Chapter 26

94.2K 3.3K 311
                                    


Third Person's POV

"Why are you here?" madiin ngunit malamig na usal ni Vaughn sa babaeng nakatayo sa harap niya.

Hindi niya ito binalingan ng tingin man lang.

"Vaughn sabi ng sekretari mo hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita ng pagkain." Napa-angat ang ulo ni Vaughn kay Kathleen mula sa pag kakakatutok niya sa mga papeles sa itaas ng kaniyang lamesa.

He remember his wife.

"I'm not hungry," aniya at binalik ulit ang pansin sa mga pinipirmahan.

Lumapit naman ang dalaga sa kaniya, suot nito ang dress na halos makita na ang utong at singit. Napa-iling sa isip si Vaughn, hindi naman 'to ganito noon.

"Sige na Vaughn sandali lang naman ito eh," malambing na wika ng babae.

Napabuntong hininga na lang si Vaughn saka sumandal sa swivel chair niya. "Fine."

Masayang inayos ni Kathleen ang mga pagkain sa isang mesa sa office niya palihim niya itong pinagmasdan. Pinaglagyan siya nito ng menudo sa pinggan niya.

Tinusok niya ang isang karne upang tikman. Bahaygang lumapit si Kathleen sa kaniya para mas makita ang kaniyang reaksyon. Napa-angat ang sulok ng labi ni Vaughn ng malasahan ang niluto nito.

Natuwa naman si Kathleen nang makita na mukhang natuwa si Vaughn. First time lang nito ngumiti kahit maliit lang. Finally! Mukhang nakukuha na niya ang loob nito.

"It's delicious," komento ni Vaughn.

'And my wife never cook delicious food, I'm definitely sure you're not my wife.' Gusto sanang isunod iyon ni Vaughn pero hindi na niya ginawa.

"Talaga? Buti nagustuhan mo!" masayang pahayag naman ni Kathleen.

Kaunti lang ang kinain ni Vaughn at bumalik na siya sa ginagawa niya. Madami rin siyang iniisip sa ngayon wala siyang plano makipaglaro sa brat na ka-boses ng asawa niya. Kung sino man 'to.

"Vaughn bawal ka ba talaga magdinner? Saglit lang naman tayo." Napataas na ang kilay ni Vaughn kanina pa itong babae na ito sa office niya at ayaw umalis.

"Kathleen wala akong oras," ani Vaughn.

Mukhang sumabog na ang inis ng babae, bigla itong nagpapadyak kaya napa-taas ang kilay niya. Balak atang butasin ng babae ang sahig ng office niya.

"Bakit dahil don sa Yvette? Sa asawa mo?! Matagal ng patay ang asawa mo Vaughn!" sigaw ni Kathleen dahilan para magpantig ang tainga ni Vaughn.

Mabilis siyang tumayo at lumapit kay Kathleen at sinakal ito at diniin sa pader.

"Timping-timpi ako sayo pero huwag na huwag mong babangitin ang pangalan ng asawa ko baka hindi ko mapigilan tanggalin ko ng dila mo!" madilim na usal ni Vaughn sa mismong mukha ng kinakabahang si Kathleen.

Laging galit ang itsura ni Vaughn pero ibang-iba ito ngayon. Para itong isang mabangis na hayop na inagawan ng pagkain.

             GABI NA ng papauwi si Vaughn ng may maramdaman niyang may sumusunod sa kaniyang kotse. Napangisi siya, matagal-tagal na simula ng medyo nagkaruon ng aksyon ang buhay niya.

Binilisan niya ang pagpapatakbo at tiningnan niya mula sa salamin ang kulay puting kotse na bumilis din ang takbo.

Imbis na headquarters tumuloy ay nagpaikot-ikot siya ng daan upang hindi siya masundan nito. Alam niyang isa ito sa mga kaaway niya. Nang mapansin niyang hindi na ito nakasunod ay tinahak na niya ang daan papunta sa mansion.

Duon na ulit siya umuuwi. Walang mga katulong doon dahil linggo-linggo na lang niya ito pinapagawa doon. Magpupunta lang ang mga ito kapag maglalaba at lilinisan ang buong bahay.

Madalas bumisita ang kaniyang ina pero ganon pa rin, hindi pa rin niya maatim na makausap ito.

Kadalasan ay sa labas na siya kumakain. Tahimik ang buong lugar ng dumating siya. Wala naman makakapasok dito dahil seguryiado ang buong village at ang bahay niya ay puro password bago makapasok.

Dere-deretsyong pumasok si Vaughn sa master bedroom, ang kwarto nila mag-asawa.

Dumeretsyo siya sa banyo para maligo bago matulog.

Paglabas niya ng kwarto ay natigilan siya pero sa huli'y napangiti nang makita si Yvette na nakaupo sa gilid ng kama at nagmamasid sa buong kwarto.

Hindi siya lasing pero nag-i-imagine na naman siya. Sanay na siya na lagi nakikita nag asawa dahil siguro sa pagka-miss niya rito kung ano-ano na ang na-iimagine niya.

"Hi honey," bati ni Vaughn dito at nakangiting lumapit siya sa asawang alam naman niyang imagination niya lang pero sinusulit na niya.

Kung may makakakita sa kaniya ngayon ay siguradong sasabihin baliw na siya.

Nagulat siya nang ngumiti ito at sumagot.

"Hello honeybabe."

Napanganga si Vaughn, kaagad tumaas ang balahibo niya doon, first time sumagot ng imagination niya.

Naka-ngiti lang ang asawa sa kaniya animong tuwang-tuwa sa reaksyon niya.

"Holyshit! tama ata sila Bill kailangan ko ng magpatingin sa doctor!" kausap ni Vaughn sa sarili at napatampal sa ulo.

Napailing siya saka pumasok sa banyo para maghilamos.

'Shit nababaliw na ako!'

Lumabas siya ng banyo at huminga ng malalim wala na doon ang asawa. Ibig sabihin imagination lang talaga. Malamang, imposible naman biglang bumangon ang misis niya.

Nanlulumong nahiga na siya sa kama at pumikit. I miss you so much hon.

"Tsk tsk tsk!" Napadilat siya may magsalita sa gilid. Naging alerto ang kaniyang kilos.

Nakita niya ulit ang asawa na kakalabas lang ng walk-in closet, napakurap-kurap si Vaughn dahil doon.

"Tititigan mo lang ba ako honey? Wala ba akong hug?"

~*~

Sweet EvilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon