kamay niya sa leeg ko at nakapalibot naman ang kamay ko sa bewang niya. 

'' Good luck! Kaya mo yan! Ichicheer lang kita. '' sabi niya habang nakangiti. Gawd, matutunaw ako sa mga tingin niya. Wala bang 'i love you' jan? Ano bang iniisip ko? Syempre wala! :( Ambisyoso ko talaga. Humiwalay na siya at tumakbo papunta kay Elouise at niyakap niya din si Elouise. Awww, nakakabitin. XD 

'' May gusto ka ba kay Jijey?'' napatingin ako kay Vincent sa tanong niya. 

'' Paano kung meron? Anong gagawin mo?'' cold kong sabi.

'' Crush ko siya.'' sabi niya. Pffft, crush? Uso pa ba yun?

'' Eh ano naman ngayon?'' sabi ko.

'' Magparaya ka nalang.'' sabi niya. Magparaya? Engot ba siya?

'' Bakit ako magpaparaya? Eh mahal ko siya.'' sabi ko. Di na siya sumagot. Tsss, waste of time. Tinawag na kami ni coach para magpractice. Nuh siya ngayon, natameme siya. Magparaya? Bakit mahal ba niya? Tssss kaasar lang.

===========

YUMI'S POV

===========

Si Vincent? At si Shack? Pinagaawayan si Jijey? Woah, haba ng hair! XD. Anyways, andito nanaman ako nanunuod ng practice ni Shack pero di niya padin ako pinapansin. Yung ibang varsity napansin na ako. Tinatanong na nga nila ang name ko. Akala ko ba kilala nila ako? Ako ang school's forever nerd and loner diba? Mga tao nga naman!

Actually, kasama ako nina Jijey eh. Simula daw ngayon friends na talaga kami. At sabi pa niya hindi na ako ang school's forever nerd and loner. Ako na daw ang school's forever nerd and loner no more. Adikk niya! Dinagdagan lang ng no more eh. Pero ayos. At least, hindi na ako parang may nakakahawang sakit dito anu nga?

Nakasama at nakausap ko din si Vincent. Alam niyo, may something sa kanilang dalawa. Ang lakas ng chemistry nila! Ang sweet kasi. Tulad nalang nito..

**FLASHBACK

Kanina naggagala kami sa buong school. Ang cute ngayon ng outfit ni Jijey. Nakamaong shorts siya na hindi naman masyadong maikli, tama lang. Tapos may suot siyang varsity jacket na color Pink at black na may nakasulat sa likod ''JIJEY''. Tapos nakapigtails siya at syempre labas ang bangs. Tapos ang cute pa ng backpack niya. Tapos nakaconverse shoes siya. Hehe ang cute niya. Tinext kasi ako ni Jijey na magkita daw kami sa 7eleven na nasa loob ng campus. Syempre sinunod ko naman. Pagdating niya sa 7eleven kasabay na niya si Vincent. 

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon