May napadpad na namang boylet sa inbox ko dahil sa Mailbox. Sinasabi ko na nga ba't Mailbox na lang ang pagtutuonan ko ng pansin para madami akong lalak- mapasaya, mapasaya pala. Di ba napapasaya ko kayo dahil sa Mailbox? SAGOT! Hahahaha! Init lang ng ulo! XD
Sa mga malalandi diyan, alams na ha? Ito ang tip ko sa inyo. Gawa kayo ng ganitong libro para makabingwit ng lalake. Jusko, maganda lang ako pero hindi ako malandi. Kaya nga dinudumog ang inbox ko eh mapalalake man o babae.. o binabae at linalake, pati na rin ng mga malalaking tiyan na lalake at malalakeng braso na babae kasi natutuwa sila sakin. Marami na kaya akong na-friendzoned pero sorry na lang kasi si Popoy pa rin ang gusto ko. So anong point ko?
Oy ha, may gumagaya sa Mailbox ko. Jusko ha, walang ganyanan. Kung pwede lang mag-iba ka ng title kung ayaw mong idemanda kita ng.. ng... illegal logging. HAHAHAHAHAH! Yun lang kasi ang alam kong kaso. Basta idedemanda kita! Higad ka. HAHAHAHAHAHAHA! Si Basha nagpapademanda!
Dear Basha,
Gusto ko lamang pong magpa-advise sa isang mabigat na problemang aking dinadala. Hindi ko na po ito kaya at kailangan ko po ng advice niyo. Ilang araw na po ako may LSS sa isang kantang ayaw ko. Paulit ulit ko na po siyang pinapakinggan at kinakanta ko na rin po, pero sintonado. Habang sinusulat ko ito, dinadownload ko na po yung kanta. Dapat ko na po bang itapon ang lahat ng gadgets ko na pwedeng mag-play ng music?
Silent Author
* * *
Hi paangkin.
HINDI AKO YAN! Nagpapanggap akong si ImArVeE. HAHAHAHAHAHA!
Grabe naman yang problema mo, ang bigat! Siguro ilang gabi kang hindi makatulog diyan 'no? Paanong hindi makakatulog eh wala naman kayong bubong! Nakapikit ka na, naliligo ka pa rin. Shower on bed? on or in.... o parehong mali? HAHAHAHA! Yung hacker bobo! HINDI AKO 'TO!
Seryoso na, mabigat nga ang problema mo. Naranasan ko na rin yan. Sa dinami dami ng pagi-LSS-an ko, Pusong Bato pa. Kinuha ko pa ang chords nito tapos wag ka, ito ang kauna-unahang kanta na plinuck ko sa gitara. Mga bata kasi dito yan ang palaging kinakanta kaya ayun, natuto akong sumayaw. HAHAHAHA!
Tama nga ang naisip mo. Itapon mo na lang lahat ng gadgets mo na pwedeng mag-play ng music. Itapon mo sa bahay namin, #07 C. Raymundo Ave, Brgy. Rosario, Pasig City. Oh ayan na ang address ko ha, tapos pagdating mo may makikita kang pink na Orocan sa labas ng green gate. Yun ang basurahan namin. Saka kung meron ka pang ibang gadgets diyan, itapon mo na rin sa bahay
Wag kang mag-alala effective 'to. Tinutulungan lang kita.
PS: Pag maitapon mo ang gadgets mo sa bahay, invite na rin kita sa loob para makapag-dinner ka. Baka sabihin mo naman hindi ako hospi.. hos.. hospital ah basta! Alam mo na kung ano yun. Sa bahay ka na mag-dinner dahil magluluto ako ng sinigang na monggo, di ba gusto mo yun? Paborito mo yun eh. Wag mong i-deny! HAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Mailbox
RandomHindi po ito story. Compilation ito ng mga letters na ipinadala sa akin. Yep, papalitan ko na si Ate Charo pero duh maliit ang nunal ko. :)