Chapter 4

146K 5.7K 1.2K
                                    

Chapter 4

• Yvette's Point of View •


Nang magising ang aking ay kaagad kong naramdaman ang malambot at kong kama. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata, napaupo ako nang makitang puro itim ang paligid.

Waaaaa Bulag na ako! Bulag na ako!

Mabilis kong inilibot ang aking mata, napatingin ako sa kabilang side nakita ko ang isang puting lamesa. Ay hindi pala! Madilim lang talaga 'yong kwarto. Teka nasan ba ako? Ang huli kong natatandaan ay nanunuod ako ng taping ng pelikula.

Tumingin ako sa aking damit, bahagya akong napabuga ng malakas na hangin ng nakita kong nakasuot na ako ng isang puting t-shirt at isang boxer.

Napaiyak na ako.

"Wah! Huhuhuhuhu!"

Bigla naman bumukas ang pinto at humahangos na pumasok ang isang pamilyar na lalaki.

Hindi ko siya pinansin at umiyak pa rin.

"What's wrong. May masakit ba?" tanong niya, tuluyan na akong napatingin sa kaniya seryoso ang mukha pero ang mata niya ay parang ang daming emosyon. Oh sabog lang ako?

"Y-Yung damit ko! Bakit ito na ang suot ko?" naguguluhang tanong ko.

Mabilis siyang umiling-iling, hahawakan niya ako pero kaagad din niyang binaba ang kaniyang kamay.

"No! No, mali ang iniisip mo. Hindi kita inano... I mean I didn't do anything wrong to you." depensiya niya, napakunot ang aking noo dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Mabilis kong pinunasan ang aking luha.

"Hindi naman iyon eh. Nasaan 'yong favorite kong damit? Magagalit si nanay kapag nawala ko 'yon! Tatlo one hundred 'yon," usal ko, hindi makapaniwalang tumingin naman siya sakin.

Bumukas-sara pa ang kaniyang bibig na parang may sasabihin ngunit hindi maituloy kaya tinuro na lang niya ang sofa sa gilid, napalingon ako doon at mabilis na tumakbo. Nakahinga ako nang maluwag ng makita doon ang favorite kong t-shirt, short at bag na hellokitty.

"Hay! Mabuti naman at hindi nawala," wika ko't humarap sa kaniya.

Napatabingi ang aking ulo ng pagmasdan ang buong mukha niya, nanlaki ang aking mata sa realisasyon.

"Kyaaaaaaa! Ikaw 'yong artista!" masayang pahayag ko habang tinuturo ang kaniyang mukha. Lumapit ako sa kaniya, hindi siya gumalaw at nakatingin lang siya sa akin animong pinapanuod ang bawat galaw ko.

"Pwede pa-autograph dito sa may bandang kili-kili para tago," sabi ko at itinaas pa ang kili-kili ko. Napatingin siya sa kili-kili ko at napanguso, mahabo ata?

Binaba ko 'yon. "Oy! Pipi ka ba?" tanong ko sa kaniya "Sayang ang pogi mo pa naman tapos hindi ka na pala nakaka-pagsalita." Niyakap ko siya ng sobrang higpit saka ko tinapik-tapik ang kaniyang likod. "Okay lang 'yan, Kahit pipi ka na, ayos lang." Pag-aalo ko sa kaniya, bumitaw na ako at tiningnan siya.

Nang magtama ang aming mata ay bigla siyang nag-iwas ng tingin at namula ang kaniyang mukha.

"Hala! Namumula ka, may sakit ka ba? Baka may alergy ka sa magaganda? O baka naman nata-tae ka?" tanong ko sa kaniya.

Napalunok siya at namumula pa rin pati ang kaniyang tainga. Nako! Baka nata-tae nga, ganyan din ako kapag hindi ko mapigilan, talagang pagpapawisan ka.

Mabilis ko siyang tinulak sa isang pinto.

"Dito ata banyo?" sumilip ako doon at tama nga may malaking banyo mas malaki pa sa kwarto namin ni Yna. "Ilabas mo na 'yan, bahala ka mahirap pagpigilan 'yan," komento ko at tinulak siya sa loob at sinira ko 'yon.

Narinig ko pang sumigaw siya sa loob kaya inilapat ko ang aking tainga doon.

"What the hell happened to me? Holyshit! I'm dead!" sigaw niya.

Tsk. Tsk. Siguro ay masakit nga ang tiyan. Baka lusaw tae niya.

~

Maya-maya'y lumabas na siya ng banyo seryoso na ulit ang mukha niya. Para siyang laging galit? Baka tubol ang tae niya.

"Let's go! Kumain na muna tayo I'm sure you're hungry," aniya at hinawakan ako sa pulso napatingin ako sa kamay niya sa akin at hinatak palabas ng kwarto.

Napamaang akong tumingin sa buong bahay niya. Ang laki nito at ang daming pinto, may malaking nakasabit din sa taas sa gitna hindi ko matandaan kung anong tawag doon. Hays, sosyalin naman.

Dumaan kami sa mahabang hagdanan, pagkababa namin ay sabay-sabay na yumuko ang mga taong nakahilera.

Sa kanan namin ay puro lalaking nakaitim at sa kaliwa ay mga babaeng naka-pang maid na suot. Ano 'to party? May pa-ganyan pa sila. Sayang at hindi ako handa edi sana nakapag suot din ako costume.

"Bakit sila yumuyuko?" bulong ko sa lalaking kasama ko't mahigpit ang hawak sa aking kamay, tumingkayad pa ako para lang maabot ang tainga niyang namumula pa.

"To give some respect," simpleng sagot niya saka pinisil ang aking kamay. Hinatak na ako papunta sa isang kwarto. Napa-awang ang bibig ko nang maabutan namin ang isang mahabang lamesa na puno ng pagkain.

Napalunok ako, woah! Fiesta pala sa pinuntahan namin hindi man lang sinabi sa akin.

Inalalayan niya akong umupo sa bago siya umupo sa katabi ko.

"Wow, ang daming pagkain!" manghang sabi ko. "Pwede ba akong magbalot? Iu-uwi ko sa bahay para makatikim sila tatay ng pagkain mamahalin," medyo nahihiyang wika ko.

Bahagyang tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Sure, but eat first," wika niya at sasandok na sana ng ulam ng tapikin ko ang kaniyang kamay, gulat siyang napatingin sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

Bakla ata to?

"Pray muna tayo! Sabi ni tatay masama raw hindi nagpapasalamat sa mga biyaya," pang sesermon ko. Yih, buti na lang natandaan ko.

Nakirinig ko naman ang ipit na tawa ng dalawang tao nakatayo sa gilid namin. May mga nanunuod kasi samin bakit kaya hindi sila sumali sa amin?

"Kain tayo," aya ko pero umiling sila.

Sinamaan pa sila ng tingin ni kuyang artista. "Shut your dirty mouth Cash and Bill," seryosong usal niya at itinikom naman ng mga ito ang bibig nila bago tumingin sa akin kaya nginitian ko sila.

Pumalakpak ako. "Go na pray ka na!" masayang usal ko at tumingin naman siya sa akin na paraang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Pft." Napabaling kami ulit doon sa Bill at Cash na sabay tumingin sa kisame na animong may seryoso bagay doon. Napatingin din tuloy ako.

Tumikhim si kuyang artista. Pumikit na ako at hinintay ang sasabihin niya.

"Ehem..." panimula niya. "L-Lord, thank you for the food and..." aniya at hinihintay ko pa ang kasunod pero narinig ko na lang ang isang malakas na pagbasag.

Napadilat ako at napatingin kay Bill at Cash na nanginginig na nagpupulot ng basag na pinggan sa paanan nila.

Anong nangyari?

Takang napatingin ako kay kuyang artista ng hawakan niya ang kamay ko. "And for the blessing. Amen."

Ngumisi siya sa akin. "Let's eat."

~

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon