Yvette's POV"Anak mauna na kaming umuwi ha? Sabi ng asawa mo susunod na lang kayo sa bahay naghanda kami ni tatay mo," ani nanay. Nasa gilid niya si tatay at Yna na laging nasa cellphone naka-tingin.
Tapos na ang program at nandito na kami sa labas ng gymnasium. Si Anton ay umalis na rin dahil pinaghandaan din daw siya ng nanay niya.
"Sige po nanay!" aniko na may kasamang pagtango pa.
Hinihintay ko kasi si Vaughn na kausap pa sila Dean.
Nakatanaw ako kila nanay nang sumakay sila sa tricycle. Kumaway pa ako sa kanila, hanggang sa tuluyan silang maka-layo.
Nagliwanag ang mata ko ng makita ang nagtitinda ng cotton candy sa gilid.
Kinapa-ka pa ko ang bulsa ng aking uniform. Hays! Wala nga pala ako dalang pera. Naiwan ko kila nanay 'ang bag ko.
Umupo na lang ako sa isang bench habang nakatanaw sa mga tao. Nagugutom na ako!
"Miss..." Napatingala ako sa lalaking may hawak ng cotton candy na nasa harap ko. Inilahad niya iyon sa akin.
"Ha?" takang tanong ko, ipapahawak niya ba sa akin?
"Para sayo 'yan," sabi niya at ngumiti.
Matangkad siya at maputi, mukha siyang koreano katulad ng mga pinapanuod ni Yna.
"Sa akin? Nako! Hindi na po wala po akong pera eh." pagtanggi ko na may kasama pang pag-iling, pero natatakam ako sa cotton candy naka-shape na hello kitty.
"Bigay ko 'yan sayo. Graduation gift," aniya.
Nanlaki ang mata ko. "Talaga? Wow thank you po!" masayang pahayag ko at kinuha ang cotton Candy.
Bahagya siyang natawa.
"Huwaag ka na mag po. I'm only twenty five years old," aniya at sinuklay pa ang sariling buhok.
Napatulala naman ako sa kaniya para rin siyang artista kagaya ni Vaughn. Malaki rin ang katawan niya. Naka-tshirt na vneck lang siyang puti at jeans.
"Ah oh sige. Nineteen lang ako," aniko at kumurot sa cotton candy. Nginuya iyon habang naka-tingin sa kaniya.
"I know," bulong niya.
"Ha?" ang hina naman kasi hindi ko narinig.
"Nothing. Sabi ko sino kasama mo bakit mag isa ka lang?" tanong niya.
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa gymnasium, madami pa naman tao naglalabasan.
"Uh. Nasa loob ang asawa ko," masayang pahayag ko. Ngumisi naman siya parang may kakaiba sa kaniya.
"Ah I see. Mag-iingat ka ha, I have to go," wika niya, bahagya pa akong napa-igtad nang guluhin niya ang buhok ko bago maglakad palayo.
Kumaway pa siya sa akin bago sumakay sa isang kotseng kulay red. Kumaway ako pabalik sa kaniya.
Ang bait naman niya.
"Madam nandiyan lang pala kayo kanina pa kayo hinahanap ni Master." Napatingin ako sa hinihingal na lumapit sa akin si Cash.
"Ah. Tingnan mo Cash may cotton candy ako bigay ni kuya... Ay, hindi ko natanong ang pangalan eh." Kumanot ako sa ulo. Sayang hindi ko natanong pangalan.
Luminga-linga si Cash. "Madam huwag po kayo makikipag-usap pag hindi niyo kilala," nag-aalalang ani Cash.
"Bakit naman? Mabait siya nilibre niya ako nito oh."
"Basta po. Nako! Baka balatan ako ng buhay ni Master niyan e," aniya na kumakamot pa sa batok.
Nagkibit-balikat na lang ako. Bakit naman siya babalatan ni Vaughn? Gulo naman kausap ni Cash.
Third Person's POV
Madilim ang mukha ni Vaughn papunta sa basement ng headquarters nila naka-sunod lang sa.kaniya si Cash at Bill. Ang iba naman niyang tauhan ay bumabati sa kaniya kapag dumadaan siya.Padabog niyang tinanggal ang pagka-piring sa lalaking nagpadala ng tauhan para mag manmanan sa mansion niya.
Alam niyang dahil iyon sa asawa niya. Ang mga ito ay mga biglang nabuhayan ng mabalitaan nag pakasal siya. Matagal na kasi humahanap ang mga kalaban niya ng kahinaan niya at ngayon ay nakakita sila.
Ngunit hindi naman niya hahayaan ang mga ito saktan ang asawa niya. Ano pa't tinuringan siyang isang lider kung hindi niya ma-protektahan ang sariling asawa.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo Fuentes? Ang lakas naman ata ng loob mong lumapit sa teritoryo ko," malamig na usal niya sa lalaking naka-aapos.
Imbes na matakot ay ngumis ang lalaki. "Maganda ang iyong asawa, Navarro." hindi nito pinansin ang sinabi niya. Nagdilim ang kaniyang paningin dahil sa sinabi nito, kaagad na sinapak niya ito sa sikmura umubo ito't sumuka naman ng dugo.
"You don't have a right to see my beautiful wife," he said then pointed his gun to the mother fucker.
Tumawa naman si Fuentes.
"Dinadamay mo lang siya rito Navarro. Sa tingin mo ay matatanggap kaniya kapag nalaman niyang isa kang demonyo?" tumawa pa si Fuentes animong nababaliw na.
Sinapak niya ulit ito sa panga at sinakal.
"B-Bantayan mo ang asawa mo. Baka hindi mo alam nakuha na sayo. HAHAHAHA—Akk! Putang ina mo!" Mabilis niyang kinalbit ang gatilyo, binaril niya ito sa hita.
"Huwag na huwag niyo kong susubukan!" banta niya rito.
Binaril ulit ni Vaughn ang lalaki sa may gawing balikat, malakas itong napa-hiyaw at igik sa sakit non.
Hinihingal si Fuentes habang napipikit na ang mata. Ngunit nagawa pa niyang ngumisi upang inisin lalo si Vaughn.
"H-Hindi lang a-ako ang k-kaaway mo N-Navar-ro ta-tandaan mo. I-Isa kang ma-malaking t-tanga—" hindi na niya pinatapos ang litaniya nito ng barilin niya ito sa ulo sa gitna mismo ng pagitan ng mga kilay.
Umigting ang kaniyang panga habang tinitingnan ang walang buhay na katawan ni Fuentes.
Agad siya lumabas sa silid na iyon. Dahil baka mapatay pa niya ang isang tauhan sa sobrang inis. Lalo't hindi niya napipigilan ang sarili pag nagdilim na ang paningin niya.
Habang papunta sa office sa headquaters ay naisip niya ang sinabi ni Fuentes.
Hindi nga ba siya matatanggap ng asawa? Paano kapag nalaman nito na pumapatay siya ng tao, na halimaw siya katulad ng sinabi ni Fuentes.
Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Kahit na man ayawan siya ng asawa ay wala itong magagawa dahil hinding-hindi na niya ito papakawalan. Gagawin niya ang lahat para hindi siya iwan nito katulad ng mga taong akala niyang hindi siya iiwan pero sa huli ay iniwan din siya.
Lalo't malinaw sa kaniya ang nararamdaman niya.
He love his wife. Is it love at first sight? Hindi niya alam basta ang malinaw ay si Yvette ang pinaka importanteng tao sa kaniya ngayon.
Someone's POV
Naibalibag ko ang aking hawak baso ng alak.
"Boss paumanhin po hindi pa rin po namin nahahanap ang blue phantom. Pati si Don Nestor ay hindi na mahagilap."
Sinamaan ko sila ng tingin. Mga bobo! Walang pakinabang!
"Sigurado ba kayong wala sa Navarro na 'yon?" singhal ko, naikuyom ko ang aking palad.
"O-Opo boss. Wala rin po sa kaniya, siguro po kami," ani ng isa sa tauhan ko.
Naikuyom ko ang kamao lalo. Hindi ako papayag na mauhan ako ng lalaki na 'yon. Hindi ngayon!
Sisiguraduhin kong babagsak siya. Sisiguraduhin kong magsisisi siya sa ginawa niya.
~*~
BINABASA MO ANG
Sweet Evil
General FictionVaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show any emotion except the usual pissed, annoyed, and disgusted. But one day, a girl caught his interest. A girl named Yvette Lin Ramos, who sav...