Third Person's POV
Nasa office ngayon si Vaughn at Yvette simula kanina ay hindi niya pa ito binibitawan.
"V-Vaughn nakikiliti ako. Hahaha! tama na!" usal ni Yvette nang paulanan ng mumunting halik ni Vaughn ang leeg nito.
Nakakandong si Yvette sa kaniya at yakap niya ito sa beywang.
"Dito ka lang muna. I missed so fucking much. Grabe!" aniya at tumingin sa mata ng asawa.
Nag-iwas naman ng tingin si Yvette at napadako ang mga tingin niya sa mga papeles na asa lamesa nito.
Naalala niya kung bakit siya nandon.
"Vaughn. Nung tulog ka nag kaproblema sa kompaniya tapos hindi ko alam kung paano—" hindi na natapis ni Yvette ang sasabihin ng mabilis siyang halikan ni Vaughn sa labi.
Dampi lang iyon pero para ng nanghina ang kaniyang tuhod.
"You did a great job honeybabe." malambing na usal ni Vaughn sa babae.
"Talaga?"
"Yes. Binalita na sa akin nila Bill at pati ni Coin ang proposal. Na-approve raw ng mga investor." Natuwa naman si Yvette sa binalita niya.
Pumalakpak pa si Yvette at napapikit ng mariin naman si Vaughn at napakapit sa beywang nito ng bahagyang tumalon-talon ito sa ibabaw niya.
Hindi niya maiwasan hindi magising. Magising ang kaibigan sa ibaba.
"You're too tempted," bulong ni Vaughn hinawakan ang beywang ng asawa para mapirmi.
Tumigil naman na si Yvette na hindi man narinig ang sinabi niya. Masaya itong humarap kay Vaughn.
"Akala ko ay lulubog ang kompanya sabi kasi ni Celine. Baka raw lalo ko ipabagsak ang kompanya pero huwag ka mag-alala kapag wala na tayong pera may alahas ako isasangla na lang natin," ani Yvette at parang pinapagaan pa ang luob ni Vaughn, bahagya pang tinapik-tapik ang balikat niya.
Napakunot naman ang nuo ni Vaughn dahilan upang magsalubong ang kilay niya.
"Don't tell me isasangla mo ang wedding ring natin?" madiin usal ni Vaughn.
Mabilis na umiling si Yvette.
"Hindi ah. May kwintas ako, hindi ko lang sure kung tunay ito tingnan mo Vaughn," wika ni Yvette at tumayo pumunta siya sa hello kitty bag niya lagi niyang dala.
Kinuha niya ang box na itim na inakala niyang lalagyan ng gagamba at bumalik sa tabi ni Vaughn sa sofa.
Iniabot niya ito kay Vaughn.
Gulat na gulat si Vaughn ng buksan niya ang iniabot ng asawa. Nagpapalit-palit ang tingin niya sa asawang ngiting-ngiti animong hindi alam kung ano ito.
Naka-ilang mura siya bago hawakan ang babae sa pulsuhan.
"Saan mo ito nakuha?" tanong niya na buong atensyon.
Ngumuso si Yvette. "Ah bigay sa kin 'yan ni Don Nestor sabi niya ipakita ko lang daw sa pinaka pinag kakatiwalaan ko," inosenteng wika nito.
Nag diwang ang kaluoban ni Vaughn at nagliwanag ang mukha niya sa narinig.
"Really? You trust me too much?" parang siyang bata natuwa sa sinabi ng magulang kung may makakakita sa kaniya ay siguradong magugulat ito.
Tanging sa asawa lang naman siya ganito. Gusto sanang tumayo ni Vaughn para yakapin si Yvette pero masakit pa ang tagiliran niya.
BINABASA MO ANG
Sweet Evil
General FictionVaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show any emotion except the usual pissed, annoyed, and disgusted. But one day, a girl caught his interest. A girl named Yvette Lin Ramos, who sav...