Chapter 18

104K 4.2K 999
                                    

Yvette's POV

"Madam magpahinga muna po kayo," napatingin ako kay Cash dahil sa sinabi niya, na naka-upo siya sa sofa sa gilid.

"Oo nga madam baka kami naman ang ma-ospital pagka-nagising si master na kayo naman ang may kasakit," dagdag ni Bill. Bakit naman ako mag kakasakit?

"Bakit hindi pa gumigising si Vaughn? Magda-dalawang araw na siyang tulog," bulong ko habang nakatingin kay Vaughn na nakahiga sa hospital bed.

"Kayo kaya barilin ng apat na beses madam hindi ka makakatulog? Tapos sinaksakan pa siya madami gamot malamang binabawi pa niya lakas niya madam," ani Bill.

Napasimangot ako sa sinabi niya.

Buti na lang talaga at nang mawalan ng malay si Vaughn noon ay dumating na si Bill at Cash. Agad siyang dinala sa ospital.

Grabe nga at ang daming dugo nawala sa kaniya sabi ng doctor at in-operahan pa si Vaughn para makuha ang mga bala na tumama sa balikat at tagiliran niya. Mabuti at ayos ang lahat at hinihintay na lang ang paggising niya.

Lumipas ang oras.

Nanunuod ako ng Tv habang naka-upo lang sa gilid ng kama ni Vaughn. Malaki ang kwarto niya para na ngang bahay dahil kompleto ang gamit. May liit itong ref sa gilid at may semi sala rin. May kama pa sa kabilang gilid para sa nagbabantay.

"Bill ano 'yong punctuation?" narinig kong nag-uusap si Bill at Cash sa gilid.

Palihim akong nakikinig may pagkachismosa rin naman ako minsan.

"Absent ata ako ng tinuro iyan. Bakit?" tanong ni Bill at kumagat ng apple.

Sumandal ako sa aking upuan habang pinapanuod sila.

"Nagtext kasi 'yong kapatid ko tinatanong kung ano 'yong punctuation," sagot ni Cash na kumakamot pa sa batok, mukhang problemado.

Ano ba yan? Iyon lang hindi nila alam?

"HAHAHAHAHA!"

Sabay silang napa-tingin sa akin ng malakas akong tumawa.

"Ano ba 'yan hindi niyo alam? Minsan talaga napapa-isip ako kung nag-iisip kayo eh," mayabang na usal ko.

Grabe, ang tanda na nila punctuation lang tsk tsk.

"Bakit madam alam mo ba 'yon?" panghahamon ni Cash ngumisi pa sa akin.

Ngumisi rin ako sa kanila.

"Madalas ko 'yan sinasabi at hinihingi kay nanay kaya alam ko," mayabang na wika ko.

"Ano ba 'yon madam?" buong kuryosidad na tanong ni Bill.

"Sabi ko kay nanay... Nay pasukan na sa susunod na linggo kailangan ko ng punctuation." Tss. Oh 'di ba? Easy.

"Ah 'yon lang pala 'yon hehe. Thank you madam," ani Cash tumango-tango at nagtype na sa cellphone.

"Hahaha!" biglang tumawa si Bill.

Gulat kaming napatingin sa kaniya.

"Tinext ko na 'yong kapatid ko sabi ko hingin na lang kay nanay dahil nag-iwan ako kay nanay ng punctuation niya. Bakit ka ba tumatawa dre?" ani Cash.

"Pfftt. Wala-wala!" ani Bill at kumain na ulit habang iiling-iling. Nagkatinginan na lang kami ni Cash dahil parang nababaliw na si Bill.

     "PERO kailangan ng representative habang wala si master. Lalo na ngayon at may problema ang kompaniya niya." Paglabas ko ng kwarto ni Vaughn ay narinig ko nag-uusap si Bill at Cash sa isang gilid.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon