EPILOGUE

130K 4.6K 1.2K
                                    


EPILOGUE


             Nakangiting nakatanaw si Yvette at Vaughn sa mga anak habang nag tatakbuhan sa gilid ng lawa. Limang taon na simula ng ikasal sila sa simbahan pero parang kahapon lang iyon nangyari.

Nandito ngayon sila sa biniling farm ni Vaugh, ang farm kung saan sila unang nagkita, napatanggal na rin doon ang pekeng bangkay ng asawa niya.

Nakasandal si Yvette sa balikat ng mister habang nakasandal sila sa isang malaking puno, kung saan dati naka-upo si Yvette.

Nagtatakbuhan naman ang kambal nilang si Erl Vaxiel at Yliana na seven years old na. Nakikitakbo rin habang may hawak na bola si Vzand.

Ang apat na taong gulang nilang anak.

"Hon, thank you." biglang usal ni Vaughn habang humihimas sa umbok na tiyan ni Yvette na ka-buwan na.

"Para saan Vaughn?" ani Yvette habang umiinom ng yakult.

"For coming to my life. You are that woman who transformed my imperfections into perfections, you fill all the emptiness in my heart. I'm so thankful to have you in my life. No matter how many years pass by in our marriage, there will be two moments when I will like to be with you, now and forever! I Love you, my honeybabe. I really do," madamdaming wika ni Vaughn.

At masuyong hinalikan ang asawa, mabilis din naghiwalay.

"Mahal din kita Vaughn. Salamat at nandyan ka palagi at hindi ka nag sasawa intindihin ako, kahit nuong mga panahon na sinusukuan ako iba ikaw tinanggap mo ako," ani Yvette.

"You are my life and always on my mind and I fucking love you very much! Kahit malunod ako ng paulit-ulit basta makilala kita ay gagawin ko, ako mismo ang lulunod sa sarili ko," biro ni Vaughn habang pinupunasan ang luha sa pisngi ng misis nagiging emosyonal ito dahil sa pagbubuntis.

Bahagya silang natahimik.

"Vaughn," pagtawag ni Yvette.

"Hmm honey?"

Kinagat ni Yvette ang ibabang labi. "Huwag ka matataranta ah..." ani Yvette.

Kumunot ang noo niya unti-unting pumasok ang ideya sa kaniyang isip, bumaba ang ang tingin niya sa hita ng asawa at basa iyon ng parang tubig.

"Holy shit!"

"Vaughn sabi ko huwag kang mataranta!" Dahan-dahan tumayo si Yvette, hindi talaga niya naramdaman kanina bigla-bigla na lang pumutok ang panubigan niya.

Nanlalaking mata ni Vaughn na sinapo ang pagkababae niya, kaagad niyang tinampal ang kamay ng lalaki kasi namumutla na ito.

"Hon baka mahulog si baby ko!" natatarantang wika nito at akmang sasapuhin ulit ang pagkababae niya ay umatras siya.

"Buhayin mo ang kotse Vaughn, dalhin mo rito sa malapit t-tawagin ko ang mga bata." Tumango si Vaughn pero mukhang tulala itong sumunod sa sinabi niya.

Sinapo ni Yvette ang tiyan. Ganito rin ito noon kay Vzand, nahimatay ito. Nagising lang ito na nakapanganak na siya, ganon ito kakabado.

Kaya tinatak niya sa isip niya na dapat siya ang kalmado dahil kung parehas silang kabado ni Vaughn siguradong walang mangyayari.

"Erl!" tawag niya sa anak.

Kaagad lumingon ang lalaking anak, kumunot ang noo nito tapos ay mukhang nakuha ang nangyayari dahil mabilis nitong hinawakan ang dalawang kapatid sa kamay saka lumapit sa kaniya.

"Are you giving birth now, mom?" anito.

Tumango siya. "Call Lola Mama and Tita Yna, told them what happened. Here." Iniabot niya ang cellphone sa anak ata mabilis itong nagpindot sa phone niya, lumapit naman si Vzand sa kaniya saka bumulong-bulong sa tiyan niya.

Dumating ang kotse, huminga siya ng malalim dahil masakit na talaga ang tiyan niya pero ayaw niya ipakita sa mga anak at asawa.

           "DADDY calm down," ani Erl kay Vaughn na palakad-lakad sa harap ng pintuan kung saan nanganganak ang asawa.

"Oo nga, daddy. Mommy told us to always calm dapat ikaw rin," ani ng babae niyang anak.

Napakamot sa batok si Vaughn, he can't calm, nasa loob ng kwarto na ito ang mag-ina niya. Shit!

Sakto naman dumating ang magulang at kapatid ni Yvette, nasa likod nito ang magulang niya.

Kaagad nilapitan ni Yna ang mga bata. "Kuya iu-uwi ko na muna sila, bawal ata magtagal dito ang mga bata."

"Oo nga Yna, iuwi mo muna sila," pag-sang-ayon ng ina ni Yvette.

Nang maka-alis ang mga bata ay nilapitan siya ng tatay ni Yvette. "Maupo ka muna anak, para kang matatae dyan."

"Tatay naman, I'm just nervous. My wife and baby are there."

Sinunod pa rin niya ang sabi nito naupo siya't kaagad siyang nilapitan ng ina niya. "Mom," aniya at ngumiti sa ina niya.

"Is my son okay?" tanong nito, hinimas ang buhok niya.

"I'm not mom, kinakabahan ako na excited. Ewan." Natatawang wika niya, lumapit ang ama niya sa kaniya saka tinapik ng mahina ang pisngi niya.

"I'm so proud of you, son."

Bumuntong-hininga siya saka ngumiti sa ama. Nang maipanganak si Vzand ay nagka-ayos na sila ng kaniyang magulang. Unti-unti ay napatawad na niya ang mga ito.

Ang kaniyang ngiti ay unti-unting nawala nang makita ang isang Doctor na hinahabol ng isang highschool student.

"Kid, just go home."

"Doc sige na kasi isang interview lang hehe."

"Nope, go home."

Tumalikod ang Doctor sa batang babae saka nagtama ang mata nila, ang gulat sa mukha nito ay unti-unting napalitan ng ngisi saka lumapit sa kaniya.

"Vaughn my friend, how are you? Nangangak na ba si Yvette?" nakangising wika ni Phytos.

Inismidan niya ito. "Dapat sayo tinatanggalan ng lisensya, bakit ba naging doctor ka pa ang panget mo."

Natawa si Phytos hindi siya pinansin saka nagmano sa mga matatanda doon.

"Mauna na ako bestfriend, may bata pa akong paaalisin." Tinapik nito ang balikat niya saka tumalikod.

Sinuklay niya ang buhok habang nakatingin kay Phytos na hinahabol ulit ng batang babae.

Ang akala nila noon ay patay na ito pero naisugod pa nila sa ospital. Mabuti na lang at tinigilan na nito ang asawa niya pero nakakainis pa rin dahil ninong pa rin ito ng mga anak niya. Gusto sana niya itong ipakulong noon pero si Yvette na ang nagdesisyon na huwag na at hayaan na lang itong magbagong buhay.

Mukhang tama naman ang naging desisyon nila.

Look at him now, pinagpatuloy niya ang tinapos niyang propesyon noon. Isa na siyang Doctor ngayon.

Napukaw ang pag-iisip ni Vaughn ng lumabas ang doctora na nagpa-anak sa asawa niya.

Kaagad silang napatayo saka sinalubong ang ginang.

"Doc, are they okay?"

Ngumiti ito.

"Congratulations Mr. Navarro, Your wife is okay and the babies are healthy."

"Thanks God that my wife and my babies—what?!" gulat na wika niya.

Narinig niyang napasinghap din ang mga matandang kasama.

"Yes Mr. Navarro. Your wife gave birth to a healthy baby boy and girl."




~ THE END ~

AN:/ Sa WAKAS na tapos na rin. 💕 Omooooo thank you very much sa lahat ng sumuporta kila Vaughn at Yvette.

I hope na gustuhan niyo po. 😊 After 11 days ay natapos na siya. Salamat po.

Read my other stories.

THANK YOU SO MUCH 😘

SweetEvil
June 1 2018 - June 11 2018
- SaviorKitty -

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon