Chapter 27

98.8K 3.9K 760
                                    


Third Person's POV


Nagising si Vaughn na masakit ang ulo akmang hahawakan na sana niya ang kaniyang ulo ngunit hindi niya magalaw ang kamay niya. Naka-ngiting napamulat siya ng maalala ang nanyari kagabi.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa madilim na kwarto. Nakatali siya sa isang upuan, nakatali ang mga paa at kamay niya. Pinipilit niyang makawala sa pagkakagapos nang bumukas ang pinto ng kwarto.

Nagsalubong ang kaniyang kilay ng makita ang babaeng pumasok na may dalang tray ng pagkain.

"What's the meaning of this Kathleen?! Fuck!" inis na sigaw ni Vaughn sa kakapasok lang.

Ngumisi ito sa kaniya pagkalapag ng tray.

"Kumain ka muna baka mamiss mo niyan ang luto ko!" pang-aasar ng dalaga.

"Are you crazy! Ikaw ba ang may kagagawan nito! Pakawalanan mo ako!" singhal ni Vaughn.

Malakas siyang sinampal ni Kathleen.

"Wag mo akong sigawan! Rinding-rindi ako sayo alam mo kung wala ka lang pera hindi ako mag titiyaga sayo." Umupo si Kathleen sa harap ni Vaughn. "Naisip ko kahit naman anong gawin ko ay hindi naman kita makukuha edi mas mabuti walang makinabang sayo hindi ba? Kukunin ko sana ang yaman mo at aakitin kita pero mukhang walang mapapala, kaya mas mabuting mawala ka na lang ng tuluyan, saka ko kukunin ang lahat ng sayo." Tumawa pa si Kathleen ng pagkalakaslakas animong nasisiraan na ng bait.

Umiigting ang panga nakatingin lang si Vaughn sa baliw na atang babae pilit niyang ginagalaw ang kamay para makatakas.

"Alam mo bang nagpa-opera ako ng mukha at nagpa-iba ng boses para mapalapit sayo pero puro ka asawa asawa asawa! Nakaka-rindi baka magulat ka kung sinong nagplano nito?!" Napakunot naman ang nuo ni Vaughn sa tinuran nito.

Saktong bumukas ang pinto na siyang nakapagpatulala kay Vaughn. Dalawa ang pumasok pero mas nanatili ang kaniyang tingin sa babae.

"Wag mong takutin ang bisita natin Celine!" ani Phytos habang nakahawak sa beywang ni Yvette.

Napatingin si Vaughn kay Kathleen, umigting ang kaniyang panga.  "Ikaw si Celine?" tanong niya bago bumaling ulit kay Yvette, bumaba ang tingin niya sa kamay ni Phytos na nasa beywang ng asawa!

Shit! Hindi nga niya nananaginip.

Seryoso lang ang mukha na nakatingin sa kaniya animong wala man lang itong pakielam.

"Y-Yvette?" hindi makapaniwalang usal ni Vaughn, naninigurado.

Bumitaw si Phytos kay Yvette at lumapit sa isang mesang may baril at kinasa ito sabay tutok sa ulo ni Vaughn, huminga ng malalim si Vaughn, hindi siya takot mamatay mas takot pa siyang baka masaktan ng asawa kapag namatay siya.

Pinagkrus naman ni Yvette ang braso niya at umupo sa kama doon.

Nagulat si Vaughn ng ini-abot ni Phytos kay Yvette ang baril habang si Celine naman ay nakaupo lang sa gilid at nakangisi kay Vaughn animong tuwang-tuwa.

"Ikaw ang bumaril..." utos ni Phytos kay Yvette.

"Oo nga ng maka-ganti ka hindi ba't pinatay nitong lalaking ito ang pamilya mo?" dagdag ni Celine.

"What the fuck did you say? I didn't---" mabilis na napatigil si Vaughn sa sinasabi ng may tumamang bala sa tagiliran niya. "Ahhh!" sigaw niya at namilipit. Shit!

Napatingin siya kay Yvette na walang pag-aalinlangan siyang bumaril. Nakangisi na ito animong tuwang-tuwa sa nakikitang dugo umaagos sa tagiliran niya.

Talagang nilason na ng mga ito ang isip ng asawa.

"H-Honey " tawag ni Vaughn ngunit timalikod na si Yvette at inilapag ang baril.

"Hindi ka muna namin papatayin..." iyon ang madiin usal ni Yvette talaga namang parang tinutusok ang puso niya sa asawa.

Hindi na ito si Yvette, ang asawa pa ata niya ang papatay sa kaniya. Naikuyom niya ang kamay ng kumandong si Celine at hinalikan ang gilid ng labi niya.

Hindi niya inalis ang tingin sa nakatalikod na asawa, kinagat niya ang labi ni Celine para tumigil sa pag halik.

"Shit!" ani Celine habang hawak hawak ang labi, napalayo ito sa kaniya.

Dumura si Vaughn sa gilid nang malasahan ang kaunting dugo ni Celine dahil sa pagkagat niya.

Natawa naman si Phytos sa gilid na nanunuod, tinaliman niya ng tingin ang dating kaibigan. Nagulat sila ng may humahangos na tauhan na pumasok sa silid.

"Boss sinusugod po ang main headquarters natin! Nauubos na ang mga tauhan!" sigaw ng tauhan.

Agad napatayo si Phytos. "Damn! Sino ang mga putangina na 'yon?" gigil na sigaw nito.

Bumaling ito kay Celine at Yvette.

"Maiwan kayo rito, aayusin ko ang gusot sa hq," aniya at mabilis na lumapit kay Yvette at hinalikan ito sa buhok.

Parang umakyat sa mukha niya ang lahat ng dugo sa nakita. How dare he!

"Sasama ako," ani Yvette.

"Hindi na delikado, dito na lang kayo ni Celine babalik ako kaagad, mag iiwan ako ibang tauhan!" ani Phytos at sinukbit ang isang baril sa pantalon at umalis sa kwarto.

Naiwan silang tatlo.

Patuloy pa rin sa pag agos ang dugo ni Vaughn sa gawing tagiliran. Narinig niya ang pag-alis ng mga sasakyan s labas.

"Natalie ikaw na pagkain diyan!" utos ni Celine at binuksan ang tv at naupo sa isang sofa doon.

Napabuntong-hinga ang asawa at kinuha ang tray ng may pagkain.

Kinuha nito ang isang upuan at tinabi sa kaniya.

"Kain," malamig na usal ni Yvette at tinapat ang kutsara sa bibig ni Vaughn.

Hindi alam ni Vaughn kung matutuwa ba siya o maiiyak. Una dahil buhay ang asawa at sinusubuan pa siya pero heto't ang lamig ng pakikitungo sa kaniya.

Tiningnan ni Vaughn si Yvette habang sinusubuan siya. Maamo ang mukha nito at kitang-kita ang magandang mukha, medyo nagmatured na rin ang itsura nito sa nagdaang taon.

Lumaki ang dibdib at balakang.

Tumingin si Yvette kay Celine busy sa panunuod ng TV, tumingin ang asawa sa relos sa kamay animong may hinihintay lang saka ngumiti ng tipid sa kaniya.

Tumayo si Yvette at may idinukot sa bulsa nito bago marahan na lumapit kay Celine na nakatalikod sa kanila.

"Ouch! What the..." sigaw ni Celine habang hawak ang leeg.

Nanlaki ang mata ng babae na nilingon ang asawa niya, itinapon ni Yvette ang hawak na syringe sa gilid.

"Anong ginagawa mo?!" gigil na sigaw ni Celine.

Tatayo sana ito at susugod sa asawa ngunit paralisado na ang buong katawan nito, hindi na niya magalaw ang paa, imbes na makasugod at nabuwal ito.

Mabilis na lumapit si Yvette kay Vaughn at kinalagan ito sa pagkakatali.

"T-Traydor ka!" sigaw ni Celine akin na nagsisimula ng manigas ang labi.

"Wahh! Honeybabe masakit ba 'yong pagkabaril ko?" pag-aalalang usal ni Yvette habang sinisipat ang tagiliran niya.

Nang tuluyan maialis ni Vaughn ang labi ay kaagad niyang niyakap ang asawa saka hinalikan sa buhok.

"Good Job wife. Ang galing mo umarte. Don't worry I told you I will wear bullet proof vest," bulong ni Vaughn.

Hindi nila inalinta kung may isang babaeng masama na ang tingin sa kanila.

"Kyaaaaaaa~ talaga Vaughn? Nagpractice ako sa cr kanina. Hahaha!" Napangiti na lang si Vaughn sa tinuran ng asawa.

Gumana ang plano nila. Thank God!

~*~

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon