Chapter 1

287K 6.7K 2.7K
                                    


Chapter 1

• Yvette's Point of View •


Papasok pa lang ako sa bahay ay narinig ko na ang malakas na sigaw ng aking nanay. Isinara ko ang gate at nagpatuloy sa paglalakad, mas lalong lumalakas ang kaniyang sigaw.

Hanga rin ako sa kaniya, hindi siya namamaos.

"Nasaan na ba kasi ang bata na 'yon?!" kalmadong boses ni Tatay.

"Hay nako! Ewan ko sa anak mo, sinabi ko na nga ba dapat ay sinundo mo siya!" rinig ko naman boses ni Nanay halata mong sinisisi si Tatay.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, bahagya silang sinilip. Nang makitang napatingin ang aking kapatid ay tuluyan ko ng nilakihan ang bukas non.

"Oh! Nandyan na pala si Ate," ani ng kapatid ko na si Yna.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay, nasa sala silang lahat at animong natataranta na si Nanay. Napatayo pa siya nang makita ako at agad sinalubong bahagya pa akong napaatras dahil akala ko'y pepektusan niya ako pero namewang siya aking harapan.

Nag-mano naman ako sa kaniya.

"At bakit ngayon ka lang bata ka ha?!" sermon niya. Si Yna naman ay pinagpatuloy ang panunuod sa tv samantalang si Tatay ay sumimsim ng kape habang nakatingin samin ni nanay.

"Nay kasi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

"At sumasagot ka na talaga ngayon bata ka? Sinabi ng kapatid mong ala-una pa lang ay tapos na klase mo! Talagang inubos mo pa siguro ang baon mo bago umuwi noh?" aniya at pinaningkitan ako ng mata. Hindi ko alam kung bakit laging highblood 'tong si nanay sakin e.

Oo, galing kasi akong school dahil fourth year college na ako at may klase kami. Bakit ba nagagalit si nanay? Siya naman may kasalanan.

Hindi ako nagsalita at binaba ko ang bag kong kulay pink na may tatak na hello kitty.

"Ano hindi ka makasagot? Naglalakwasya ka na? Aba'y tatay tingnan mo itong anak mo pagsabihan mo 'yan!" sumbong nito kay tatay na nagka-kape lang, palipat-lipat ang tingin sa amin, sanay na siya sa bunganga ni Nanay.

"Nay naman, kapag sasagot sasabihin mo huwag sasagot tapos kapag tahimik naman ako sasabihin mo sumagot ako kasi kinakausap mo ako, gulo mo nay." Humalukipkip ako sa isang sofa.

"Aba't 'wag mo ibahin ang usapan bata ka. Bakit ka nga ginabi? Alam mo ba kung anong oras na?" tanong niya.

Napatingin naman ako kay Yna at kinalabit ito.

"Ano?" mahinang tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa telebisyon.

"Anong oras na raw, tinatanong ni nanay?" mahinang bulong ko.

Tumingin naman siya sa wall clock. Hindi kasi ako marunong magbasa ng ganon sanay ako sa orasan sa cellphone lang. Hindi ko lang talaga naka-sanayan, sinusubukan ko naman pero matagal kasi binibilang ko pa.

"Five forty five pm na," simpleng sagot niya, humarap naman ako kay Nanay at matamis siyang nginitian.

"Five forty five na raw po nay," sabi ko.

Lalong kumunot ang kulubot niyang noo. "Oh uwi ba 'yan ng matinong babae, Ling?" tanong niya. Ling ang tawag sa akin sa bahay.

Napakamot naman ako ng ulo, ang gulo talaga kausap ni nanay. Baka kaagad akong tumanda kapag lagi ko siyang kasama.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon