Chapter 19

99K 4K 407
                                    


Third Person's POV


Palabas na si Yvette sa ospital nang maisipan niya buksan ang bahay ng gagamba na bigay sa kaniya ni Don Nestor. Kapag talaga wala na silang pera ay ibebenta na niya ang laman non, saktong maitago niya iyon sa dalang maliit na bag ay may mabunggo siya sa isang matigas na pader.

Napatingala siya rito at naningkit ang mata kaniyang dahil parang kilala niya ang nasa harapan.

"I'm sorry, are you okay?" tanong nito.

Mabilis siyang umiling. "Hi sorry, I'm not okay, I'm Yvette," pilit na english na wika niya.

Sandali napa-tigil ang lalaking nasa harapan niya saka ito natawa. "Damn. I mean sorry nabunggo kita," anito saka ngumiti.

Naningkit ang kaniyang mata. "Parang nakita na kita artista ka?" takang tanong ni Yvette.

Ngumiti naman ang lalaki at umiling. "Nakakasakit ka ah, lagi mo na lang ako hindi nakikilala."

Napatakip ng bibig si Yvette at nanlalaking mata pinasadahan ng tingin simula ulo hanggang paa ang lalaking nasa harapan niya.

"OMG! Yna ikaw na ba 'yan?" gulat na usal niya.

"Pffffft. Hahahaha cute! But I'm not that Yna," ani ng lalaki hindi mawala ang ngiti sa labi.

"Eh sino? Imposibleng si Anton ka."

"Ako 'yong lalaking nagbigay ng cotton candy sayo sa graduation mo at 'yong naka-usap mo sa party, remember?" anito sa dalaga.

Sandaling natigilan si Yvette habang inaalala ang sinabi ng lalaki. "Wah! Ikaw 'yong mabait na kuya?" tanong ni Yvette mabilis na tumango ang lalaki.

"Oo ako 'yon pero hindi ako kuya." Nakangiwing wika ng lalaki at inilahad ang kamay. "I'm Phytos," pakilala ng binata.

Inabot 'yon ni Yvette.

"Ako si Yvette, Yvette Lin Ramos-Navarro," buong pakilala ni Yvette at buong pusong ngumiti sa binata pakiramdam niya ay mabait ito.

"Nice name!" ani Phytos saka inilibot ang tingin sa buong lugar. "But what are you doing here?" takang tanong nito kay Yvette.

"Ah. Na-ospital ang asawa ko nabaril siya sa taping," aniya. Marahan tumango-tango naman ang binata.

"Oh. That's sad. I'm sorry to hear that," ani Phytos.

"Bakit ka nag sosorry? Magsorry ka kung ikaw ang nagpabaril kay Vaughn," ani ni Yvette kaya dahan dahang sumilay ang ngisi sa labi ni Phytos.

"Ginawa mo naman akong kontra bida," sabi ng binata at tumawa. "Oh sige mauna na ako may sinadya lang talaga akong kaibigan dito. See you around Yvette," paalam nito.

Ngumiti naman si Yvette at kinawayan pa ito paalis.

Tatlong araw ng tulog si Vaughn, sa ospital din siya natutulog sa tabi nito. Nasanay na kasi siya kasama ito matulog saka ayaw naman niyang magstay sa bahay nito dahil ang non pakiramdam niya ay nag-iisa siya. Sabi ng Doctor ay kahit anong oras ay gigising na raw si Vaughn at gusto niyang kapag nagising ito ay nasa tabi siya ng binata.

Dumeretsyo si Yvette sa parking lot kung nasaan ang driver niya para pumunta sa kumpaniya ni Vaughn, may mga naiwan pa siya kasi doon na papeles na kailangan pirmahan.

             "MADAM ito na po 'yung last paper na ipipirmahan niyo na-scan ko na po iyan, pwede na po kayo mag lunch io-order ko po ba kayo?" ani Coin.

Ito ay ang sekretari ni Vaughn, lalaki ito at kasing edad lang din ng asawa medyo nerdy look nga lang. Hindi kasi kumukuha ng babaeng sekretarya si Vaughn dahil puro landi lamang daw ang ginagawa ng mga ito pagkaharap siya kulang na lang ay ilabas na ang mga dibdib.

"Sige Coin mag tanghalian ka na. Bababa na lang ako sa canteen, gusto ko kasi ako pipili e. Salamat." Nakangiting usal ni Yvette.

Hindi naman siya nahihirapan dito sa tatlong araw ay puro pirma at kung minsan ay may ipapabasa lang sa kaniya. Pinapaliwanag naman ni Coin kapag hindi niya maintindihan.

Pagka-tapos niyang pirmahan ay sumakay na siya sa elevator pababa sa canteen ng kompaniya.

Proud siya at natuto siyang gumamit nito, tinuruan siya ni Coin. Nuong una kasi ay nakarating pa siya sa roof top.

Pagdating niya sa canteen ay ang iba ay bumabati sa kaniya, ang iba ay hindi dahil siguro ay hindi siya kilala, saka nuong mga dumaang araw kasi ay deretsyo siya kaagad sa opisina ni Vaughn.

Nakipila siya sa counter at pumipili ng pagkain ng may magsalita sa kaniyang gilid.

"Miss?" Napatingin siya sa isang lalaki sa kaniyang gilid.

"Bakit po?" takang tanong niya.

"Bago ka lang dito? Bago lang din ako dito. Saang department ka?" tanong nito sa kaniya, bahagyang ngumisi ang lalaki.

"Hindi ako nagti-tinda sa department store," ani Yvette at humarap na ulit sa pila.

Napagitla siya ng hawakan nito ang pulsuhan niya.

"What's your name?" tanong ng lalaki at ngumisi.

"Bakit ko naman papanuodin ang pangalan ko?" ani Yvette akala niya ay 'watch your name'. Pilit tinatanggal ni Yvette ang hawak nito.

Nagugutom na kaya siya.

"Ah? Hahaha. I mean, anong pangalan mo?" wika ng lalaki

Sasagot na dapat si Yvette ng mag magsalita sa gilid.

"Her name is step back away from here or I will kick your ass so hard you would return to wherever the hell you came from." Napatingin lahat sa isang malakas na boses na pumuno sa buong canteen ng kompaniya. "And don't you dare touch her! You Idiot!"

Na-estatwa lahat ng nandoon nang makita ang nakakatakot na awra ng boss nila. Ang may-ari ng kompaniya.

Nakakatakot ang itsura nito.

Kitang-kita ang madilim na awra ng binata. Nag ngingitngit ang kaniyang panga habang nakakuyom naman ang mga kamao nito.

Namutawi ang sandaling katahimikan.

Pati ang mga tauhan nito na si Cash at Bill ay hindi na mapakali. Sobra ito magalit lalo na kapag tungkol sa asawa nito.

Parang lumabas ang tinatagong demonyo sa kaluoban ni Vaughn. Nagdidilim ang kaniyang paningin, puro itim lang ang nakikita niya.

Sinong lapastangan ang hahawak sa pag-aari niya? Punyeta.

Agad na sinugod nang malakas na sapak ni Vaughn ang lalaking humawak sa asawa. That asshole.

Lahat ay nagsigawan walang tigil na pinagsusuntok niya ito. Malalim pa rin ang kaniyang paghinga, hinagis niya ito sa isang gawi, sabay-sabay na napasinghap ang lahat.

Handa na siyang sugudin ito ng may yumakap sa kaniya.

Napatigil siya ng maramdaman ang malambot na bisig na yumakap sakaniya.

"Vaughn. Tama na! Tama na!"

He heard a familiar voice.

Napakurap-kurap si Vaugh para magising ang diwa. Naramdaman niya ang malambot na palad sa kaniyang pisngi.

"Calm down Vaughn. It's me Yvette your wife."

Duon lang siya unti-unting kumalma.

Kitang-kita niya ang takot sa mata ni Yvette. Na na kasakit sa kaniya.

His honeybabe scared to him.

Kanina pagka-gising niya ay agad siyang umalis sa higaan na 'yon para makita ang asawa. Ni hindi na nga siya nakapagbihis, nakapang-hospital pa rin siya.

Nasapak pa niya si Bill at Cash dahil pinagtrabaho ng mga ito ang reyna niya.

Huminga siya ng malalim at niyakap ang asawa siniksik niya ang ulo sa leeg nito para kalmahin ang sarili. 'He missed her smell'

Miss na miss niya ito kahit tulog siya kahit nasa tabi lang niya ito.

"You're mine, akin lang! No one will touch you except me. Please, don't be scared to me honey, I won't hurt you, my queen."

~*~

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon