Hello there! Ang ganda ko. HAHAHAHA! Wala namang connect, gusto ko lang iyan sabihin baka nakalimutan niyo.
HACKER: INGAY, INGAY NG BABAENG IYAN!
Sorry po.. ^_^ Under na ako ni hacker, susko di na ako magtataka pag siya na ang sumagot sa mga sulat niyo. Hehehe. Anyway, kumusta naman kayo? Nagustuhan niyo ba ang bagong profile? Ako hindi. Sa una, oo kasi bago sa paningin ko pero later on parang di ko na type. Ang gulo gulo kasi, kaso napalitan ko na ang profile ko. Huhuhu. Yang pagpapalit ng profile na iyan parang love and pain iyan e, kahit gaano mo kagusto ibalik ang dati (profile) wala ka ng magagawa dahil hindi na pwede. All you have to do is to accept the changes and live with it. Sa una magulo, mahirap pero masasanay ka din. Besides, hindi naman iyan papalitan ng management kung maganda talaga di ba? Di ba?
HACKER: Nakatulog na sila, ang dami mo kasing alam. -_-
Ay! Nag-effort pa naman ako sa comparisons tapos.. tapos... gaaaah! Ayoko na. Bow!
Dear Ate Basha,
Uhm... ano ba? This is not a love problem or friendship problem and watsoever chubaekek.
Okay. So eto nga po gusto ko lang linawin kung bakit pag ang babae nagkakaboyfriend ibig sabihin lumalandi na? Pero bakit ang lalaki pag nagkakagirlfriend galak na galak ang magulang then sasabihin "nagbibinata ka na talaga anak" di ba ang unfair nila?
At eto pa. Kapag tatanungin mo sa magulang mo kung pwede nang makipagrelasyon ang sasabihin 'Bata ka pa' tapos kapag ayaw mo gumawa ng gawaing bahay ang sasabihin 'Ang tanda tanda mo na hindi ka man lang tumulong sa gawaing bahay' ang weird din nila minsan.
Pero eto talaga ang gusto kong linawin Ate Basha. Bakit po ang GANDA ko? Tapos kapag kasama ako ng mga kaibigan ko MAINIT ganun po ba talaga pag kasama ang HAWT?
P. S: I'm serious here. ☺
Your GORGEOUS sender,
RNLopiii
* * *
Alam mo sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan mga perens natin kung bakit ganyan sila. Sasabihing tayo ang magulo eh sila nga 'tong magulo. Para silang bagong profile ng Wattpad, ang gulo gulo. (Oh di ba, ang galing kong mag-pick up line? Hehehe)
Pero anu-ano pa man iyan, I'm sure walang magulang ang gustong mapahamak ang mga anak, lalo na't babae. Naalala ko si mama ko. Pinagtutulakan akong magka-boyfriend nung fourth year highschool ako, pero nung nagkaboyfriend naman ako binato ako ng tsinelas at nagalit. Eh? Di ba ang gulo gulo. Hay naku, intindihin na lang natin sila. Tutal naman inintindi din naman nila tayo nung hindi pa tayo nakakapagsalita di ba? Akalain mo iyon, umiyak lang tayo nung mga babies pa tayo pero nalalaman agad nila na gutom tayo? Isn't it amazing?
Sa last question mo naman, maganda ka kasi ginawa mo akong salamin. Iyan talaga palagi ang sinasagot ko kapag may nagtatanong kung maganda sila kaya wag ka ng maghanap pa ng ibang sagot. At yang init init na yan, ay jusko maligo ka. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Mailbox
RandomHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)