Chapter 16

107K 3.7K 288
                                    

Third Person's POV


"Fuck! My wife!"

Kaagad tumakbo si Vaughn papalapit sa mga sumigaw. Halos liparin niya ang pagitan no'n sa kaniya. Kitang-kita niya ang asawa sa ilalim ng swimming pool. Kilala niya ang suot nitong gown na siya mismong nagpagawa.

Ang mga tao sa paligid ay naka-tingin lang, tangina! Wala man lang tumulong. Gusto niyang sumigaw sa galit pero masyadong okupado ang utak niya kung paano maililigtas ang asawa.

He can't think properly. Ang alam niya lang ay kailangan niyang iligtas ang asawa. Ang lakas din kabog ng dibdib niya. Mariin siyang tumalon sa tubig, hindi siya marunong lumangoy pero sa oras na 'yon ay nagawa niyang lumangoy upang makuha ang asawa sa ilalim, hinapit niya si Yvette sa beywang at hinila papunta ahon sa tubig at sa gilid ng pool.

Tulala ang lahat ng nakakita na, mas dumami ang naglalabasan na mula sa loob ng hotel para maki-usyoso.

Of course, alam ng lahat na ang isang Vaughn Rage Navarro ay may bathophobia. It is a fear of depths or deep things, he dislike swimming over deep water.

'Shit' Mabilis na ini-ahon ni Vaughn ang asawa sa gilid. Nanginginig ang kamay niya, hindi niya alam kung dahil sa malalim na tubig o dahil nakikita niyang walang malay ang asawa.

"Hey! Wife wake up! Yvette honey! Please, open your eyes come on baby,"  Vaughn at tinapik-tapik ang pisngi nito.

"H-Honey come on, wake up. Damn it!" kinakabahan wika niya.

Biglang may lumapit na isang lalaki sa kanila.

"She need a cpr!" anito at akmang hahawakan si Yvette ay hinarang ni Vaughn ang kamay niya.

"Don't! Don't fucking touch her! Ano? Ilalapat mo 'yang bunganga mo sa qsawa ko? Eh kung tanggalan kita ng bibig? Get lost. I can do that!" singhal niya at mabilis na C-ni-PR ang asawa.

Ilang pump pa lang sa dibdib at pag ihip sa bibig ay napa-ubo na si Yvette at napa-hawak sa braso niya.

Agad niyang itong niyakap ng sobrang higpit, para naman nawala ang kalasingan ni Yvette.

"Hala. Vaughn bakit basa tayo? Umulan o naihi ka?" tanong ni Yvette habang tinitingnan ang damit nila.

"Don't do that again. Hindi mo alam gaano ako kinabahan sa unang pagkakataon," bulong niya at hinimas pa ang buhok ng babae.

Malalim siyang napa-buga ng hangin, hindi niya kakayanin kung may mangyaring hindi maganda sa asawa. Hindi niya kaya.

Binuhat niya si Yvette, walang lingon-lingon umalis sa lugar na 'yon.

Fuck shit! Talagang ipapa-tanggal na niya rin ang swimming pool sa bahay niya. Design lang iyon at nabili niya ang bahay na ganon na, pero ngayon nangyari ito. Papagiba na niya ang pesteng swimming sa bahay niya baka ano pa mangyari habang wala siya sa bahay.

Someone's POV

"Akala ko ba ay may phobia 'yang Navarro na iyan sa tubig? Eh bakit nailigtas ang asawa," inis na sabi ko sa katabi kong babae.

"Iyon din ang alam ko. Malay ko ba!" aniya sabay ayos sa buhok niya. Tss bitch!

"Don't raise your voice at me! Baka nakakalimutan mo sino boss dito?" Uminom ako ng alak sa hawak kong kupita.

"Hindi ko naman nakakalimutan 'yon!" mahinang niya.

Pinanuod ko sumakay si Navarro at ang asawa niya sa kotse.

Napangisi ako.

"Bantayan mo ang asawa mo, baka malingat ka at pagka-gising mo ay maging asawa ko na 'yan!"

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon