Shoutout sa mga hindi pa rin maka-move on diyan. Huhuhu. Kawawa ka naman, mas matagal pa ang pagkukumahog mong maka-move on kesa sa relasyon niyo. HAHAHAHAHA! Nganga! Wag ka ngang emo diyan, palalayasin kita sa Mailbox. Bawal malungkot dito. Tamaan ka sana ng sinasaboy kong happy pills!
Dear Basha,
Helllllloooow!
Grade 9- A ako, sharp daw ako? Pero bakit kung 1 to 5 ang quiz ehh 1 lang nakukuha ko?
Tapos ito pa malupet, si Mr. D palaging nagpapa CUTE! Pwe! Mas gusto ko pang itabi yung aso naming walang ligo kesa sa makita yung mukhang ipis ni Mr. D, but I friend him, dahil OTAKU daw sya then Super Mario asked him:
"Tol, kung otaku ka, anong apelyedo ni Gray?" - Super Mario
Pero wala siyang sagot, tapos ito pa! Binigyan nila ako ng site na puro anime daw, pero hmp! Hentai(PORN) yun, alam ko kase may nakalagay na hentai kaya ayun.
Sabi ni Super Mario at Mr. D na skolar daw ako? Eh 1 to 5 nga na quiz kuha ko lang is 1! Tapos skolar daw ako?
Tapos kada araw palage akong pinagtritripan ng mga lalake kong klasmate!
May time na, binigyan ako ng letter na may mighty bond ToT, super dikit at ragbi ang naka lagay tapos kinuha ko pero nung bubuklatin ko na waaaah! Ayaw maalis, pero kinuha ni Gen(yan name nung nag bigay ng letter) yung papel then he put something na tubig.
Binigay niya kay sir at kinuha ni sir pero nalagyan din sya ng mighty bond, uminit nga yung part kung saan may mighty bond. At lahat 7 kaming natripan ng mighty bond.
Ito pa, nag rereview kami dahil may test kami, tapos feel ko uminit yung upuan ko, yun pala sinindihan ng lighter yung upuan ko, pero di ako tumayo. Umupo parin ako, at lahat ng tao sa room ay ganun ang nangyare, si Gen parin ang gumawa.
Ito pa, nagpalipad sila ng paper airplane, pero di sakin napunta XD napunta sa ex gf nya at nabasa namin na "KISS MY BUTT from: Mac2x" (si gen parin may gawa)
Kaya gusto kong gumanti, anong way ba maganda? Huh Basha? Yung kasing ganda ko, at kasing ganda mo ang way ng pag ganti? (mauto ka sana huahuahuahua)
Sa lahat ng BOXERS jan! Penge ng way para makagante!!
Nagmamahal
Pula
Yan basha! Di ako kalog ngayon kaya walang....uhm ano ba yun? Since? Seens? Ah ewan! XD
* * *
May kalog na naman na napadpad sa aking munting sulat kahon. Hahaha! Sulat kahon, tagalog ng Mailbox. Buwan ng Wika ngayon, wag kayong ano.
Ay grabe naman iyang classmate mo. Gusto mo gumanti? Madali lang naman iyan.
UNA: Bumili ka ng sampung polvoron
PANGALAWA: Siyempre bumili ka din ng Coke mismo tapos Mentos. Ngayon, ilagay mo ang Mentos sa loob ng Coke. Wag alogin.
PANGATLO: Kunyari hindi ka galit. Mabait ka pa rin parang si Snow White (Ehem!). Ibigay mo sa kanya ang polvoron.
PANG-APAT: Pag mauhaw na yan, saka mo ibigay ang Coke. HAHAHAHA! Ewan ko na lang kung hindi niya yun inumin sa sobrang uhaw!
HACKER: Basha, Snow White ka nga ba o evil queen?
Manahimik ka hacker. Maski ako na-bobother na sa mga pinag-iisip ko. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Mailbox
RandomHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)