Domo

26 2 1
                                    

Dear Ate Basha,

 May classmate ako, crush ko siya. May close friend ako, crush niya yon. Tapos tinanong ko sa guy kung totoo ba yung rumor na crush niya nga yung friend ko. Nagulat ako nang umu-oo siya. Grabe, umiba yung trato ko doon sa friend ko ah. Pero alam ng friend ko na crush siya ng crush ko kaso nagbubulag-bulagan ako do'n, kunwari hindi ko alam ba.

Naging ka-textmate ko minsan yung crush ko kaya do'n ko na tinanong yun, well totoo nga. Tapos siya naman yung nagtanong kung sino yung crush ko, halos maubos Unli ko JOKE sa kakadahilan e. Pero wala, napa-confess ako.

Ilang araw ang lumipas, iba na yung trato ni crush sa akin, para bang mas malapit na siya sa akin. Pinapakilig niya ako minsan at pinapatawa ko rin siya.

Pero ate Basha, hindi naman ako umaasa e na darating ang araw na pinapangarap ko XD kaso nga lang kung yung una, gusto ko lang siya. Ngayon, gustong-gustong- gusto na.

Nag-uumapaw ang kagandahan,

Domo

Advice:

Ano ba iyan, ang landi naman ng crush mo. Sabihin mo nga sa kanya na tigilan na niya iyan. Ano ba number niyan? HAHAHAHAHA!

HACKER: Hoy Basha, cradle snatcher ka!

Anong cradle cradle? Hindi ako duyan at lalong hindi ako snatcher! Pag di ka tumigil mawawalan ka din ng bubong. Hahahaha! Pinagtatawanan ko na lang ang bubong namin, lagi na lang kasi lumilipad. Feeling saranggola. LOL!

Anyway, hija mag-aral ka muna ng mabuti. Huwag kang padadala diyan sa crush mo kasi sa tingin ko pinagtritripan ka lang niyan porke nalaman niyang crush mo siya. Ano iyon? Crush niya friend mo tapos nung nalaman na crush mo siya biglang naging sweet sayo? Ay naku, sarap bagsakan ng sangkaterbang hollow blocks iyang crush mo. Naku ha, ay naku, huwag lang talaga akong hahawak ng kung anu-ano ngayon baka mabato ko lang sa inis. Gamit ko pa naman ang bago kong laptop ngayon, ay naku talaga. Pag ito ibato ko magbabayad pa iyang crush mo sa akin. Ilang taon na ba iyan baka pwede ng magtrabaho sa akin. HAHAHAHAHHAA!

HACKER: Ang kilay, Basha. Ang kilay mo, nalalagas na naman.

Na-i-stress talaga ako. Nagkakaroon na ako ng airfall.

HACKER: Hairfall iyon, Basha. Hahaha!

BASHA: Hairfall? Bakit parang wala namang ‘h’ iyon nung narinig ko sa commercial ng shampoo.

HAKEIR: Bahala ka nga, Basha. Nakakabobo ka, di ko na tuloy alam ang spelling ng pangalan ko. Hahaha!

Nayayamot na sa akin si hacker. Hahaha! Basta iyon, iwasan mo ang lalakeng iyan baka mamaya biglang may hingin iyan sayo… iyong ballpen mo na Pilot. Ano ba kasi iniisip niyo? Haha! 

MailboxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon