Chapter 10

122K 5K 829
                                    


Yvette's POV

NGAYON ay araw ng graduation ko. Sa wakas grabe ilan taon sumakit ulo ko sa mga sinasabi ng mga prof. ko buti at pumasa pa ako.

Magaling naman ako sa mga Exams sabi ng teacher ko ay mahina lang daw ako sa recitation kase kung ano ano daw sinasabe ko. Pffft dapat sisihin nila sarili nila kung ano ano din naman kase tinatanong nila.

"Anak Congrats! Sa wakas makaka graduate ka na rin!" si Nanay talaga kanina ay umiiyak pa siya. Sakanila ako natulog kagabi inihatid ako duon ni Vaughn dahil may pupuntahan daw siya ngayon.

Nalulungkot ako dahil hindi man lang siya makakapunta pero siyempre malay ko ba kung may taping sila ng pelikula.

"Thank you po Nanay at Tatay! Salamat po sa bente singkong baon araw araw," aniko at niyakap sila. Nandito na kami ngayon sa gymnasium.

"Anak nasan ba ang asawa mo?" Napatingin naman ako kay tatay at napanguso na lang dahil wala naman si Vaughn.

Hindi ko talaga siya babatiin kapag nakita ko siya. Hmp!

"Anak pumunta ka na sa upuan mo at magsi-simula na ata," ani Nanay habang hinihimas ang buhok ko.

Tumango lang ako at pumunta na sa aking upuan, iba kasi ang upuan ng mga gagraduate at parents.

Pagka-upo ko ay napatingin ako sa katabi kong abot tainga ang ngiti.

"Bessy! OMG! Ang tagal kitang hindi nakita. Muntik na akong maghimagsik sa harap ng bahay niyo!" ani Anton at bumeso beso pa sa akin. Bahagya akong napangiwi sa amoy ng kaniyang pabango. Amoy sampaguita.

Ang sabi ni Anton ay pusong babae raw siya, isa raw siyang serena na wala nga lang buntot.

Malakas na bumuntong hininga ako. "Hindi na kasi ako pinapasok ni Vaughn," usal ko at kumapit sa braso niya.

Si Anton ay isa sa mga kaibigan ko rito sa school. Mabait siya at malapit lang ang bahay nila samin sa sobrang lapit ay pati hilik niya ay naririnig sa kwarto ko.

"Sino si Vaughn?" takang tanong niya. Oo nga pala, hindi pa ako nakakapag kwento sa kaniya.

"Artista 'yon hindi mo kilala? Sa tingin ko ay action star siya kasi nakita ko siya dati nagta-taping sila ng barilan," paliwanag ko kumunot naman ang kaniyang nuo.

"Vaughn? Bagong artista ba 'yan? Bakit naman ayaw ka niyang papasukin sa school?" usisa niya.

"Sa bahay niya kasei ako nakatira ngayon." Nagulat naman ako ng tapikin niya ang balikat ko.

"Okay lang 'yan. Madami naman nag tahtrabaho ng bata ang edad mabuti nga't naging maid ka sa bahay nila marangal na trabaho iyon saka buti at hindi ka nakakasira doon ng gamit." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya,  maid ba ako kila Vaughn pero hindi naman nila ako pinapagawa doon? Kahit nga pagkuha ng damit ko ay pinapa-utos pa ni Vaughn kahit paglagay ng tubig sa baso ko.

"Hindi naman ako maid doon."

"What? Edi PA ka niya? Sabi mo artista siya."

"Ano ba 'yong PA?"

"PA? Gosh, hindi mo ba alam 'yon? Personal Assisstant, ganern!" aniya at hinawi pa niya ang imaginary long hair niya.

"Sabi ni Vaughn ay asawa niya ako," aniko at pinakita ko sa kaniya ang kamay ko na may singsing.

"OMG! For Really? Ang ganda ng singsing mo!" manghang usal niya. Nanlaki pa ang kaniyang mata.

"Oo nga pero hindi naman sa akin 'yan. Kaya nga siguro hindi ako pinapalabas sa bahay ni Vaughn dahil baka hulihin ako ng pulis," paliwanag ko.

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon