Chapter 28

101K 3.7K 191
                                    

Yvette's POV

- Flash back -

Hinilot ko ang aking batok habang nag-aabang sa labas ng mataas na gusali. Gabi na at anumang oras ay alam kong lalabas na siya. I wonder if he's okay? Is he done with his dinner? Is Celine there?

Nagliwanag ang mata ko nang makita si Vaughn na malalaking hakbang na lumabas sa building at sumakay sa kotse niya, kaagad kong binuhay ang makina ng sasakyan at saka siya sunundan.

Napansin ata niyang may sumusunod sa kaniya dahil unti-unting bumilis ang pagpapatakbo ni Vaughn. Napangisi ako saka mas binilisan ko rin.

Nagpaliko-liko siya ng daan, binagalan ko para kumalma siya. Nang masigurado kong nakarating na siya sa mansyon niya ay sumunod na ako.

Hindi nga ako nagkamali, sa malayo ako pumarada, sinipit ko siya't naabutan papasok na sa loob.

Mabilis kong binuhat ang sarili para maka-akyat sa hindi kataasan bakod. Suwabe akong tumalon sa kabila, hindi ako kaagad gumalaw. Clear!

Marahan akong lumapit sa kaniyang pintuan. Kaagad kong nakita ang maliit na mga button doon.

Password...

Napakamot na lang ako ng ulo. Bahagya pang napapikit habang pilit inaalala kung anong password ang pwedeng ilagay ni Vaughn.

I start to tap random word. "Ganda ko." failed.

"Vaughn pogi..." failed

Hala ano ba?

"Vaughn Navarro." failed.

Napakamot na lang ako ng buhok "Isip, ano ba ilalagay niya Yvette?" bulong ko. "Yvete isip, Yvette..." paulit-ulit kong wika, wala sa sariling tinype ang pangalan.

Ganon na lang ang paglaki ng aking mata ng biglang bumukas ang pintuan.

Woah! Pigil ko ang aking ngiti nang sumilip ako sa loob, nang masigurado kong wala si Vaughn sa sala ay pumasok na ako't tahimik na isinara ang pintuan. Nakangiting umakyat ako sa kwarto namin.

Kinagat ko pa ang aking ibabang labi para pigilan ang pag-iyak, hindi ko mapigilan ang aking emosyon lalo'tb nakabalik ako sa bahay na 'to pagkatapos ng halos isang taon.

Narinig ko pang tubig mula sa banyo kaya umupo muna ako sa kama at pinagmasdan ang buong kwarto na wala man lang pinagbago.

Kahit 'yong mga punda ng unan ko noon na hello kitty ay iyon pa rin. Yuck talaga si Vaughn hindi man lang palitan. Ew.

Napatingin ako sa pinto banyo nang lumabas si Vaughn doon, nakita kong natigilan siya kaya napa-ngiti ako. Bahagya akong lumunok para pigilan ang malakas na tibok ng aking puso.

"Hi honey..." bati ni Vaughn at ngiting-ngiti sa akin. Baliw na ata 'to, akala ba niya ay hindi ako totoo?

Ngumiti ako lalo nanlaki naman ang mata niya.

"Hello honeybabe." Napanganga pa siya animong hindi makapaniwala.

Hindi ko maiwasan mapatitig sa mukha niya. What happened to you Vaughn?

"Holyshit! tama ata sila Bill kailangan ko ng magpatingin sa doctor," bulong ni Vaughn tapos ay tinampal pa ang ulo bago pumasok ulit sa banyo.

Napapano kaya 'yon?

Napabuntong-hininga ako saka tumayo at pumunta sa walk-in closet para tingnan kung nadoon pa ang aking mga damit.

Natuwa naman ako at ganon pa rin ang ayos ng aking mga damit. Hindi man lang ata nagalawa 'to ah?

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon