Dear Chaks,
Hi Chaks, kumusta ka na? Namiss mo ba ako? Hehehe. Joke! Wala lang, sumulat lang ako para may customer si Basha. Hihihi! Joke. Chaks, may ibubulong ako, "I wish you all the happiness in the world."
Uy totoo 'to ha, hindi na ako bitter. Ngayon ko lang kasi narealize na tapos na ang masasayang panahon na binigay mo sa akin at matagal mo na 'tong ibinaon sa limot. Ako lang naman ang tanga na hindi magising-gising sa katotohanan kasi sa panaginip ko nandun ka pa rin. Sa panaginip ko masaya pa rin tayo. At kaya siguro ako nasasaktan kasi hindi ko pa rin matanggap na masaya ka na habang ako naibaon kasama ng mga masasayang araw na yun. I cherished those memories because they are the only thing that you have left. Waaaah! Ang drama ko.
Sorry ngayon ko lang yan narealize na I have to let go of you totally and willingly. Nakakasawa na rin ang mag-rant ng mag-rant saka naaawa na rin ako sayo kasi kung mabibigyang buhay lang ang mga status ko siguro duguan ka na ngayon. Hehehe. Saka Chaks, nang dahil sa kagagahan ko sayo unti-unti ring nawawala ang respeto ko sa sarili ko. Hindi naman ako ganito eh. Nawala ang delikadesa ko. Lintek na delikadesa yan! Gusto kong mabawi ulit ang delikadesa na yan kaya heto ako sumulat para ipaalam sayo na hinding hindi na ako magiging bitter.
I AM SORRY. I know Iv'e hurt you too and I admit my mistake that's why I'm sorry. I'm also responsible for breaking our friendship. I am sorry for leading you on and for being heartless. Sa maniwala ka o sa hindi naluha ako nung pinindot ko ang 'block' sa profile mo. Masakit Chaks kasi hindi ko inasahan na aabot sa ganun. Parang kailan lang sobrang masaya tayo. Parang kailan lang Batman and Robin tayo, ngayon Elsa and Jack frost na. Hahaha! Bakit ba? Eh sa pareho tayong nanlalamig. Chos! Nasa ref kasi ako all this time. Lol!
Sa totoo lang I miss myself. I miss myself when I was talking to you. Yung mga tawanan, dramahan, kwentuhan hanggang magdamag at mga trip natin. Nakakamiss yung mga pinauso natin na nagtrending dito. Nakakamiss din ang panahon na nag-roroleplay tayo. Kunyari ikaw si Fido at ako naman si Fiona, ako si Deniece ikaw si Vhong na nabugbog, ako si Napoles at ikaw naman si Miriam. Hapet tawa ko noon. Tapos may DP hunting pa tayo. Ikaw talaga ang may pasimuno nun. Ayan, isa din yan sa mga bagay na namiss ko. Lagi tayong nagsisisihan kung sino ba talaga ang may kasalanan kung bakit sumasakit ang tiyan natin sa kakatawa hanggang sa sinabi mo na tayong dalawa na lang ang may kasalanan baka mag-away pa tayo dahil diyan. Ayaw mong nag-aaway tayo eh kaya nga ang word na 'salamat' banned sating dalawa. Naalala mo pa ba ang listahan natin tapos ang bestfriends' codes? Ako naalala ko pa. Tandang tanda ko pa ang first code. Hahaha. Actually habang sinusulat ko 'to naiiyak ako. Lintek kasi ayaw paawat ng luha ko. Hindi na talaga ako bitter, pero masakit kasing mag-let go Chaks lalo na kung naging masaya naman ako sayo noon.
Pero ganun talaga, change is the only permanent thing in the world and I have to accept that. Kahit na namimiss ko ang mga yun at nanghihinayang ako eh hindi rin pwedeng hindi ako mag-move on. Hindi ko rin pwedeng baunin ang lahat ng iyon kasi maaalala ko lang kung gaano ako naging masaya, kalungkot at kung gaano kasakit ang maiwan sa ere. Gustuhin ko din namang sabihin na you will always be that someone who can make me laugh without even trying ay hindi pwede. Paano ako magiging masayang masaya kung itatatak ko sa isip ko na ikaw lang ang makakapagpatawa sa akin ng hapet?
I also like to grab this oppurtunity to say thank you. Hindi ako nakapag-thank you noon sayo so ngayon ko na lang gagawin. Thank you for the beautiful memories and for being such an amazing friend to me. You were always there for me. Lagi mong pinaparamdam sa akin dati na it's okay to let go kasi nandiyan ka naman sasaluhin ako kaya hindi ako takot na bumitaw. Alam ko kasing nandiyan ka and you never failed me. You told me I'm beautiful when I was insecure. You always say the right thing that I want to "read." Hahaha. You were so polite and kind. God, why are you mabait?
You were my knight in shining armor when I was a damsel in distress and when everything fell apart, guess what? You just made the damsel in distress a warrior . Wala akong choice eh, wala na kasi ang knight in shimmering armor ko. You made me stronger and honestly speaking, I am now motivated to step up. Dati hindi ko alam kung bakit ka dumating sa buhay ko at binawi din, pero ngayon alam ko na. You came into my life to push me, to inspire me and to motivate me to do what I really love. At alam mo ba kung bakit we grew apart? Ako alam ko. We were bad for each other kasi. Pansin mo ba kapag magkausap tayo madalas tayong magkasala kasi nanlalait tayo? Hahaha. Alam mo yan. Di ba ang bad? Isn't sad na kailangan pa nating magkakilala at magkasakitan para lang maging mabuting tao? :\
Whew! Ito na siguro ang pinaka madramang mababasa mo mula sa akin. Tawa ka naman diyan. Di ako sanay eh. Hahaha. Pero seryoso, salamat talaga. Alam mo namang engot ako eh kaya napakatagal kong ma-realize ang mga bagay bagay. So iyon, I hope someday we will be able to talk again like what friends do and uhm so yeah I hope that you're always happy like we were.
With all my love,
Chicks
* * *
Aww.... Isn't it hearttrendingly beautiful?
So yun, mga Mailboxers pwede rin kayong magsend ng ganitong letter katulad ng ginawa ni Chicks. Sulat na kayo ng ganito para mailabas niyo yang mga baho niya. Hindi yung tinatago niyo yan, sasabog yan na parang BOOM PANES! Ano pinaglalaban ko?
BINABASA MO ANG
Mailbox
عشوائيHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)