Chapter 21

102K 3.5K 824
                                    


Third Person's POV

Nakatingin si Yvette sa isang papel na hawak niya na binigay na sobre ng isang maid. Ilang beses na niya binasa ang laman ng sulat, naguguluhan pa rin siya.

'Lumayo ka na kay Vaughn habang maaga pa. Hindi siya totoo sayo!'

Iyon ang nakasulat doon. Napatingin si Yvette sa orasan sa kaniyang cellphone, tama 'yong naka-sulat sa papel maaga pa nga, eight am pa lang.

Tinawagan niya Vaughn para sana sabihin ang natanggap ng sulat.

"Hello Vaughn?" bungad ni Yvette sa asawa ng tawagan niya ito.

Sandaling tahimik sa kabilang linga bago niya narinig ang boses ng lalaki.

"Yvette? I'm sorry medyo busy rito sa company. I'll call you later okay? Bye." sagot nito at pinatay na ang tawag.

'Yvette lang?' tanong ni Yvette sa sarili, nasanay ata siyang honeybabe ang tawag nito. Napatingin na lang siya sa screen ng kaniyang cellphone.

Mukha ngang busy si Vaughn. Ilang araw na rin itong madaming ginagawa simula ng gumaling ito.

Kung minsan ay magigising siyang wala na ang asawa at makaka-tulog naman ng hindi pa ito dumadating.

Bagot na bagot na siya sa bahay.

Nag-isip siya kung anong magandang gawin napangiti siya sa nasa isip niya. Mabilis siyang nag bihis para pumunta sa mall.

Kasama niya ang lagi niyang driver sa bahay. Nagpasya siyang pumunta sa pinaka malapit na mall para bumili ng mga gagamitin dahil naka-isip siya ng magandang ideya. Ipagluluto niya si Vaughn.

Gagayahin niya 'yung nasa youtube.

Naiwan naman sa parking lot ang kaniyang driver habang namimili, habang abala sa pagtingin sa mga stool ay may nakita siyang pamilyar. Nag liwanag ang mata niya ng makilala ito.

"Phytos!" tawag ng dalaga.

Agad naman napalingon si Phytos sa tumawag napangiti siya nang mas lumapit ito.

"Hey. Nagkita na naman tayo, anong ginagawa mo rito?" Naka-ngiting tanong ni Phytos

Pinakita naman ni Yvette ang mga dala niyang plastic bag.

"Magluluto kasi ako, bumili lang ako ingredients," masayang pahayag ng dalaga, bumaba ang tingin ng binata sa dala niya bago tumango-tango naman si Phytos.

"Let me help you. Wala ka bang kasama?" tanong ng binata habang kinukuha ang mga dala niya. Buti na lang at nakita niya ito dahil medyo mabigat din naman ang pinamili niya.

Masakit na kamay.

"Yung si kuya driver nasa parking siya e baka kasi mawala 'yong kotse," ani Yvette habang naglalakad sila.

Napa-iling si Phytos sa dalaga.
"Gusto mo ba kumain muna?" pag-aaya ni Phytos.

Mabilis siyang umiling. "Nako! Hindi na, magluluto pa kasi ako dadalhan ko si Vaughn ng tanghalian kasi busy siya baka hindi siya makakain doon," ani Yvette.

Natahimik naman si Phytos sandali.

"Uh. Sige hatid na lang kita sa kotse niyo." Tumango na lang si Yvette.

Kagaya ng sabi ni Phytos hinatid nga siya nito at ito pa ang nagpasok ng mga pinamili niya sa sasakyan.

Mabilis na nakarating siya sa mansyon ni Vaughn. Madami pa rin katulong na naka-bantay sa mga ginagawa niya, nakakausap naman niya ang mga ito. Nagugulat nga siya dahil kung minsan bigla na lang mawawala ang lahat paano napaka laki ng bahay.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon