I got tagged by two chicken poxes. HAHAHAHA! Joke! Ito na, dinamay din ako ni bads at ni GeeEmHeart tapos humabol pa si alojen09 at FayekoryenMareh. Ang totoo, ano problema niyo sakin? Hahaha!
20 Facts About Me.
1. So panganay ako sa apat na magkakapatid na babae. Walang kuya, nasaan ang hustisya?! Tsk! Ganoon talaga, hindi makaproduce ng Y chromosome si pudra. Wait, bigla akong nandiri sa mga pinagtatype ko. Hahaha!
2. Nung bata ako hate na hate ko talaga ang name ko. Sinong nanay ang magpapangalan sa anak niya ng 'Knikon'? Tinanong ko nga si mama kung bakit hindi na lang Jinky Rose ipinangalan sakin eh. Gandang ganda talaga ako dati sa pangalang iyan, nabasa ko lang yan sa karatula ng jeep. Seryoso!
3. Mahilig ako sa unan. Kung makikita niyo kama ko, makikita niyong meron akong limang malalaking unan, isang bolster at isa pang Minnie Mouse head pillow. Hindi kasi ako nakakatulog ng walang yakap-yakap na unan.
4. Naka-medyas akong natutulog. Hahaha! Nakasanayan ko ng naka-medyas kahit gaano pa kainit.
5. Bata palang ako hilig ko na ang kumanta at pangarap ko talagang maging singer. In fact, sumali ako sa singing contest nung elementary ako. Biglang nag-worry agad si mama nung sinabi ko sa kanya na sumali ako. Ang sabi niya, "Anak, mag-study ka na lang." Nung una hindi ko naintindihan. Nagets ko na nung contest na dahil pinagtawanan ako ng mga schoolmates at teachers ko. Saling pusa daw ako. HAHAHAHA!
6. Mahilig ako sa mga bata, in fact kahit ngayon mahilig pa rin akong makipaglaro sa kanila. Di nila alam ako yung witch sa Hansel and Gretel.
7. Laging may bite marks ang straw ng drinks ko. Haha! Yeah, mannerism ko iyon.
8. Nalulungkot ako without specific reason kapag nagigising ako between 5-6 PM, at may pagkakataong umiiyak pa ng walang dahilan kapag madilim. Maysa baliw talaga. Hahaha!
9. Ito ha, totoo 'to. Awkward akong tao sa mga social gatherings. Kung gaano ako kakulit dito, ganoon ako ka-awkward in person. Waah! Pero kalog ako sa mga close friends ko.
10. Mahilig akong mag-impersonate. Iyang si Anne Curtis, Janina San Miguel, Kathrine Pierce, si Basha, etc mga nagaya ko na iyan. Hahaha!
11. Kikay ako pero rock. Hahaha! Ako lang siguro ang goody goody girl na kung umupo parang lalake, yung tipong feet apart umupo saka de kwatro. Tapos mahilig ako sa alternative rock songs. I don't know, siguro lalake ako sa past life. Haha!
12. Ako yung tipo na hindi nagpapaapi. I know my right as a person, customer and as a woman. I'm not afraid to speak up and stand for myself. Prangka kaya ako pero if I like you, pauulanan kita ng compliment. :)
13. Meron akong binully na may crush sa crush ko noon. Hahaha! Binilad ko siya sa araw tapos binigyan ko ng punishments. Majorette kasi ako noon tapos siya minorette lang, so ayun nag-power tripping ako. Pero uy ha, nagbago na ako. Hahaha!
14. Meron akong anim na nunal. (Pati ba naman 'to? Hahaha)
15. Umiyak ako nung pinag-solve ako ng Math problem ng teacher ko. Paano kasi, wala akong maisagot kaya umiyak na lang ako. Hahaha!
16. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha-kuha 'to, :\ or :/. Ano ba talaga? Natagalan nga akong i-figure out ang lesser than (<) sa greater than (>) iyan pa kaya? Haha!
17. Ang dahilan kung bakit kami nag-break ng first love ko ay.... na-turn off ako sa gupit niya. HAHAHAHA!
18. Kaya kong i-beatbox ang Drop It Like It's Hot.
19. Nakagat na ako ng aso. Pagkatapos niya akong pagsawaan, tumayo ako sa buhangin at naglakad na parang walang nangyari. Pero wag ka, pagdating ko ng bahay ngumawa agad ako. HAHAHAHA!
20. Hindi pantay ang kilay ko. Hahaha!
______________
1. Once tagged, you are to write 20 facts about you.
2. Dedicate it to the person who tagged you
3. Invite others to play by tagging them
Ang hindi daw magtag tutubuan ng tuhod sa mukha. HAHAHAHA! Dinagdagan ang mechanics. Lol!
BINABASA MO ANG
Mailbox
RandomHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)