Chapter 17

103K 3.7K 341
                                    


Third Person's POV

Gulat na napa-tingin si Vaughn sa pintuan. Ang isang taong hindi niya inaakalang makakapunta doon.

"H-Honeybabe..." aniya at dahan-dahan lumapit kay Yvette na tulala nakamasid sa buong paligid.

"Paano ka naka-punta rito? Sino nagpapasok sayo? Saan ka sumakay?" sunod-sunod na wika niya sa asawa. Hindi niya akalain makaka-punta doon ang babae, ang headquarters ng organisasyon nila.

"Wah! Ang ganda rito. Wow! Vaughn bakit puro hello kitty kanino 'tong kwarto? Sayo? Sabi ko na e bakla ka!" ani Yvette habang nililibot ang paningin sa buong kwarto.

Naabutan niya kasi ang isang kwarto puro hello kitty ang design ng gamit. Nandoon si Cash na nagla-lagay ng wallpaper na hello kitty may mga katulong ito. Si Bill din ay nag-aayos ng mga stuff toys na puro hello kitty sa isang istante.

"May bakla bang pinapa-ungol ka? Tsk. And this is for you, this is my surprise for you, pero ako ata ang na-surpresa," ani Vaughn saka napa-buntong-hininga.

Gulat naman tumingin si Yvette sa kaniya.

Sinenyasan ni Vaughn ang mga tauhan na lumabas. Sabay-sabay itong lumabas ng naka-yuko.

Hinawakan ni Vaughn ang kamay ni Yvette at pinaupo sa kama.

"Grabe! Ang ganda nito Vaughn! Talaga pwede ako magpunta rito? Pwede ako mag selfie? Para sa akin talaga 'to? Walang halong biro?" sunod-sunod na tanong ni Yvette.

Napa-ngiti na lang si Vaughn dahil kitang-kita ang galak sa mukha nito. Gusto sana niyang saka na dalhin dito ang asawa pero mukhang sira na ang plano niya.

Inipit niya ang ilang buhok ng asawa sa likod ng tainga nito.

"Matatanggap mo pa kaya ako pag nalaman mo ang totoo?" bulong ni Vaughn.

"Ha?"

"Wala. Ang sabi ko buti naka-pasok ka hindi ka hinarang? Wala bang nanakit sayo sa labas?"

Mabilis na umiling si Yvette. "Wala pinakita ko 'yung singsing ko. Katulad ng sabi mo."

Napangiti si Vaughn sa asawa. "Very good. Good girl."

Then he kissed her with full of love.

      "DIYAN sasakay Vaughn?" ani Yvette pagka-labas nila, pauwi na sila mag-uumaga na rin.

Ang tinutukoy niya ay ang single na motor na gamit ni Vaughn.

"Yup. Ito ang dala ko. Don't worry handa naman akong saluhin ka pag mahuhulog ka," biro ni Vaughn at kinindatan pa si Yvette.

Napanguso siya para itago ang kilig.

"Sakay ka na para makapagpahinga na tayo sa bahay." Umangkas na si Yvette sa likod ni Vaughn.

Humawak siya sa balikat ng lalaki.

"Kapit ka honeybabe," wika ni Vaughn at kinuha ang dalawang kamay ni Yvette at niyakap sa beywang.

Tumango naman ang mga tauhan bago sila makalabas. Matagal ang biyahe at liblib na lugar dahil tago ang headquarters nila puro puno ang dina-daanan.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon