Third Person's POVDalawang araw na ang lumipas simula ng maka-uwi sa Pilipinas sina Yvette at Vaughn galing sa Italy. Naglagi lamang sila doon ng tatlong araw dahil may trabaho pa si Vaughn na dapat tapusin.
At sa tatlong gabi rin na 'yon ay paulit-ulit siyang pinaligaya ng asawa. Ngumingiti rin si Vaughn kapag siya ang kausap pero kapag ibang tao na ay balik sa seryosong mukha na naman ito.
Iyon ang napansin niya sa lalaki.
Kasalukuyan nasa mansyon si Yvette dahil nasa opisina si Vaughn. May mga tauhan pa rin na nagkalat sa buong bahay. Hindi na rin siya sinusundan ng mga maid dahil hiniling niya iyon, naiirita na siya sa kakasunod ng mga ito.
Nanunuod si Yvette sa tv nang may narinig siyang pagbukas ng pinto kaya kaagad siyang napa-ngiti at napatayo sa pag-aakalang si Vaughn iyon, ngunit nawala ang ngiti sa labi niya nang isang hindi pamilyar na babae ang pumasok.
Nasa mid forties na ito, mukhang masungit dahil sa suot na kulorete at taas nuo naglalakad papasok sa bahay, halata rin mamahalin ang suot na damit na kumukinang.
Napataas ang kilay ng ginang nang makita siya sa sala. Nagpalinga-linga naman siya para makakita ng ibang tao ngunit busy ang mga katulong sa iba't-ibang gawain samantalang ang mga body guards ay nasa labas ng mansyon. Si Cash at Bill ay kasama lagi ni Vaughn.
Tumalim ang tingin ng babae sa kaniya.
"So totoo pala na may binabahay ang anak ko!" matigas na wika nito at maarte ang tono animong minamaliit si Yvette.
'Anak? Sino?' tanong ni Yvette sa isip.
"Anak niyo po si Vaughn? Hindi naman po kami naglalaro ng bahay-bahayan," kaagad usal ni Yvette.
Pero wala silang pag kakahawig. Kinabahan naman si Yvette dahil ngayon niya lang nakita ang magulang ni Vaughn kahit matagal na siyang nakatira sa bahay nito. Hindi naman kasi ito nagkukwento sa kaniya tungkol sa pamilya.
Tumunog ang takong ng ginang nang magsimula itong maglakad papalapit sa kaniya.
"Tatapatin na kita, ayaw kita para sa anak ko," masungit na usal nito at pinasadahan pa siya ng tingin.
Napalunok siya dahil sinuot niya ang tshirt ni Vaughn. Baka magalit ito!
"Patas lang po tayo," mabilis na ani Yvette. Kumunot naman ang nuo ng ina ni Vaughn mas lalo siyang kinabahan.
"What do you mean? Ayaw mo rin sa anak ko? Sabi ko na nga ba at pini-perahan mo lang siya!" pag-aakusa ng babae.
Mabilis siyang umiling. "Hindi po. Ang sabi ko ay ayaw ko rin po kayo para sa magiging anak ko. Ang tanda niyo na po kawawa naman ang magiging anak ko," ani Yvette saka naka-ngiwing ngumiti.
Lalo nagpantig ang tainga ng ina ni Vaughn. Ganito ba kabobita ang binabahay ng anak niya't maganda nga pero mukhang mahina ang utak o baka naman gina-gago lang siya nito?
"Sigurado akong gusto ka lang ikama ng anak ko," para namang sumikip ang dibdib ni Yvette sa narinig.
"Hindi po totoo iyan."
"Kilala ko ang anak ko. Panigurado kapag nagsawa siya sa'yo ay itatapon ka lang niya katulad ng ibang naging babae niya at saka magkano ba ang bina-bayad ng anak ko sayo i-doble ko. Oh no! Sige, triplehin ko na umalis ka lang dito!" singhal ng ginang.
Para namang bumara sa lalamunan ni Yvette ang mga sinasabi ng mama ni Vaughn. Lagi siyag napapagalitan ng nanay niya pero masakit pala kapag ibang tao ang gumawa.
"Hindi po totoo iyan," wika niya na may kasama pang pag-iling.
"Tingin mo talaga ay mahal ka ng anak ko? Bakit kilala mo ba siya ng totoo? Hindi marunong magmahal ang anak ko!" sigaw ng babae.
BINABASA MO ANG
Sweet Evil
General FictionVaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show any emotion except the usual pissed, annoyed, and disgusted. But one day, a girl caught his interest. A girl named Yvette Lin Ramos, who sav...