AThingToBelieve

59 7 4
                                    

Sinong na-miss niyong lahat? HAHAHAHA!

HACKER: Seen at 3:59 PM

Walangyang hacker pinapahiya ako. Bahala, basta magsasalita ako. Alam ko naman na namiss niyo ang malulupit na advice at punchlines ko. Hehehehe! Shoutout sa mga nadukutan ngayon. Ay naku, nakakainis nga naman. Pamasahe na nga lang ang pera mo, nadukot pa. Well, ganoon talaga, talamak na ang masasamang loob ngayon. Mag-pray ka na lang kay Lord na siya na ang bahala sayo. Di ba nga may promise siya sa atin? "I will never leave you, nor forsake you." Pang-hawakan mo ang promise na iyan at manalig ka diyan.

Hello Ate Basha!

Haist. Di ko alam kung pano sisimulan pero sige heto na.. Drumroll muna! xD Jk. :3 Eh eto kasi Ate Basha, Meron akong crush (Ou nga, di mo nga tinatanong) Bata siya sakin ng 1 year. 3rd year na po siya, so ibig sabihin 4th year na po ako (di mo po tinatanong pero cge push ko toh!) Itago na lang po natin sa pangalang CK. Eh kase po, nalaman niya na crush ko siya sinabi kase sa knya ng classmate niyang may gusto sakin.

Eh? Pansin ko po kase iniiwasan niya ako ng tingin. xD Eh kase everytime na nakikita ko siya, nahuhuli kung tumatago. Yung parang biglang iwas ng tingin xD Natatawa nga ako e. Mga 2 to 3wks yata ate. May nalaman ako. Crush na din daw ako ng crush ko, tsaka pansin ko din. Lage na niya ako inaasar! Dora nga daw ako e. Kahit di naman, Katulad yung haba ng kay Kathryn B yung hair ko. (HAHAHA! Kelangan magmention? xD) Tapos, yun halos di na ako gumagawa ng paraan para makita siya sa school, kase sabi ng classmate ko dapat ipakita ko daw na parang wala lang yung crush crush sakin. Hahaha! Ayun ginawa ko naman. Palihim na din akong tumitingin sa kanya. Nahuhuli ko siyang nakatingin sakin e. xD Pero meron akong friend na may gusto sa kanya ayun nagalit pero nagkaayos din nman kami. Mabait ako e. Yung gusto ko lng, kung paano ako makipag-close ky CK ? Lagi niya din tinatawag name ko di ko lng pinapansin kase nga, di din nman niya ako kakausapin. Pano po ate Basha?

***

Natatawa ako. Natural na natural talaga sa ating mga babae ang pagiging assumera. Aminin niyo na mga teh, pinanganak talaga tayong ganyan. Sabi ko nga dati, di porke nakatingin sa atin ang lalake eh may gusto na sa atin. Malay mo naman kung may dumi ka lang sa mukha at nag-iisip siya kung bakit ka may dumi. Oh di kaya, nakatingin siya sayo kasi may iniisip siya. Dalawang bagay lang yan, pag ang lalake nakatingin sayo pwede nagagandahan sayo o di kaya nilalait ka na sa isip nila. Sus, mas laitero ang mga lalake noh. At hindi rin porke nakatingin sa cleavage mo ang lalake eh pinagnanasaan ka na, malay mo nadidistract lang siya sa pimples mo na ewan ko ba kung bakit sa dibdib pa tumubo! HAHAHAHAHA!

Kung ako sayo, bilang feeling mo crush ka niya at crush mo din siya, MANAHIMIK KA. Mag-aral ka ng mabuti, yun ang pagtuonan mo ng pansin, kasi alam mo kapag may gusto talaga sayo ang lalake gagawa't gagawa iyan ng paraan para makausap ka. Huwag ikaw ang gumawa first move, well hindi naman masama kasi mas preferred ng lalake ang ganoon, pero remember hindi lahat ng lalake ganun. Be still ka lang diyan, study lang lalo na pag mag-excell ka sa class niyo ewan ko na lang kung hindi ka pa niya kausapin. :)

Advance Merry Christmas! :))

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon