Chapter 2

184K 5.4K 2.1K
                                    


Chapter 2

• Third Person's Point of View •


'Shit' mura ni Vaughn sa isip habang pinapatakbo ng mabilis ang kaniyang kotse. Napatingin siya sa rear view mirror ng kaniyang sasakyan, pinapaputukan siya ng mga humahabol sa kaniya.

Kanina pa habol nang habol ang mga ito at tila nakikipag-unahan para makuha ang Blue Phantom. Isa iyong kwintas na importante at pinag-aagawan ng mga organisasyon.

At ngayon ay nabalitang nandito ito sa isang probinsya sa Quezon kaya dali-daling pumunta si Vaughn. Tinawagan naman niya ang mga tauhan na sumunod sa kaniya. Ang kaso ay ang mga walang hiyang kalaban nila ay nakatunog din at ngayon eto't nakikipag-unahan ang mga ito sa kaniya.

Kinuha niya ang isang silent gun at itinutok ito sa likod, sa kotseng humahabol sa kaniya at walang tingin pinaputukan ang mga ito.

Agad naman nag gewang-gewang ang mga ito at bumangga sa isang puno pero sadyang madami sumusunod sa kaniya dahil meron pa rin isang kotse nakasunod, lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo sa sinasakyan.

Damn it! Vaugn cursed.

Gumalaw ang kaniyang panga habang binibilisan ang pagmamaneho hanggang makarating si Vaughn sa isang farm, sumalubong ang madaming puno at bukidan.

Sisiguraduhin niyang makikita niya ang matandang lalake na nagtatago ng Blue Phantom na pakay niya.

• Yvette's Point of View •


Sumakay ako sa tricycle papunta sa farm na pinag-tatrabahuhan ni Tatay. Ilang beses na akong nakakapunta doon kaya nakabisado ko na rin ang daan papunta.

"Manong dito na lang po." Huminto ito sa pinaka bukana ng farm, napanguso ako ng bahagyang pumugak-pugak pa ang tricycle. "Magkano po manong?"

"Bente ineng," ani ng matandang kalbo.

Sandali ko siyang nilingon, grabe naman si manong.

"Eto manong." Inabot ko ang sampong piso. Kumunot ang kaniyang noo sa binigay ko.

"Teka! Bente, hindi sampo!" inis na sabi niya. Inayos ko naman ang suot kong t-shirt na hello kitty. Nako! Pati si hello kitty sumisimangot na sa kay manong. Ang buraot naman.

"Bente po manong kapag lahat ng pwet ko ay naka-upo. Eh kalahating puwet ko lang naman ang inupo ko kaya sampo lang," wika ko at ngumiti sa kaniya ng pagkatamis-tamis.

Hay nako si manong talaga, hindi marunong sa math.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan niya at naglakad na papasok kahit naririnig ko pangsumisigaw siya.

Masayang naglalakad ako habang nakatanaw sa mga puno at bukid, kita na rin ang malaking hacienda ng may-ari ng farm na amo ng aking ama.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad sa mga puno ng napatingin sa isang matandang lalaking naka-jacket at palinga-linga, bahagyang kumunot pa ang aking noo sa kaniya nang makilala ay malakas ko siyang tinawag.

"Don Nestor!" masayang tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin kaya masayang lumapit ako at nagmano sa kaniya, bahagya kong napansin ang panginginig niya. "Saan po kayo pupunta?" takang tanong ko nang makitang may dala siya bag.

Hinatak ako nito sa likod ng puno habang lumilinga-linga.

Hinawakan niya ang aking balikat kaya napangiwi ako. Grabe naman si Don Nestor, ang touchy. "Ineng aalis muna ako," aniya animong natataranta.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon