Third Person's POV
One year Later...
"Damn Vlad I feel like I'm going to pee in my pants!" kinakabahang usal ni Vaughn sa bestman niya habang nasa altar. Bahagya siyang tumingala para pakalmahin ang sarili."Chill dude!" Natatawang wika ni Vlad na kaibigan niya at tinapik pa siya sa balikat.
Ngayon ang araw ng kasal nila ni Yvette. Kahit na naikasal na sila noon ay nagdesisyon siyang bigyan ng pangarap na kasal ang asawa.
Sa lahat ng nagdaang problema sa kanila ba halos mabaliw siya ay ngayon ay ikakasal ulit siya.
Speaking of baliw, si Celine ay napasok ngayon sa isang mental hospital dahil tuluyan na itong nabaliw. She's desperate to get money and of course Vaughn. Nagtangka pa itong tumakas noon, tumalon pa ito sa third floor kung saan siya naka-confined para makatakas.
Napangiti si Yvette ng bumukas ang malaking pinto ng simbahan kasabay ng tugtog.
For all those times you stood by me
For all the truth that you made me see
For all the joy you brought to my life
For all the wrong that you made right
For every dream you made come true
For all the love I found in you I'll be forever thankful baby.Unang naglakad ang mga anak niyang si Erl Vaxiel at Yliana na dalawang taon na, magkamuka ng damit ang anak habang may hawak na basket na puno ng bulaklak.
Napangiti siya nangmakita ang lalaking mahal niya sa harap. Napahagikgik siya ng makita ang suot nitong kulay pink na suit. Iyon kasi ang gusto niya, simula sa mga design sa simbahan imbes na pula ang carpet ay kulay pink pati mga rosas pati ang mga suot ng mga imbitado.
Habang naglalakad ay napalingon siya sa isang gilid kung nasaan ang kaniyang magulang niya na umiiyak na. Masaya ang mga ito nuong nalaman na buhay siya.
Naaalala pa niya ng dalhin siya ni Vaughn sa bagong bahay ng magulang na ipinagawa ni Vaughn, kahit pala wala siya ay lagi pa rin dumadalaw doon si Vaughn at kung minsan ay doon pa natutulog sa kama niya.
Literal na nahimatay ang ina niya noon ng makita siya habang si Yna naman ay nabalibag siya ng walis sa gulat dahil akala ay multo siya.
Si Yna ay may boyfriend na at guess who? Si Coin. Nuong una ay ayaw niya dahil mas matanda pa sa kaniya si Coin pero syempre wala naman na sa kaniya iyon basta masaya ang kapatid saka naisip niyang sila nga rin ni Vaughn.
Nawala ang ngiti ni Yvette at tuluyan ng mangilid ang luha nang makita si Vaughn sa harap na nagpupunas ng luha habang nakatingin sa kaniya, natatawa ito na napapatingala na parang nagpipigil ng luha.
Nagulat ang lahat ng salubungin ni Vaughn si Yvette sa gitna ng simbahan at binuhat.
"Fuck it! Bakit ba kasi ang haba ng lalakaran mo! I can't wait naubos na ata luha ko ang layo mo pa rin," inis na singhal ni Vaughn halatang naiinip kahit may luha pa rin ang mata.
Iyakin pala ito, nagtawanan naman ang mga bisita nang malalaking hakbang siyang inilapag ni Vaughn sa altar. Mahigpit na hinawakan ni Vaughn ang kamay ni Yvette pagharap nila sa pare.
"I love you," bulong ni Vaughn saka hinalikan ang gilid ng ulo niya.
Napangiti si Yvette.
"I love you too." Nagkatinginan silang mag-asawa at akmang lalapit na si Vaughn para halikan si Yvette ng may tumikhim sa harap.
"Ehem! Ehem! Hindi pa." Nagtawanan lalo ang mga tao ng mag salita ang pare.
Bumasangot ang mukha ni Vaughn na humarap sa pare.
BINABASA MO ANG
Sweet Evil
General FictionVaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show any emotion except the usual pissed, annoyed, and disgusted. But one day, a girl caught his interest. A girl named Yvette Lin Ramos, who sav...