MsAnonymous

143 9 2
                                    

Maganda po tayo sa gabi! Hihihihi! Alam niyo ba mga boxers may ishe-share akong beauty tips, pero saka na kapag may magtanong. Hahaha! Anyway, paano ba ibalik ang dati? I mean, ang dating profile. Ano ba iniisip niyo? Hahaha! Yun na nga, paano ba? Nahihirapan ako sa new profile ngayon. Ang gulo gulo gulo, pramis! Kung may paraan kayo ha, share niyo sakin. :D

Saka meron din akong i-sheshare sa inyo. Alam niyo, in love ako ngayon. <3 Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, yung siksik liglig at umaapaw na pagmamahal. Hahaha! I was once lost and now I'm found again by the same man who loved me at my worst. His name is Jesus. :)) Inactive ako, yes, sa una kasi nag-focus ako sa work hanggang sa unti-unti nagkakaroon na ako ng personal relationship sa Kanya.

I started going to CCF Center again at iyon nga, ginamit iyon na way ni Jesus na magkabalikan kami. Ngayon, wala na akong nararamdamang baggage, Sobra sobra akong masaya. Masaya naman ako dati dito. Kung saan saan ko hinanap ang happiness, sa internet, sa Wattpad, sa TV, sa movies, kay *toot* pero panandalian lang ang happiness na naibigay ng mga iyon. Walang naka-satisfy sakin kundi si Jesus lang. Isa akong katoliko, pero sa Christian ako nagsisimba dahil dun ko nahanap si Lord. Wala namang masama dun, nasa sayo yan kung saan mo siya mahahanap. Ngayon, masasabi kong masayang masaya ako. I am in love with Him and I am not ashamed of it.

Dear Basha,

Ako ay nagsusulat para mailabas ang aking hinanakit. Hindi ko ito kasanayan at ang aking mga kaibigan ay nagsasabi na itigil ko na. Huwag ko na daw ituloy. Pero hindi ko mapigilan ang ginugusto ng aking puso.

I fell in love with a wattpad author. Matagal ko na rin siya naging kaibigan. Well, matagal na siya para sa isang online na friendship. And ako yung tipo ng babae na hindi gaanong lapitin ng lalaki, so all of my guy friends are dear to me.

Pero siya, ewan ko kung bakit ako nahulog sa kanya. Umamin na din naman ako. And I guess, I got rejected? Haha Hindi naman ako lumayo sa kanya. Hindi din naman kasi ako nageexpect ng anything. Pero lately, sinasabihan na ako ng aking mga kaibigan na itigil ko na tong paghanga sa kanya. Dahil hindi na ito simpleng crush, mahal ko na siya. At ang sakit sakit na kasi alam ko na kahit anong gawin ko, he’ll never see me in that way, he’ll never love me in that way.

He just… gives all these craziest signs. Nakakairita na minsan. Yung feeling na ang sarap iyang sapakin minsan.

Hindi ko rin naman siyang kayang iwan. May pinagdadaanan pa siya. May mga problema pa siya. Pero kasi…

Alam mo yung sobrang nagpapakabobo ako sa kanya. Alam mo yung I gave him almost everything. Alam ko na may iba pang nagkakagusto sa kanya at kanyang (medyo) nilalandi pero hindi pa rin ako gumi-give up. Mahal ko siya, at sobrang sakit na.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Help? And probably tips on moving on?

-MsAnonymous

* * *

Haaaay pag-ibig nga naman. Hashtag Peg-ebeg

(Hacker: Promote promote din. Hahaha!)

Sshh.. Wag kang magulo baka malaman nilang may bago akong book, Hashtag Peg-ebeg ang title at nasa external link lang. Naku, naku! 

Patalastas lang yan. Well, well, well, you love him and I assumed he only sees you as his friend. Let me scratch that, as "one of his friends". Tsk! Masakit 'no? Umamin ka na nga, akala mo makakaalis ka na sa friendzone pero hindi pala. So, ang balak mo mag-move on. Ibig sabihin, hindi mo siya papansinin, magpapanggap kang hindi mo siya nakikita sa news feed mo tapos ang ending ibloblock mo. Tama ba iyon?

I think, case to case basis iyan. Ang pagbloblock ay last option lang, if he hurts you and keeps on hurting you and he knows it, BLOCK NA. Pero kung wala naman siyang ginawa, why would you do it? Let me clear your mind, mahal mo ba talaga siya? Paano mo nasabing mahal mo siya? Paano kung makita mo siya ng personal at nalaman mong bungal pala siya? Bad breath pa. Tapos paano kung madumi pala kuko nun? Sa tingin mo magugustuhan mo pa rin siya?

Ang point ko, baka hindi iyan love. I-assess mo muna sarili mo kung kaya mo pa rin ba siyang tanggapin despite of the what ifs na binigay ko. Bago mo problemahin ang pag-momove on, isipin mo munang mabuti kung love ba talaga iyan o nadadala ka lang sa closeness niyo. Ganoon kasi minsan eh, minsan akala natin in love tayo sa kaibigan natin pero yun pala nadadala lang tayo sa closeness na meron tayo sa kanila. 

For moving on naman. Ay naku, walang formula iyan. Pero hope this list will help.

1. Wag kang makinig ng mga songs na related sa kanya at kahit na anong sad songs. Listen to upbeat music .

2. Huwag mong isipin ang mga good memories and good things about him. Isipin mo ang mga nakaka-turn off.

3. Go out with friends or manood ka ng mga action and comedy movies.

4. Mag-venture ka ng ibang hobby. Mag-aral kang gumawa ng rastacrat. HAHAHA! Joke!

5. Ito talaga ang pinaka-importante. Mababalewala ang pag-momove on mo pag wala ito. PRAY WITH ALL YOUR HEART. Makipag-usap ka lang kay Lord. Treat Him as your bestfriend. Let Him take over your life. Madalas kasi kaya tayo naliligaw, kasi we always trust our own ways and forgot if it is really what He wants for us. Alam mo, minsan si God ang may gawa niyan e. Iyan emptiness na nafefeel natin, Siya iyan because He wants us to need HIm, to call for Him. Trust Him with all your mind, with all your Heart.

Napahaba ang advice ko. Hehehe! Wala, I'm in love kasi. <3

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon