Chapter 3
• Yvette's Point of View •
Gulat na patingin sa akin ang tatlo lalaki dahil siguro hindi nila ako kilala, nako extra lang po ako. Malay mo maging artista rin ako.
Hindi ko na sila pinansin at lumangoy papunta sa bidang lalaki.
Nang mahawakan ko siya'y kaagad kong ipinalibot ang kamay sa kaniyang malaking katawan. Kahit mabigat ay pinilit ko siyang ini-angat, napasinghap siya ng hangin ng mai-ahon ko ang kaniyang mukha para naman siyang batang hingal na hingal na kumapit sa aking leeg.
Grabe 'tong si kuya ang bigat.
Agad akong lumangoy papunta sa gilid habang siya'y parang unggoy na nakakapit sa akin, ang laking tao niya tapos nakayakap siya sa leeg ko.
Pinauna ko siyang umahon. Tinulak ko ang pwet niya para makaalis sa tubig. Hihihi ang tambok!
Umubo-ubo pa siya kaya agad ko siyang nilapitan at tinapik-tapik ang likod niya.
"Ayos ka lang ba Kuyang artista?" tanong ko sa kaniya.
Mas nakita ko ang mukha niya sa malapitan. Wow, ang kinis ng kaniyang balat, matangos ang kaniyang ilong, walang-wala ang ilong ko. Mukha nga lang masungit dahil sa makapal niyang kilay. Ang mahaba niyang pilik mata at pantay na labi. Grabe! Pak na pak!
Hindi ko alam kung model siya o artista.
"Hoy sino ka?!" Napatingin ako sa lalaking sumigaw na naka-leather jacket silang tatlo, hindi ba sila naiinitan?
"Ako si Yvette, kasi pamilya ko lang tumatawag sa akin ng Ling," sabi ko. "Pwede niyo ako tawaging Ling kung pamilya ko kayo? Nawawalang tito o kapatid ko ba kayo?" tanong ko na kinakunot ng nuo nila.
Napatayo ako at napatakbong lumapit sa kanila napa-atras naman sila at gulat na tumingin sa akin.
"Wah! Ikaw ba si Cardo?" turo ko sa isang pandak. Gulat naman siyang tinuro rin ang kaniyang sarili.
"Grabe, ang panget mo pala sa personal," usal ko at tinusok-tusok ang kaniyang pisngi.
"Hahaha. Pare panget ka raw!" pang-asar ng isa kaya napabaling ako sa kaniya.
Napakurap-kurap siya ng lumapit pa ako sa kaniya.
"Bakit nandito si Kokey?" turo ko sa kaniya, tumawa naman ang dalawa niyang kasama.
Bumaling ako sa isa pa na tumatawa, mas natitigan ko siya, bahagyang tumabinggi ang aking ulo. "Hindi ko alam na medyo panot pala si Imao," komento ko saka pinasadahan sila ng tingin.
Napakunot naman ang noo ko nang tumawa sila habang nakatingin sa akin, baliw ata mga to pinag tatawanan nila ang isa't-isa.
"Uy pa autograph naman para mainggit 'yong mga classmate ko Kyaaaaa!" tili ko at tumalon-talon pa.
Napatingin ako sa bidang lalaking nakatingin lang sa amin at parang hinahabol pa rin niya ang kaniyang hininga. Nako baka may hika siya. Dapat ay hindi na siya nag-artista kung mahina pala resistensya niya.
Nanlaki ang aking mata nang makita ang isang baril sa hindi kalayuan.
Wow! Ngayon lang ako nakakita nito sa personal lagi ay sa tv ko lang ito nakikita e. Mabilis na tumakbo ako papalapit doon at dinampot.
"Woah! Ang bigat nito." masayang pahayag ko ng bitbitin ko ito. "Grabe! Kahit peke ito ay parang totoo." Umarte pa akong bumabaril baril.
"H-Hoy bitawan mo y-yan!" utal na sabi noong isa.
BINABASA MO ANG
Sweet Evil
General FictionVaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show any emotion except the usual pissed, annoyed, and disgusted. But one day, a girl caught his interest. A girl named Yvette Lin Ramos, who sav...