Una sa lahat hindi ko alam kung codename ba yang *smiles* na iyan o pauso lang niya. Basta yan na yan. Hahaha.
Nagkaroon ako ng instant kapatid dahil sa Mailbox! Take note, nagmakaawa pa siyang maging kapatid ko. HAHAHAHA! SI Basha gumagawa gawa ng storya! Barilin na yan!
So ito na nga ang kanyang one sho- sulat. Sulat pala.
Dear Ate Basha *kaway kaway*,
magandang araw po sa iyo. *90 degree bow*
hindi ko alam kung paano ko sisimulan. *nalilito* nahihiya ako. *tago sa ilalim ng kama* wait~ okay na ba ang ayos ko? okay na ba itong damit ko? ehem. seryoso na. hindi na po ako magpapaligoy ligoy baka masipa niyo na po ako pabalik sa pinangalingan ko *peace*
ate ganito po kasi iyon nagugulumihanan ako sa napakaraming bagay kaya kulang na lang pati ang puso ko gamitin ko na sa pag-iisip. *kamot ulo*
mag-aapat na taon na po ang nakakaraan ng makilala ko si poke (lagi po kasi niya akong pino-poke sa facebook kaya siya si poke *sweat drops*) mabait po siya kahit noong una akala ko suplado ang taray po kasi ng mga mata at ang kilay mas naka-arko pa kaysa sa akin. nagkatabi kaming dalawa at kinausap niya naman agad ako kaya muntik ng bumaha ng laway ko dahil hindi ko po inaasahan na kakausapin niya ako kasi nagniningning siya tapos ako isa lamang simpleng mangga na nagmula sa probinsiya. naging magkaibigan kami ng araw ding iyon. ate ang nangyari po sa amin ay love at first sight... umm... pero sa parte ko lang *sweat drops*. ate alam mo iyon nakakita ako ng sparks sa kanya *blush*.
alam na ate. i like him... no... i love him! agad-agad no? excited! hinahabol lang po ako ng kabayo kaya ang bilis ng nangyari. lumipas po ang mga araw, buwan mas lalo po kaming nagkalapit na dalawa. pakiramdam ko po ng mga panahong iyon pati ang tadhana boto na sa aming dalawa. *kinikilig habang inaalala ang mga nangyari na parang kahapon lang*
masaya po kami sa bawat araw na lumipas kaya lalo po akong nahuhulog sa kanya kung una ang pangarap ko lang maging boyfriend siya pero lumaki iyon dahil nagsimula na po akong mangarap na siya ang magiging asawa ko *blush*
wala ng hahadlang sa aming dalawa sa paglipas ng mga taon lalo kaming napalapit. maraming nagsasabi bagay na daw po kami ayy! kaya lang po nakilala ko si other man...
iyon ate nakilala ko si other man. nalipat po kasi ako ng section kaya nahiwalay po ako kay poke pero nangako naman po kami na gagawin pa rin namin ang mga dati naming ginagawa. sabay na magre-recess, maglu-lunch. hindi mawawala ang friendship namin dahil lang nagkaiba kami ng section.
kaya lang dahil magkaiba kami ng section siyempre naghanap din ako ng bagong kakilala at iyon ay si other man. naging magkaibigan kami dahil din po sa magkababayan kami, pareho kaming mangga na nagmula lamang sa iisang probinsiya. nalaman po namin ito sa introduction doon sa harap ng klase nagpakilala po kasi ang lahat. nagkataon pa na magkatabi kami noon kaya unang araw ng klase may nakilala po akong bagong kaibigan.
pinakilala ko naman po si poke kay other guy at magkasundo naman silang dalawa. pero dahil magkaiba kami ng section ni poke si other guy ang lagi ko ng kasama. ng mga panahon na iyon nagsimula na po akong iwasan ni poke. noong una po akala ko lang dahil iyon nagatatampo siya dahil si other guy ang lagi ko pong kasama.
ate inaamin ko po naging assumerang frog ako dahil iniisip ko na nagseselos sa amin si poke kaya ganoon. iyon po kasi ang nababasa ko sa istorya dito sa wattpad. kaya po inisip ko na ang bestfriend ko kahit hindi po niya inaamin ako ang tinitibok ng puso niya kaya mas lalo ko pong nilapit ang sarili ko kay other guy para makita si poke na nagseselos. ang landi ko po no? *takip ng unan sa mukha*
foundation day. ate inaya ako ni poke sa loob ng classroom. walang laman dahil lahat nagsasaya sa mga booths. doon inaasahan ko na po na sasabihin niya na: "mangga? hindi mo ba napapagtanto? mahal kita!" kaya syempre kinilig po ako ng bongga dahil para sa akin po kasi magtatapat na sa akin si poke...
noong una wala pong nagsasalita sa amin dahil kumyari po dalagang pilipina kahit po ang totoo kinikilig na po ng todo ang buchi ko *sweat drops*
isang oras din po yata kaming tumunganga. walang nagsasalita sa amin dahil ang tanging naririnig ko lang ang lakas ng tibok ng puso ko akala ko po mapapanis na ang laway ko. ng mga oras na iyon ate gusto ko ng hatakin ang kwelyo niya at i-kiss siya sa lips dahil po ang torpe eh! nilamok na po kami. inamag na po kami. pero siyempre dahil feeling si maria clara po ako tiniis ko na lang kahit kulang na lang po talaga lumutin na kaming dalawa.
123456789 after years sinimulan na ni poke ang usapan sinimulan niya ito sa pagtatanong tungkol kay other guy. tinanong niya kung kami na ba ni other guy. kung gusto ko si other guy. kung nililigawan ba ako ni other guy. sinagot ko naman po ng hindi ang lahat ng iyon.
(ate hingang malalim dahil ako po muntik na akong mahimatay sa susunod na eksena. akala ko po tataasan ako ng presyon...)
inaasahan ko po na matutuwa siya dahil wala pong hadlang kung liligawan niya ako pero ate nagkamali ako. nagkamali ako dahil masyado po akong umasa kaya hindi ko na po napag-iba ang totoong buhay sa kwentong nababasa ko. umasa ako sa happy ending. umasa lalo ako na mahal niya ako ng higit pa sa kaibigan...
tandang tanda ko pa po ang lahat ng sinabi niya sa akin kung paano po umaliwalas ang mukha niya kung paano niya po ako binigyan ng ngiti niya na laging nagpapalundag sa puso ko.
"mangga, ikaw ang bestfriend ko hindi ba? kung hindi mo naman pala kayo. kung hindi naman siya gusto... mangga baka pwedeng ipaubaya mo na lang siya sa akin. mahal ko siya mangga... ngayong sinabi ko na sa'yo ito alam ko na ang naiisip mo. oo, mangga. bakla ako..."
ate! literal po na lumaki ang mga mata ko! akala ko po noong mga panahong umiiwas siya. nagseselos siya... oh wait... nagseselos siya sa akin dahil gusto niya ang lalaking ginagamit ko para maisip ko na nagseselos siya. *face palm*
hindi ko po nagawang sabihin sa kanya ang totoong damdamin ko. kaya ang ginawa ko na lang po kahit masakit tinanggap ko na lang po dahil pagbaligbaligtarin man ang mundo siya pa rin ang bestfriend ko. kaya iyon po ate ang nangyari pumayag ako na tulungan po siya na maging tulay sa kanila ni other guy.
hindi po naging madali ang pagtulong ko kay poke dahil noong una ayaw talaga ni other guy halos isumpa niya po ako sa pagtulak sa tambalan nila ni poke pero ano pong magagawa ko? nasasaktan po ako kapag nakikita kong nalulungkot ang lalaking mahal ko kaya ng maging silang dalawa... oo ate... 123456789 years ang lumipas naging sila siguro dahil napahanga din si other guy ni poke matiyaga din po kasi poke hindi lang po ako ang inaasahan niya gumagawa rin po siya ng paraan sa sarili niya. hanggang ngayon going strong silang dalawa at ako heto nakatunganga. pero masaya po ako sa kanila kahit na hindi naging kami ng lalaking mahal ko. masaya naman po ako kahit paano dahil masaya na siya kahit sa piling pa ng iba.
sa ngayon ate natatakot po ako sa tuwing titingin ako sa mga lalaki naalala ko na baka iyon nga po maulit na naman. natatakot ako ate na magmahal ulit. alam ko naman pong kasalanan ko dahil sobra po akong umasa. hay! ang hirap po palang maging assuming. ang sakit.
ate. maraming maraming salamat po at pinakinggan... umm... binasa pala ang istorya ko kahit na po ang haba niya. *90 degree bow*
lubos po akong gumagalang *smiles*
( *o* )/
* * *
Ah, ate? Excuse me. Naliligaw po kayo.. Hindi po ito one shot writing contest. HAHAHAHAHA!
Anyway, tutal wala ka namang tanong tatawa na lang ako. Kanina pa kasi ako natatawa sa letter mo. Yang mga mangga na yan ang lakas ng impact sa akin. Gagayahin kita, ehem.. "Ako nga pala ang lanzones sa aming probinsiya." HAHAHAHAHAHAHAAHAHHA! Wag kayong ano! Uso ang matawa sa sariling joke! LOL! Wala na akong maipapayo kasi wala naman siyang tanong. Tawa na lang tayo. Yung bet na bet na boylet ni ateng charingkunching paler. Omaygas! Tumambling akechewa sa dulo ng walng hanggan ng lettersung niyer. Jukala ko namer go na, iyon pala juding. Jusko day, nalagasan na naman ako ng kilay. Hahahaha!
Next letter na!
BINABASA MO ANG
Mailbox
RandomHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)