Chapter 12 - HoneyMoon Part One

138K 4.3K 286
                                    


Third Person's POV

"Wah! Ang ganda! I love Italy!" sigaw ni Yvette nang makababa sila sa private plane ni Vaughn.

Ngayon araw kasi ay nasa Italy sila para sa honeymoon nila kagaya ng sabi ni Vaughn ay pagkatapos ng kaniyang graduation. Hindi naman niya alam anong gagawin sa honeymoon, sabi lang ni Vaughn ay mag-eenjoy siya.

Kaya pumayag na siya.

"Hey careful," usal niVaughn na nasa likudan niya at hila-hila ang maleta nila.

Hinintay niya ito makalapit sa kaniya. Ang bagal kasi nito maglakad, naka-pamulsa pa ito animong model na nag lalakad sa airport.

"Vaughn bilisan mo! Omg! Excited na ako, mayroon din ba ritong beach?" bigla naman nag seryoso at parang nalungkot si Vaughn.

Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot dahil alam niyang hindi niya masasamahan ang asawa sa ganon lugar.

Paano ba niya sasabihin sa asawa hindi siya pwede magswimming dahil susumpungin na naman ang phobia niya. Na baka kung anong mangyari kung pumunta sila ganon lugar.

Nginitian na lang niya si Yvette at inakbayan. Pinasadahan pa ni Vaughn ng tingin ang asawa. She wore a boho off shoulder summer dress samantalang siya ay isang white long sleeve na nakatupi hanggang siko at naka-bukas meron siyang dark blue na sando sa luob nito at naka-gray khaki short siya.

Sumalubong sa kanila ang isang kotse na sasakyan nila papunta sa hotel na tutuluyan nila.

Ang Belmond Hotel Caruso, isa sa mga mahal na hotel sa Amalfi Coast sa Italy. Staying in that hotel cost of $916 or 48,063.44 in peso.

Napa-irap na lang si Vaughn ng matanaw ang isang kaibigan na ngiting-ngiti papalapit sa kanila ng asawa. Ito ang may ari ng airport na pinaglapagan ng private airplane niya.

Si Vlad Russo half Italian half Filipino.

Masayang yayakapin siya ng kaibigan ay sinamaan niya ito ng tingin kaya naiwan sa ere ang kamay nito at pumalakpak na lang.

"Molto tempo non ci vediamo amico!" (Long time no see friend!) masiglang bati sa kaniya.

"Amico, la tua faccia." (Friend your face.) masungit na sagot niya rito habang naka-akbay pa rin sa asawa niya na nagsasalit-salitan ang tingin sa kanila.

Napatingin ang kaibigan kay Yvette.

"Cosi Bello, Che è lei?" (So Beautiful, Who is she?) tanong ni Vlad kay Vaughn.

"Questa è mia moglie, Yvette." (This is my wife, Yvette.) bahagya pa siyang napangiti ng banggitin niya ang wife.

He feels proud and contented.

Tinapik ng kaibigan ang balikat niya.

"Che uomo fortunato!" (What a lucky man!) anito kay Vaughn at bumaling kay Yvette na naguguluhan sa mga pinagsasabi nila hindi niya maintindihan.

"Caio Bellezza!" (Hi, Beautiful!) ani Vlad at makikipag-kamay dapat kay Yvette ng tapikin ni Vaughn ang kamay nitong nakalahad sa asawa.

"Vuoi Morire Vlad?" (You want to die Vlad?) banta niya. Napangiwi na lang si Vlad sa kaibigan.

"Stronzo Possessivo," (Possessive Jerk) bulong ni Vlad.

"Vaughn anong sinasabi niyo? Para kayong alien!" pukaw ng atensyon ni Yvette.

Napatingin naman sa kaniya si Vaughn. He let a hard sighed.

"It's nothing wife. Let's go!" Tinanguan niya ang kaibigan bago sumakay na sa kotseng maghahatid sa kanila sa kanilang tutuluyan.

TUMAGAL lang ang biyahe ng kalahating oras saka sila nakarating sa hotel.

"Vaughn kailan tayo magli-libot?" tanong ni Yvette habang inaayos ang damit nila sa kabinet duon.

"Later honeybabe. We'll eat first," ani Vaughn.

Napatayo ng tuwid si Yvette ng maramdaman nasa likod niya ang lalaki, masuyong yumakap ito sa kaniyang beywang. Napanguso si Yvette dahil iyon na naman ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.

Nang matapos sa pag-ayos ng gamit ay bumaba na sila ni Vaughn sa isang restaurant sa ibaba ng hotel. Manghang-mangha pa nga si Yvette dahil sa ganda ng lugar. Naka-hawak sa kaniyang kamay ang lalaki.

Inalalayan pa siya ni Vaughn maupo.

"Good Morning Sir, Ma'm, May I take your order?" may lumapit sa kanilang waiter. Mukha itong Italiano ngunit english ang gamit dahil iba't-ibang lahi ang kumakain sa restaurant.

"Yes. Give us all the food on your menu." malamig na usal ni Vaughn na pinaglalaruan ang daliri ni Yvette nakaharap niya.

"Okay Sir. Please wait a few minutes," sagot ng waiter habang na kay Yvette ang paningin.

Bumalik nga ito dala ang mga order nila. Nagagandahan ata ito sa asawa niya dahil talaga naman naka-agaw ng pansin ang talaga simple lang ngunit kaakit-akit. Igting ang pangang tinitigan niya ang waiter habang naka-ngiti ito sa asawa.

"Stop staring at my wife or I will rip your eyes apart?" banta ni Vaughn ng hindi niya mapigilan ang inis.

"I'm sorry Sir," anito at mabilis na umalis habang naka-yuko.

Nagtataka naman si Yvette nagkibit balikat na lang siya ng makita ang madaming pagkain sa harap nila.

"Wow! Ang dami! Ano ito Vaughn?" tanong ni Yvette at may itinuro na parang spaghetti pero hindi pula ang sauce.

"It's Pasta con le Sarde that is made with sardines, anchovies, fennel, raisins, pine nuts and toasted breadcrumbs stirred through spaghetti," sagot ni Vaughn. Nagsimula na itong lagyan ang pinggan niya.

Tumango-tango naman si Yvette wala man siya naintindihan sa mga pinagsasabi nito kung 'di spaghetti lang.

"Eh ito?" Turo niya ulit

"Saltimboco that is wrapped with prosciutto and sage then marinated in wine or oil." namangha naman si Yvette. Parang biglang nanubig ang kaniyang bagang.

"Ito ano tawag dito?" Turo niya sa isang bowl na parang soup ang laman.

"That is vegatables soup they called that Ribollita honeybabe," ani Vaughn habang pinaglalagyan ng pagkain ang asawa.

"And this is one of my favorite the Osso Bucco alla Milanese. Try this honeybabe it's meat." Inilapit ni Vaughn ang kunsara sa kaniyang bibig.

"Wow ang sarap nga!" ani Yvette ng matikman.

Kumain lang sila at kahit ang dami ay inubos lahat ni Yvette dahil nang hihinayang siya sa pagkain.

-

"Vaughn honeybabe picturan mo ako dali!" ani Yvette kay Vaughn sinabi kasi ng binata na tawagin siyang ganon. Ayaw pa niya sa una kasi ang haba pero ginawa na lang din niya. "Oh my gosh, ang ganda rito Vaughn i-uwi natin 'yung tower!"

Ngayon ay nasa Leaning Tower of Pisa sila, napa-iling na lang si Vaughn sa kakulitan ng asawa. Kanina pa sila paikot-ikot sa buong lugar.

Hindi man alam ng asawa pero ang mga tauhan niya ay naka-bantay lang sa kanila mula sa malayo.

"Ikaw naman, Vaughn dali smile ka!" Kinuha niya ang camera at pini-pikturan si Vaughn na seryoso lang ang mukha "Ano ba 'yan ang panget eh."

Kahit ayaw niya kusa siyang napangiti ng makitang nakanguso ang asawa.

Nang mag-gabihan ay pumunta na sila sa hotel na tinutuluyan nila. Nasa elevator pa lang sila ay agad hinapit ni Vaughn si Yvette papalapit sa kaniya.

"Vaughn ang luwag-luwag nito. Bakit nag sisiksikan tayo?" takang tanong ni Yvette.

Hinalikan niya ang sentido ng asawa.

"I love the electricity when your skin touches mine."

~*~

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon