Third Person's POV
- Present -
"Kyaaaaaaa~ talaga Vaughn? Nagpractice ako sa cr kanina. Hahaha!" Napangiti na lang si Vaughn sa asawa dahil gumana ang plano nila."Tulong!! Tulong!!" sigaw ni Celine pilit gumagalaw.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Yvette, nakaka-inis na ang babaeng 'to.
"Kanina ka pa sa'kin ah! Hinalikan mo si Vaughn kanina peste ka! Ang germs ma baka mahawa pa 'yong asawa ko sa kati mo," ani Yvette at mabilis na binuhos ang baso ng tubig sa mukha ni Celine na walang ginawa kundi humiyaw dahil hindi maikilos ang katawan.
Hindi maiwasan mamangha ni Vaughn sa asawa, ibang-iba na ito sa asawa niya noon na hindi marunong sumagot.
Bigla naman bumukas ang pinto, pumasok ang dalawang babaeng maid at si Greg ang mga naging kasabwat ni Yvette sa plano.
"Ma'am naibigay na po namin ang juice sa mga bantay sa labas. Tulog na po sila," ani ng isang maid.
"Nakuo salamat manang!" Nakangiting wika ni Yvette mabilis naman lumabas ang tatlo para mag bantay ulit sa labas kung magigising ang mga iniwan ni Phytos.
Ang sumugod sa headquarters ni Phytos ay ang mga tauhan ni Vaughn, naka-plano na ang lahat.
Ang totoo ay unti-unti na siyang nagparamdam kila Bill at Cash, bago pa man maganap ang event kung saan siya unang nakita ni Vaughn ay nagpakita at naipaliwanag na niya ang lahat sa dalawa at sila na ang kumausap sa iba pang tauhan.
"Papatayin ka ni Phytos kapag nalaman niya ito, traydor ka!" sigaw ni Celine.
Hindi nila pinansin ang babae.
"Hon, kukunin ko ang mga ebidensya sa pagnanakaw nila dito ka lang," ani Vaughn tumango naman si Yvette.
Mabilis na lumabas si Vaughn para pumunta sa isang kwarto doon dahil ang sabi ni Yvette kagabi at nandoon ang mga gamit ni Phytoa, ang mga ebidensya.
Sa kabilang banda ini-ayos ni Yvette ang mga gamit sa kwarto, habang pasulyap-sulyap kay Celine. Napatingin siya sa bintana dahil parang mat dumating.
Lumakad siya papunta doon pero wala naman tao sa labas, baka naman guni-guni niya lang?
Pagharap niya kay Celine ay nanginginig na hawak nito ang isang baril at nakatutok sa kaniya kahit halos nakahandusay na ito.
"A-Akala niyo hahayaan ko kayong maging m-masaya?" anito at humalakhak kahit tumitigas na ang bigas nito sa bawat letra.
Napalunok si Yvette.
Gusto niyang magmaka-awa kay Celine para ibaba ang baril pero alam niyang halang ang bituka nito, basta ang tanging naisip na lang niya ay ang mga anak niya at asawa.
No!
Mariin siyang pumikit nang marinig niya ang tatlong putok ng baril. Hinihintay na lang na niya na matumba siya at tumagas ang kaniyang dugo ngunit wala siyang maramdaman kahit ano sa lumipas na segundo.
May narinig pa ulit siyang isang putok. Napadilat siya nang may tumumba at napayakap sa kaniya. Dahan-dahan siyang napaupo habang nasa bisig ang lalaking sumalo ng mga bala na para sa kaniya.
Umawang ang kaniyang labi dahil sa gulat. Nag-unahan ng tumulo ang luha sa kaniyang mata.
Her lips trembled as she cried, crying out. A flood of tears gushed down her ashen cheeks.
"W-Wag kang umiyak," ani ng binata.
Lalo siyang napahagulgol dahil kahit sa huli ay siya pa rin ang inaalala nito.
"Phytos!" pagtawag niya rito.
Kitang-kita niya ang mga dugo sa kaniyang kandugan dahil sa pag kakahiga ni Phytos dito. Pati sahig ay unti-unti na rin nababasa sa dugo. Ang tatlong putok ay sinalo pala ni Phytos, bumalik ang binata dahil alam niyang may hindi magandang mangyayari. Inisip niya ano ang mas mahalaga kung ang head quarters niya o ang babaeng nagpapatibok ng puso niya.
Kaya agad siyang bumalik.
Nagulat si Phytos nang pagpasok niya sa silid ay babarilin na ni Celine si Yvette kaya agad niya itong hinarangan, ang tangi niyang naisip ay hindi dapat masaktan ang babae.
Ang isang putok pa ng baril na narinig ni Yvette ay si Vaughn ang nagpaputok. Binaril nito si Celine sa braso para mabitawan ang baril.
Ngayon ay hawak-hawak na ni Vaughn si Celine para wala ng magawa sakto naman dumating sila Bill na humahangos.
"Itali niyo to," ani Vaughn sa dalawa na mabilis na itinali si Celine na parang baliw na humihiyaw.
Lumapit si Vaughn kay Yvette na kalong ngayon si Phytos na naghihingalo na sa tama ng bala sa dibdib.
"Hon, dalhin natin siya sa ospital. Come on," ani Vaughn at akmang tutulungan siya ay umiling si Phytos.
"W-Wag na..."
Dahan-dahan ini-angat ni Phytos ang kamay kahit nanghihina upang punasahan ang mga luha sa pisngi ng babaeng mahal niya na alam niyang kahit kailan ay hindi siya mamahalin.
"W-Wag kang iiyak N-Natalie," ani Phytos ay tipid na ngumiti.
"Phytos sorry, why d-did you this..." Lumuluhang usal ni Yvette.
"S-Sorry rin. Please huwag ka umiyak, g-gusto ko nakangiti ka..." ani Phytos sa paos na boses.
Kahit hirap ay ngumiti si Yvette kahit patuloy na tumutulo ang luha. Kahit si Phytos ang dahilan ng lahat ng nanyari ay hindi niya magawang magalit. Napaka bait nito sa kaniya at sa anak niya simula noon ay hindi ito nagpakita ng masama sa kaniya kahit sa mga anak niya kaya siguro kahit galit siya rito ay hindi ganon kalalim.
"Natalie, sana sa susunod kong buhay ako naman," ani Phytos na may luha na rin sa mata. "A-Ako naman ang mahalin mo. Sana tayo naman," hiling ng binata habang hawak ang pisngi niya.
"Nuong nakaraang buwan ay nalaman kong walang kinalaman si Navarro sa pagkamatay ng kapatid ko. Yes, I'm that selfish. Patawad pero hindi pa rin kita binalik kasi hindi ko na kaya mawala kayo ng mga anak ko," ani Phytos.
"My babies!" inis na sigaw ni Vaughn sa gilid. Balak pa kasing angkinin ng lalaki ang mga anak niya.
Napatawa naman si Phytos kahit nahihirapan.
"G-Gago ka talaga Navarro. H-Hindi mo pa ako pagbigyan ngayon lang," ani Phytos na nagbibiro pa.
Umirap na lang si Vaughn kahit naawa rin siya dito, kahit papaano ay naging kaibigan niya ito noon.
Tumingin ulit si Phytos kay Yvette.
"Kung ang pagkamatay ko ang dahilan para sumaya ka. Handa akong mamatay ng paulit-ulit makita lang kitang masaya."
Napahagulgol si Yvette sa sinabi ni Phytos, deserve nitong maging masaya sa isang babae na totoong magmamahal sa kaniya. Kung ano man ang ginawa nitong kasalanan noon ay dahil iyon sa galit sa puso nito sa pagkawala ng kapatid.
"Dadalhin ka namin sa ospital. Wag ka matutulog!" ani Yvette.
Mabilis na umiling si Phytos. Sa isip ni Phytos ay tapos na siya, ito na ang hangganan niya sa mundo.
"I-I love you Yve—"
"Phytos!!"
Nanghihinang napayakap na lang si Yvette sa katawan ni Phytos na wala ng buhay. Mariin siyang napapikit, isang lalaking naging parte rin ng buhay niya.
Lalaking walang ibang ginawa kundi mahalin siya.
~*~
BINABASA MO ANG
Sweet Evil
General FictionVaughn Rage Navarro was known for his ruthless ability and heartless attitude. No one has ever seen him show any emotion except the usual pissed, annoyed, and disgusted. But one day, a girl caught his interest. A girl named Yvette Lin Ramos, who sav...